Riding in Tandem Criminals
Maraming
nainis at nabuwisit sa pahayag ni PNP Chief Bato Dela Rosa sa kanyang naging
pahayag na “mga ingrato kayo”. Ang pinatutungkulan niya dito ay ang mga taong
pinupuna ang sunod-sunod na patayan dahil sa war on drugs na idineklara ni
President Rodrigo Duterte. Bilang isang ordinary citizen at may malayang isip,
pabor ako sa war on drugs ni President Duterte. Ang hindi ko gusto ay ang mga
ginagawang pagpatay ng mga “riding in
tandem criminals” in broad daylight at nakukunan pa ng CCTV. Very bold at
ang tatapang nilang gawin ito kung saan pinagmumukhang manok na lang ang mga
tao na gusto nilang patayin.
Siguro,
aside from those legitimate operation na ginagawa ng PNP laban sa mga drug
personalities, panahon na para tutukan naman
ni General Bato Dela Rosa ang mga riding in tandem criminals at kung maaari
magdeklara rin siya ng giyera laban sa kanila. Kung may war on drugs, dapat ay
may “war on riding in tandem criminals”
din ang pulisya. Ang totoo, naniniwala ako na sila ang “proximate cause” kaya nadidiskaril ang war on drugs ni President
Duterte. Ang mga riding in tandem din ang dahilan kaya nababando ang salitang EJK sa buong Pilipinas at sa buong
mundo. Ito ngayon ang sinasakyan ng mga opposition at kalaban ng gobyerno para
higit na pasamain ang imahe ng Duterte administration.
Hindi
puwedeng ituring na lang ng mga kapulisan na death under investigation (DUI)
ang mga napapatay ng mga riding in tandem dahil ang kaakibat nito ay ang imahe
ng PNP at ng gobyernong Duterte. Ang gusto ng taong bayan ay ang aksiyon na
ginagawa at gagawin ni General Dela Rosa to halt and possibly to eradicate this
riding in tandem species in our society. Kung tutuusin, ang mga riding in
tandem killers ay lantad sa mata ng mga tao at nakikita rin sa CCTV. Sakay sila ng motorsilo at may dalang baril.
Kung walang batas na nagbabawal sa isang taong naka-motorsiklo at may angkas,
hindi ba puwedeng atasan ng PNP ang lahat ng kapulisan sa Luzon, Visayas and
Mindanao na ang ang lahat ng mga nakamotorsiklong may-angkas na nakikita nila
ay i-apprehend at sitahin. Gawin nilang priority ang pagsasagawa ng check point
sa kanila for precautionary measures. Kung aangal ang human rights advocate sa
ganitong sistema, puwes gumawa ng batas ang ating mga mambabatas para maresolba
ang krimen na kinasasangkutan ng mga riding in tandem. Ang problema parang
helpless at tila walang iniisip o plano ang PNP na harapin ang mga “salot na ito ng lipunan. Hindi tuloy maiwasan ang mga haka-haka ng tao
na baka mga pulis rin ang gumagawa nito at ganito ang sistema ng ilan sa kanila
sa pagliligpit ng mga drug personality.
To
tell you frankly, General Bato Dela Rosa, as long as these riding in tandem
criminals were freely roaming the street to look for their targets and kill
their victims in broad daylight and in front of terrifying citizens, ang “impact” nito ay lilikha ng
napaka-pangit na imahe sa PNP in particular at kay President Digong Duterte in
general. So, who is the culprit that you’re looking for General Bato Dela Rosa
sa war on drug ni President Duterte? Ang
mga riding in tandem criminals na nasa tungki lang ng inyong mga ilong. Pagala-gala
at sakay ng mortorsiklo na may ka-angkas. Hunt and challenge them. If necessary,
kill them kung lalaban. Kung nagbibilang kayo ngayon ng mga nahuhuli at
napapatay na drug personalities sa inyong mga police operation, puwede bang magbilang
din kayo ng mga napapatay o mapapatay na riding in tandem criminals? Kapag
nagawa ninyo ito, wala ng dahilan para madiskaril ang war on drugs. Gaganda pa
ang inyong imahe sa nakararaming mamamayan.
No comments:
Post a Comment