Wednesday, September 4, 2013

BUTIL NG BUHAY



Ako po mga kabalat ko ay laman din ng palengke dahil sumasalit ako sa misis ko paminsan-minsan sa pamimili. Dito ay nakikita at naoobserbahan ko ang galaw ng mga presyo ng bilihin sa merkado, particularly ang halaga ng bigas. At the span of one month nakita ko kung paano ito umalagwang tila saranggola  and yet, Secretary Proseso Alcala ignorantly denied this, na akala niya ay konti lang ang naging pagbabago sa presyo. Kung noong Mid July ay pinakamaganda na at pinakamataas  ang 35 pesos per kilo ng bigas na mabibili sa merkado, ngayon po, ang 35 pesos na ito ang isa sa “pinaka-pangit”, na klase, may “amoy” at “hinaluan ng NFA rice. Ang presyo po ng commercial rice ay umalagwa na sa 40 hanggang 50 per kilo o mas mataas pa.

Nakakatakot po ang magiging epekto nito mga kabalat ko. Hindi nga ba’t sobra nang nagalit ang taong bayan dahil sa nabulgar na Pork Barrel scam na si Janet Lim Napoles ang nagmanipula. Sa ngayon, siya na yata ang pinaka-isinusuka at hated person sa buong Pilipinas. Baka humantong po dito ang katayuan ng mga taong namumuno sa ahensiyang may kinalaman sa bigas mga kabalat ko, kapag patuloy at hinayaan nilang sumirit pataas ang presyo ng bigas at hindi nila nakontrol.

Ano po ang ginagawa ni Secretary Alcala? Natutulog sa pansitan? Nagmamaang-maangan? Nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan? Alalahanin po ninyo mga kabalat ko, na ang ahensiya na pinamumunuan ni Secretary Alcala ang pinaka-paboritong “implementing agency” na pinaglalagakan ng pondo, mula sa pork barrel ng ating mga mambabatas. Dito rin galing si Joc-Joc Bolante et al. Hindi po dahil “tuwid na daan” ang sinasabi ng boss ni Alcala sa Malakanyang, walang baluktot ngayon ang tinatahak sa kanyang ahensiya ng mga taong nasa loob nito. Nasa Kagawaran po ng Agrikultura ang mga “ahas” na galamay ng mga katulad ni Napoles at ng ating mga dishonourable na mambabatas.

"Ang BIGAS” ay “BUTIL ng BUHAY” Hindi ito puwedeng iparis sa presyo ng langis. Kahit pa bumaba sa pinakamababang level ang presyo ng langis o tumaas man ng napakataas, hindi ito ang immediate concern ng ating mga nagugutom na mamamayan. Hindi makakain o maiinom ang langis para malamnan ang sikmura nilang gutom. Bigas lang ang pamatid nila ng gutom at kung paaalagwahin ang presyo nito sa  hindi na nila kayang bilhin o abutin, aba e, parang minamasaker na ninyo ang dati ng mga nagugutom na mga tao sa Pilipinas na ayon sa survey ay lalo pang dumarami.

Dahil dito, may  tula po akong gustong ibahagi bilang reaction sa isyung ito.


Ang sabi ni Juan na muling hihirit
Sa isyung “talk of the town” siya’y pipilantik
Hindi po “pork barrel” at “Napoles” ang subject
Kung hindi itong “bigas” na presyo’y sumirit

Ito po ay ‘di pansin ng ating gobyerno
Ngunit ang “impact” po, sobra, todo-todo
Ordinaryong mamamayan, tinatamaan dito
Lalo na, ang pobreng, ni sentimo ay wala po

Ganid na negosyanteng sa tubo ay suwapang
Na target ng manipula, ang “butil ng buhay”
Gutom na mamamayan, unti-unting pinapatay
Sa presyong ‘di na ma-reach, kaya wala, kahit lugaw

Agriculture Secretary na Alcala ang pangalan
Sa pansita’y natutulog, ang sabi nitong si Juan
Dahil dito ang hinala, siya raw po ang “kapural”
Ng tuso pong negosyanteng nilalaro ang presyuhan

Ito’y ‘di mangyayari, kung ahensiya ng gobyerno
ay dito raw nakatutok, ginagawa ang trabaho
Si Prosesong sekretaryo,  hindi rin daw kumikibo
Umimik ma’y puro tanggi’t, ang gawain ay magturo

Ang sabi ni Juan, ang ganitong Sekretaryo
Ay dapat na sinisibak, pinuputol po ang ulo
Sa galit ng mamamayang, sikmura ay kumukulo
Baka raw siya ang balingan,  at sa krus ay ipako.

Kiko Kabalat
September 2, 2013
City of San Jose Del Monte, Bulacan


No comments:

Post a Comment