Wednesday, August 23, 2017

Bureau of Customs: The House of Termites


Now that Senator Ping Lacson revealed the names of those custom officials and employees who are receiving TARA, nararapat lang sigurong mag-resign na sila agad kung may natitira pang kahihiyan sa kanilang pagkatao.  Kung makapal naman ang kanilang hiya, dapat ay sibakin agad sa puwesto ang mga lumutang na personalidad na ito. Wala silang karapatang manatili kahit isang minuto sa Bureau of Customs. Kung baga sa “anay” na nagpalamon sa bulok na sistema, matagal din nilang naging “milking cow” ang Bureau of Customs and we need a new set of workers in government to replace them immediately. Kung maaari, hindi lang dapat matanggal sa puwesto ang mga taong ito kung hindi dapat ding masampahan ng kaso para maparusahan.

Karaniwan sa mga anay na nabubulabog, nagka-kanya-kanyang takbuhan ang mga ito sa iba’t ibang direksiyon. Pero iba ang tao dahil tiyak na may mga personalidad na ibinunyag ni Senator Lacson na dedepensa pa at pasisinungalingan ang mga alegasyon ng katiwalian laban sa kanila. Pipilitin din nilang mag-ala-tuko sa pagkapit sa kanilang mga puwesto at kakailanganin pang gumamit ng suction para sila hilahin palabas.

Ngayong meron nang bagong itinalagang mamumuno sa Bureau of Customs sa katauhan ni Commissioner Isidro Lapena,  dapat lang na ang unahin niyang gawin ay ang paglilinis ng bahay na matagal na pinagpiyestahan  ng mga anay. Kung baga sa na-infect ng birds flu, i-separate niya agad ang mga opisyal at empleyadong may bahid ng kahit katiting na katiwalian at patalsikin ang mga ito ora mismo. Transferring them in another branch or offices but still in the bureau cannot cure their greediness. Its already in their system at gaya ng isang anay, patuloy silang magiging kasiraan at gagawa ng katiwalian kapag nakasilip ng kahit maliit na tsansa o pagkakataon.


No comments:

Post a Comment