Thursday, June 8, 2017

Makabayan Bloc and Some Opposition Legislators: A bunch of Paranoid and Prophet of Doom Person?



Kapag may mga isyung tinatalakay sa mga nagiging kaganapan sa ating bansa, bilang isang tao na may malayang isip hindi ko maiwasang mapa-iling lalo pa’t may mga gunggong sa ating lipunan na tila “sarado ang isip” at ang pinaghuhugutan ng kanilang mga katuwiran ay “hinuhugot sa kanilang mga puwet”. Ilan dito ang mga nagpapanggap na makabayan kuno kung saan ito ang paborito nilang ikabit sa kanilang party list. Ang Bayan at Akbayan Party List. 

Nang magdeklara ng Martial Law si President Digong Duterte sa Mindanao, dito ko napaglimi na ang karamihan sa mga member ng makabayan bloc na ito ay “paranoid”, meron ding “prophet of doom” at ang mga matatanda sa kanilang hanay ay may sakit ng “dementia” (loss of mental power). Ito marahil ang dahilan kaya walang matino at lehitimong gobyerno silang makasundo. Kahit na right, center or left leaning ang maluklok na presidente sa ating bansa, ang alam lang nila ay ang maging “kontrabida” at humanap ng maidadahilan para i-justify ang kanilang role na ito  sa sambayanan kahit pa ang nakataya ay ang safety and security ng ating bansa at mga mamamayan nito.

Anyway, we are in a free country at malaya silang kumontra sa Martial Law declaration ni President Digong at i-akyat ito sa Supreme Court. Ang hindi ko lang masikmura ay ang kanilang pagdo-drawing ng mga scenario na hindi pa naman nangyayari sa ilalim ng martial law ni President Digong. Meron na kunong paglabag sa karapatang pantao, pagsupil daw sa kalayaan ng pamamahayag, etc. na hindi ko pa naman naoobserbahan sa ilang araw o Linggo ng pagpapatupad sa Martial Law.   

Akbayan Party List representative Tom Villarin in a radio interview, reiterated some of this scenarios na drawing lang niya at ng kanyang mga paranoid na kasamahan.. He pointed out na kesyo ang mga taga Marawi raw ang nagsasabing alisin na ang Martial Law. Na kesyo sa paghahanap ng ID sa mga evacuees ay nilalabag raw ng mga military ang kanilang human rights etc, etc. Anak ng pitong demonyo, kapag kasing utak lamok naman ni Congressman Villarin ang mai-interview, siguradong kukulo ang dugo ng mga makakarinig dahil parang ginagawa niyang tanga ang mga taong nakasubaybay sa nagiging kaganapan sa Marawi City. Iyon bang paghingi ng ID just to identify the personalities of the evacuees ay human rights violation na? Kung di ba naman kabila pa sa ugok itong si Congressman Villarin et al.  Paano makikilala ng mga military security kung humalo na sa mga evacuees ang mga terorista? 

Kung ang mga taong ito, ang pakikinggan ng ating presidente, baka nga ho masakop na ang ating bansa ng ISIS at pagpupugutan ng ulo ang ating mga kababayan. Tila baga wala silang “sense of urgency” para maresolba agad ang problema at ang iniisip nilang ginawa ng Maute-ISIS sa Marawi City is just an ordinary police matters at hindi kailangan ang mas malakas na armas na ibinigay ng ating constitution sa ating presidente. Para bang ang gagaling nilang kumontra sa Martial Law pero wala naman silang iminumungkahing epektibong  solusyon kung hindi ang "malambot", "malamya", "bakla" at walang balls nilang pinaghuhugutan ng katuwiran. 
 
The Duterte administration must ignore these "epals" dahil kapag pinansin ang mga ungas na ito, baka ipakain nila tayo ang buong-buo sa mga gutom na ISIS na nagnanais magtayo ng kanilang imperyo dito. 


No comments:

Post a Comment