Ang
pagpapatalsik kay Ma. Lourdes Sereno bilang
punong mahistrado ng korte suprema ay masasabing isang napaka-controversial na
desisyon. Ito ay ginawa ng mismong katas-taasang hukuman na itinuturing nating “the last arbiter of the law”. Maging
ako na dating estudyante ng batas noon ay medyo nanibago dahil sa aking
pagkakaalam ay tanging ang impeachment
trial lang ang maaaring makapag-patalsik sa puwesto sa isang impeachable
official dahil ito ang nakasaad sa ating saligang batas. Ganoon man, dahil nag-file ng “quo warranto” petition sa korte
suprema ang Solicitor General, and used it as another tool to remove the sitting chief
justice and at the same time an impeachable officer under our constitution,
maging ako ay tumutok sa magiging kaganapan. Mistula kasi itong isang “secret weapon” na binuksan and I am
interested to see what’s in store for this weapon. At ‘yun na nga, binulaga ang
lahat na that tool can be used “to slay
a giant”. Sa botong 8-6 nanaig ang Quo warranto petition of Solgen Calida removing
Ma. Lourdes Sereno as Chief Justice.
Now,
let us see, and analyze why that tool (quo warranto) slay the giant? Himayin
natin ito ng punto por punto. Former chief Justice Ma. Lourdes Sereno is the
one who are sitting in the throne. Siya ang pinaka-reyna sa kataas-taasang
hukuman sa ating bansa. So, ang tingin natin sa kanya ay isa siyang “dalisay”, “puro” at “walang bahid-dungis” sa kanyang
kinaluluklukang pedestal. Isang reyna na nagtataglay ng katalinuhan, katapatan, kakayahan at “wisdom” na karapat-dapat sa posisyon na ibinigay sa kanya. Ang
problema, habang siya ay nanunungkulan, may mga bagay na nasilip sa kanya, at
ito nga ay ang “closet of skeletons” na kanyang
itinatago. May nag-file ng impeachment sa kanya sa kongreso, courtesy of Atty
Larry Gadon. All of this was revealed in the house of congress kung saan
hinimay dito ng isa-isa ang mga nakatago niyang kalansay and presto biglang
nagliwanag ang “dilim” na kanyang
itinatago.
Kung
si former chief justice Renato Corona (now deceased) removed from his office on
the basis of his defective SALN (Statement of Assets, Liabilities and networth),
and ipinalit pala sa kanyang chief justice na si Ma. Lourdes Sereno ay hindi
nag-file ng kanyang SALN nang ilang taon bago pa man siya naupong punong
mahistrado ng kataas-taasang hukuman. Ito’y isang tandisang paglabag sa batas
na umiiral tungkol dito and yet she was appointed to that highest position. So,
lumilitaw na ang naluklok na punong mahistrado sa katas-taasang hukuman na itinuturing
din nating katangi-tanging posisyon dahil tinitingala bilang the last arbiter of the law of the
land ang siya pala mismong “law breaker”.
Now, puwede pa ba natin siyang tingalain sa pedestal na kanyang kinaluluklukan bilang puro
at dalisay? Can we fool ourselves and just shrug our shoulder and take it as
if, balewala lang? Nakasisiguro ako na
kapag umabot ang kaso ni CJ Sereno sa Senado for impeachment trial ay mapapatalsik
din siya, unless of course ang tingnin niya sa ating mga senador ay puwedeng
himasin, pakiusapan o kaya ay kaya niyang bolahin dahil baka iniisip niyang mga
“bopol” ito at karamihan ay walang
alam sa batas.
So,
alam na natin ngayon kung bakit ginamitan si former CJ Sereno ng isa pang tool
(quo warranto) to removed her at hindi na makayapak sa senado. Inaakala ng mas
nakararaming SC justices na ang pagkakatalaga kay Ma. Lourdes Sereno sa
hinahawakang posisyon ay “void ab
initio” o walang bisa simula pa lang sa kanyang pagkakaluklok. Merong
nilabag na batas at requisites, at ito nga ay ang hindi niya pagsusumite ng
kumpletong SALN nang siya ay i-appoint. Kung wala ngang bisa ang kanyang
pagkakatalaga bilang Chief Justice mula sa simula, sino ang ii-impeach natin? Kung
hindi nasunod ng mahigpit ang itinatadhana ng batas sa pagtatalaga ng isang
punong mahistrado, despite she was appointed by President Noynoy Aquino at
nanungkulan na nang mahabang panahon, hindi siya maituturing na totoong chief
justice. Ganoon marahil ang pananaw ng mas nakararaming SC Justices, except of
couse kung ang SALN ay itinuturing lang na “a
piece of paper” na tulad ng paniniwala ni Justice Marvic Leonen. (Siguro
dapat na ring silipin ngayon kung ang Justice Leonen na ito ay nagpa-file din
ng SALN dahil sa katuwiran niyang bulok)
Ang
argumento ng kampo ni CJ Sereno na parang “batang
nagtuturo” to justify her fault na ang mga associate justices rin daw na
nasa SC ay kulang-kulang din ang SALN. Ito ay walang saysay at kabuluhan. Si CJ
Sereno ang nakaupo sa “hot seat” at hindi
sila. Sa mga nagsasabi naman na ang quo warranto raw ay isang daan na binuksan
para madaling matanggal kahit na ang mga impreachable official. Ito rin daw ay
isang panganib sa ating demokrasya at kalayaan ng hudikatura? Huwag po kayong
maniwala dito. Basta ang lagi lang ninyong tatandaan, kung nag-aaspire kayo ng
mataas na katungkulan sa ating gobyerno particularly those who are appointed, ang pagiging tapat ninyo sa sarili at sa
Diyos, ang pagsunod sa mga batas na umiiral, ang malinis na kunsensiya at
pamumuhay at ang katapatan sa paglilingkod
ang inyong magiging “kalasag” para hindi kayo matanggal sa puwesto.
Kahit pa po isang libong quo warranto ang ipukol sa inyo, you can still survive
and live with dignity.
Sa
kaso ni former CJ Ma. Lourdes Sereno, hindi ganito ang nakikita ko and she pays
the price.
No comments:
Post a Comment