Thursday, October 5, 2017

To Bloggers: Just Play Safe



Noong nakalipas na araw, sinimulang dinggin sa senado ang isyu tungkol sa mga “fake news”. Dito ay na-high light rin ang mga “bloggers” kung saan isang Cocoy Dayao  na di umano ay nasa likod ng Silent No More Blog sa social media ang gumawa ng malisyoso, mapanira  at libelous post sa pitong senador na ikinapikon ng mga ito. Bilang isang blogger na katulad nila, masasabi kong lumagpas na nga sa boundary ang naturang blog post kung saan pati ang personal na pagkatao ng pitong senador ay inatake. Masasabi kong “gungong” ang taong me gawa noon at tila inosente sa batas na umiiral.

Sa pagsusulat ng opinion o pag-atake sa isang tao, okey lang na maging emosyonal tayo. Kaya nga tayo natatawa kapag may dapat tawanan at magalit kapag may dapat na ikagalit. Pero sa pag-atake sa isang tao na kinabubuwisitan natin, dapat na ang isang blogger ay may disiplina  sa sarili. In a sense na he or she must adopt a certain degree of control. Para sa akin okey lang na tawagin nating gago, tanga, bugok, gunggong,  bopol, walanghiya, inutil, malandi, mahalay, pangit at iba pang termino ang isang taong kinagagalitan natin, pero ang tawagin silang magnanakaw, rapist, mamamatay tao, etc, etc without any evidence na sila nga ay ganito o na-convict na in final judgement sa mga kasalanang ipinaratang ninyo sa kanila, in my own opinion,  this is truly malicious and libelous.

Kapag tinawag kong abnoy at tanga si P-noy Aquino, bopol at gago si Congressman Alejano, barumbado at mayabang si Senator Trillanes, this is not libel. This is my own personal perception to their looks and characters. The way they talk and the way they act. Lahat tayo ay may kanya-kanyang pananaw sa ginagawa at sinasabi ng isang tao and we are free so say it, even it is hurtful sa isang taong sinabihan mo nito. They can also say it to me in return. Pero kapag tinawag ko siyang mamamatay tao at magnanakaw ng diretsahan at hindi ko ito ibinase sa isang news item or other references na puwedeng pagbasehan ng aking ipinahayag, para sa akin ito ay masasabing malicious. Kaya nga ang mga blogger ay dapat ding mag-ingat at i-adopt ang mga salitang “di umano” or “allegedly: or mag-quote kayo kung sino ang nagsabi nito na narinig o nabasa ninyo sa news. Puwede ring dugtungan na lang ninyo ng question mark, as if kayo ay di rin sigurado kung ang bagay na inyong sinabi o isinulat ay totoo. To play safe wika nga.

Ganoon man, sa nakikita kong “word war” nina Senator Leila De Lima and Senator Antonio Trillanes vs. President Rodrigo Duterte, ang lahat ng ito ay tila bale wala na. Senator De lima, called President Duterte a “mass murderer” without any prove nor evidence to this effect. Senator Trillanes called Duterte “magnanakaw” at “mamamatay tao” etc without any evidence na na-convict na in final judgement si Duterte sa kanyang mga ipinaparatang dito. President Duterte on the other hand accused Senator Trillanes of having a mistress in the AMLC. Wala na labu-labo na. Batuhan ng mga paratang na nakasisira sa kanikanilang pagkatao. May nagsampa ba ng libel laban sa isa’t isa? Wala. It is now for the people to judge kung sino sa kanila ang paniniwalaan. Anyway, they are among the highest official in our government and protected by immunity they were enjoying. Pero bakit nakapag-aakusa si Senator Trillanes at De lima ng ganito kay Digong kahit wala sa loob ng senado o plenaryo?


Pero ibang usapan kapag ordinaryong blogger ka lang. We have no immunity. So, we have to play safe. Watch our word. Choose the right and appropriate word na maihahanay natin bilang perception o pananaw natin sa taong inaatake natin. Hindi rin tayo dapat mag-imbento ng fake news, then base our opinion into it.  Sa itinatanong ni Bam Aquino kay Mocha Uson kung sa dinami-dami raw ng nai-blog nito, hiningan daw ba siya ng side ni Mocha. Kung ako ang sasagot kay Bam, ganitong sasabihin ko. “Kung ang tingin ko sa iyo  Mr. Senator ay GAGO ka, kailangan ko pa bang hingin ang side mo kung bakit ka gago? Iyon ang sarili kong pananaw o perception sa iyo e, anong magagawa ko?”                                          

No comments:

Post a Comment