Bagamat lalabag sa ating saligang
batas, sa usapin ng pagkakapantay-pantay, may nasisilip akong “sense” sa sinabi ni Senator Mirriam
Defensor Santiago mga kabalat ko. Ano po ito? Na ang dapat na lang daw na
pabotohin sa eleksiyon ay ang mga mamamayang nagbabayad ng buwis at direktang
nag-aambag ng kanilang “hard earned
taxes” para sa “kaban ng bayan” pero
sinisindikato naman ng mga buwayang kung tawagin pa po natin ay mga “honorable Senators and Congressman”.
Ano po ang katuwiran ni Madam Miriam?
Dahil kung sino pa po ang mas nakararaming hindi nagbabayad ng buwis at
madaling i-corrupt ng mga pulitikong namimili ng kanilang mga boto kapag may
eleksiyon, sila pa ang nakapagluluklok sa puwesto ng mga tiwaling pulitiko at
opisyal ng ating gobyerno. May sense ‘di po ba mga kabalat ko?
Sa nabunyag na “pork barrel scam” (thanks GOD), mas
magiging maingat ang mga botante nating
taxpayers kung sino ang dapat ihalal sa puwesto. Iyong mga taong inaakala nilang hindi
mandadambong sa kaban ng bayan at kung ano talaga ang function nila (bilang
mambabatas), ito na lamang ang kanilang tututukan (at hindi mag-refer ng mga bogus
NGO at mangomisyon)
Let’s take a look mga kabalat ko.
Sino sa akala ninyong “responsableng
botante” ang boboto kay Senator Bong Revilla, Jinggoy Estrada, at iba pang ka-alipores nilang taga mundo ng pelikula ganoon din sa mga misis o kaanak
nila? Mga artistang binigyan nila ng function para gumawa ng batas, pero ang tanging
credentials na inilahad sa ay ang sikat nilang pangalan? Sila ba ang mga
botanteng may talino at nag-iisip o kaya ay nagbabayad ng tamang buwis?
Maaring may ilan sa kanila na
nagbabayad ng buwis, pero sad to say,
“hindi naman gumagamit ng isip”.
Ang nakalulungkot, sila ang bumubuo ng majority vote at sa ginawa nilang desisyon na paghahalal ng
mga ganitong mga pulitiko, lahat tayo ay apektado, nagdurusa at naghihirap. Buwis po natin ang ipinadambong nila sa
iniluklok nilang mga personalidad and “adding
insult to injury” ano po ang
alibi ng isa sa artistang iniluklok
nila? Hindi raw po niya trabahong alamin
kung “bogus” o hindi ang NGO o
Foundation na kanya mismong ini-refer sa implementing agency para paglaanan ng
milyon-milyong pork barrel na ipinagkatiwala sa kanya, ng sambayanang Pilipino.
Anong klaseng mentalidad meron ang taong ito na inyong ibinoto? Hindi ba sapat
ang sinabi niya para tayong lahat ay ma-offend, sumulak ang dugo sa galit at pagka-inis? Para
bagang sinabi niyang, may pakialam siya sa kanyang pork, as a lawmaker, pero
wala siyang pakialam mapunta man sa bogus at bulsa ng ibang tao ang milyong salapi na
ipinagkatiwala sa kanya.
Masakit ‘di po ba mga kabalat ko?
Pero, just relax. Huwag ninyong masyadong itodo ang galit dahil baka naman kayo
na-stroke. Idaan na lang ninyo sa mga “outlet”
na maaari ninyong i-release ang inyong pagkadismaya sa mga nangyayari sa ating
gobyerno. Sa mga Netizen na gaya ko, i-tweet ninyo, i-facebook, o kaya ay i-blog, ang inyong mga sentimiyento
para ma-release kahit paano ang inyong pagkadismaya. Puwede ring maki-isa kayo sa mga rally na
patungkol po dito.
Pero teka, mga artista lang ba
ang dapat nating pag-ingatang maluklok sa puwesto? Paano na iyong mga lawyer na
“sobra naman ang talino” at
ipinagyayabang na hindi pa raw siya natatalo sa hinawakang mga kaso sa panahon
ng kanyang pagiging abugado. Taong ang hangad ay maging happy tayo?
Well, this time, natitiyak kong “sad” ang lahat mga kabalat
ko. Aabangan ko na lang ang susunod na kabanata, kung sa pagkakataong ito ay
"matatalo" na siya sa kakaharapin niyang kaso. Tama lang na maging maingat sa
pagpa-file ng kaso ang DOJ. Tiyaking "pulido at walang butas”
na makikita dahil ang matalino sa batas, ay ang butas na kanyang lulusutan
ang hahanapin at titibagin. Kapag nangyari ito, tiyak na lusot din sa kaso ang mga “dabarkads” niya na sa kanyang depensa sasandal.
No comments:
Post a Comment