VS.
May posibilidad ba na mangyari nga sa dalawang
co-equal branch of our government
(Legislative and Juduciary) ang pinangangambahan ng ilan na “constitutional crisis”?. Puwede. Bakit
po mga kababayan at kabalat ko? Dahil nga tahasang pagsasabi ni House Speaker
Alvarez na hindi nito susundin ang Supreme Court kapag ipinag-utos nito na mag-convene sila (lower and upper
house) para pag-usapan ang martial law declaration ni President Digong Duterte
sa kabila ng pag-sang-ayon na ng mababa at mataas na kapulungan sa kanilang
magkahiwalay na resolution (by a majority vote) supporting it.
Ang ating Saligang Batas ay
maihahalintulad sa mga talatang nakasulat sa Biblia. Bagamat malinaw na
nakasulat ang mga artikulo, iba’t iba ang interpretasyon at pakahulugan ng mga taong
nagbabasa nito. Particularly iyong mga nagsunog ng kilay sa pag-aaral ng batas.
Silang mga law expert and constitutionalist kuno. May kanya-kanya silang
pakahulugan sa salitang “rebellion at invasion”
na basehan sa pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao. May kanya-kanya rin
silang pagtaya sa “gravity” ng
nangyayaring digmaan sa Marawi City kung dapat o hindi pa dapat ideklara ang
Martial Law. Meron ding nagsasabi na
hindi na dapat i-convene ang kongreso kung hindi naman ire-revoke and Martial
Law at meron namang sinasalungat ito.
Ano ba talaga kuya?
Sa mga kababayan at kabalat
ko na patuloy na nakatutok sa sitwasyon, alam natin na hanggang ngayon ay
nagaganap pa rin ang digmaan sa Marawi City. Marami na ring nasawi sa
magkabilang panig (gobyerno at rebeldeng terorista, kasama na dito ang ilang
banyagang kasapi nila). Ganoon din sa hanay mga inosenteng sibilyan. Daang libo
na rin ang mga evacuees na tumakas at nagpunta sa mga kalapit na probinsiya ng
Marawi City. Sa kasagsagan ng digmaan, maraming kuwento at karanasang naibahagi ang mga evacuees tungkol sa mga
kumubkob sa kanilang lungsod. Napakarami ring matataas na kalibre ng baril,
bomba, at mga bala ang nare-cover. Meron ding milyon-milyong salapi na nakuha
sa pinagkutaan ng mga terorista. May mga larawan din na naglalagay sila ng
kanilang mga bandila (ISIS) bukod pa sa mga nasamsam na video footages ng mga
pinuno ng mga rebeldeng terorista na nagpapakita ng pagpa-plano sa pagkubkob o
pagsakop sa Marawi City. Ito ay matamang nasusubaybayan ng taong bayan sa
kanilang mga telebisyon base sa iniuulat ng mga field reporter ng iba’t ibang
media entity.
Sa kabila ng nagdudumilat na
katotohanan at maliwanag pa sa sikat ng araw na mga eksena otagpong nagaganap sa
Marawi City, dapat pa bang kuwestiyunin ang legality and
gravity sa pagkakadeklara ng Martial Law sa Mindanao? Ang pagdebatihan ang tunay na kahulugan ng rebellion at invasion? What we see is what we get
wika nga. The thing speak for itself.
