Senator Antonio Trillanes IV
"Sa
Philippine Senate, may isang “palalo”. Sa
yabang at kahambugan ay numero uno. Ngunit ‘pag sinukat ang angking talino; kamangmangan
niya’y tagos hanggang buto”
Kung
may tinatawag na “bully” sa mga
paaralan, ang senado ay hindi exempted dito. Kayo po mga kababayan at kabalat
ko ang saksi at kitang-kita ninyo sa inyong television screen ang “body language” at binibitiwang
pananalita ng “pinaka-arogante at
pinaka-hambog” na senador sa Philippine Senate. Bilang isang ordinaryong
tagapag-masid at may malayang isip, ito ang obserbasyon ko sa isang Senator
Antonio Trillanes IV na napanood ko kung paano niya patayan ng mikropono ang
isang kapwa niya senador habang nagsasalita at nasa kalagitnaan ng senate
inquiry. Ito ngang pinaka-huli ay ang naging banggaan naman nila ni Senator
Richard Gordon not to mention their altercation of Senator Zubiri, etc. Kung
hindi pambu-bully ang ginagawang ito ni Senator Trillanes, ano ang maitatawag
ninyo dito mga kabalat at kababayan ko?
Sa
totoo lang, may pagka-antipatiko ang porma o dating ni Senator Trillanes
particularly sa pananaw ng katulad kong minsan na ring na-bully noong nasa high school
pa ako. How do I wish then na makaganti
sa nam-bubully sa akin at ito ay nangyari makalipas ang apat na taon. Nasa
kolehiyo na kami kapwa nang muling nag-krus ang aming landas. Tinangka niya
akong i-bully at ipahiya sa nililigawan ko, pero that time, preparado na ako sa
kanya. The result? Iniwan ko siyang nakahandusay sa baldosa na duguan ang mukha
and almost unconscious. Ganoon man, nagkaroon ng bahagyang bali ang mga buto ko
sa kamao dahil ang kinasahan ko ay higit na malaki sa akin. But I did it.
Nagbunga ang tatlong taon kong training sa martial arts to prepare myself
physically and mentally.
Hindi
ko sinasabing gawin ni Senator Gordon o ng mga nakabangga ni Senator Trillanes
ang ginawa ko sa nam-bully sa akin. Mga kagalang-galang sila sa kanilang mga
posisyon and it was unethical for them to act like I did. Pero, may magagawa
sila sa isang katulad ni Senator Trillanes sa pamamagitan ng tamang proseso.
Ang paghahain ni Senator Gordon ng reklamo sa Senate Ethics Committee. I
respect Senator Gordon. Isa siyang matalinong senador at bilang isang abugado,
he knew what he did in the senate inquiry. Mas nalalaman niya kung ano ang
hearsay at hindi hearsay sa legal nitong kahulugan. Sa isang ignorante sa batas
na katulad ni Senator Trillanes na nagdudunung-dunungan tanging ang pagiging
arogante nito ang kanyang pinaiiral.
In
this case, “being an ignorant and at the
same time arrogant was a form of bullying”. Hindi ito usapin ng kung ikaw
ay opposition o pro administration. Ito ay usapin kung paano makitungo ang
isang senador sa kanyang co-equal senator. You can oppose anybody without
making unparliamentary remarks nor actions na para bang “nakakalalaki” o “namba-braso”
kapag hindi napagbigyan ang gusto. So, kung mapapatalsik o masususpinde man si
Senator Trillanes, hindi dahil opposition siya. Ito ay dahil sa mga unethical
na ginagawa niya sa senado at sa mga kapwa niya senador.
Sa
mga senador na hindi pa nakakaranas ma-bully, it’s easy for them to forgive and
forget, pero sa isang na-bully na katulad ko noon, what I want is to teach the
one who bullied me a lesson para hindi na niya ulitin. Kung hindi didisiplinahin
ngayon ang isang pinaka-arogante at mayabang na senador na katulad ni Senator
Trillanes ano ang aasahan sa kanya
hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino? Bullying pa more.
Get’s n’yo mga
kababayan at kabalat ko?
No comments:
Post a Comment