Res ipsa loquitur. Ang Mindanao Bloc sa kongreso na mismong apektado ng Martial Law ay pabor sa deklarasyon. Ang nakapagtaka,
itong mga nagdudunung-dunungang mga Makabayan Bloc at taga Luzon ang kumokontra. Silang mga paranoid (mga biktima ng Martial Law ni
Marcos na hindi pa makapag-move on at laging ikinukumpara ang Martial Law ni
Digong)
prophet of doom (mga taong hindi pa nakakakita ng pang-aabuso ay
tila mga propetang hinuhulaan na nila ang mangyayaring kasamaan nito) at mga matatandang constitutional expert kuno
na kakikitaan na ng sign sa pagkakaroon ng dementia
(loss of mental power). Sila ang nagda-down
play sa nagaganap na digmaan sa Marawi City at ang kanilang pagtaya sa
nagaganap doon ay ordinary police matters lang at kaya raw solusyunan na walang
Martial Law. Sa ganitong mentalidad ng
mga taong gustong pawalang bisa ang idineklarang Martial Law sa Mindanao, hindi
kataka-takang pagbintangan silang mga Maute-ISIS terrorist supporters. Kagaya
rin ng mga taong kontra sa war on drugs ni President Digong Duterte kung saan
either nasa payroll sila ng mga drug lords, o baka sila ay may mga pusher at
drug addicts na kamag-anak kaya ganoon na lang ang kanilang pagtutol dito.
Ang matalinong lider ay dapat
advance mag-isip. Isang lider na maihahalintulad sa chess player, kung saan,
pina-plano pa lang ng kalaban ang kanyang susunod na moves o pag-atake, nakikita
na niya ito at napaghahandaan. Inaayos ang kanyang mga piyesa bilang
preparation sa kanyang pagdedepensa. President
Duterte’s declaration of Martial Law in the whole Mindanao region is a part of
the government preparation to subdue and to counter the Maute-ISIS inspired
rebellion and invasion. Ito rin ang pinakamabisang armas ng gobyerno para tugisin
at mapanagot lahat ang mga supporter, sympathizer at financier ng grupong ito
na may kanya-kanyang hide-out sa iba pang bahagi ng Mindanao. The President
knew to himself na ang “apoy” na
nilikha sa Marawi City ay posibleng dumaloy at “lumigwak” sa mga karatig lalawigan nito. Without this powerful weapon,
ano sa palagay ng mga kumokontra sa Martial Law ang kanilang gagawin? Only the
President of the Republic of the Philippines has the authority to declare
Martial Law. Siya rin ang tunay na nakaaalam sa gravity ng situation na hindi
nalalaman nating mga mamamayan at ng ibang sector na nadudunung-dunungan. Kapag
lumala ang situation at na-ikompromiso ang safety and security ng ilang bahagi
ng ating bansa at mga mamamayan nito, ang Supreme Court at ang mga Makabayan
Bloc and opposition ba ang sisisihin. Only
the president as the Commander in Chief. .
Although, iilan lang sila na
kumukuwestiyon sa basehan ng pagdedeklara ni President Duterte ng Martial Law, karapatan
nilang tumakbo sa Supreme Court, bilang “the
last interpreter of the law”, karapatan
din ng Korte Suprema na dinggin ang anumang usapin na may kinalaman sa legalidad
ng batas, kapag inihain ito sa kanila. Ang tanong, dapat bang maging maingat
ang Supreme Court sa kanilang gagawing pagde-desisyon particularly sa isyung ito? Dapat
lang.
Ang gusto ng ilang member sa
Makabayan bloc at minority opposition ay maging kasing inutil ni Ex-President
Noynoy Aquino ang ating lider ngayon. To dance in accordance with their music. Pero
dahil matapang, may political will at gumagamit ng kanyang common sense si
President Rodrigo Duterte, they are using now, the Supreme Court as a “pawn” to wage war against the
executive and legislative branch of our government. Ang kongreso ay co-equal
branch ng judiciary and majority of the legislators (upper and lower house)
approved in their separate resolution the declaration of Martial Law in
Mindanao. Because of this, hindi dapat idis-regard ang “respect and courtesy” lalo pa’t kung may direktang ipag-uutos sa kongreso sa dapat nitong gawin sa kanilang kapulungan. Kapag kumagat ang Supreme Court sa “pain” na ito ng mga opposition sila (Supreme
Court) na rin ang dapat sisihin kapag nagkatotoo ang pinangangambahang
constitutional crisis.
No comments:
Post a Comment