Tuesday, June 26, 2018

GOD Have a Reason Why Rodrigo Roa Duterte is Our President


President Rodrigo R. Duterte

“GOD reads the soul and not the face. HE hears the thought and not your tongue”

Ito ang matibay kong pinagbabatayan kung bakit hindi dapat hatulan ng mga ordinaryong tao lang si President Rodrigo Duterte sa kanyang mga sinasabi at ginagawa. Ang Diyos lang ang puwedeng humatol sa kanyang mga nilikha dahil ito mismo ang nakasaad sa talata ng Biblia na pinaniniwalaan nating mga kristiyano. Then, why these “hypocrites” and modern Pontius Pilate judged him? Who are you to judge him anyway? Dahil sa tinatawag na kamangmangan.

Nasabi ko ito dahil may ilang matatawag na “idiot” sa social media na ipina-paskil pa ang larawan ni Presidente Duterte habang nagdarasal sa loob ng simbahan. Sa kanilang caption ay iniinsulto ito at kinukuwestiyon ang kanyang ginagawang pananalangin. Yun namang mga nag-comment ay pang-iinsulto rin ang sinasabi kaya, dito ako medyo napa-isip. How can these people question the “faith” of an individual while he or she is praying? Nababasa ba nila ang “kaluluwa” ng isang tao o naririnig ang “iniisip” nito? Of course not. Diyos lang ang nakakaalam kung gaano kataimtim at kasinsero ang ginagawang pagdarasal ni President Duterte. And yet, these modern Pilate laugh at him, making a mockery of what our president did. Ganito ka-hypocrite ang ilan nating kababayan. Nagmamarunong pero mangmang sa paningin ng Diyos.

If President Duterte claimed his GOD is perfect and the GOD of others was stupid. How can we argue with him? We cannot insist, impose nor force to him that we have the same GOD. If we told him that because, both of us were Catholic, we have the same GOD, that’s a wrong perception. Every individual has their own free will, kahit nasa loob pa sila ng iisang religious organization. Ito ang nagdudumilat na katotohanan at hindi maaaring sagkaan ng sinuman. President Duterte is a very transparent individual. Hindi ipokrito dahil kung ano ang kanyang iniisip, ito ang kanyang sinasabi. Walang ka-plastikan. Hindi siya ang lider na iba ang ginagawa sa kanyang sinasabi. He is very frank and have a very strong personality. Very sensitive too. Ang kanyang common sense ay mas mataas pa ang level, kaysa mga intelihente kuno na nag-aral pa sa abroad.

Maybe, GOD have a reason of HIS own, why President Rodrigo Duterte became our president now. Ito  na rin marahil ang kanyang katugunan sa mas nakararaming constituents na nagdarasal (kasama na ako) na pagkalooban ang bansang Pilipinas ng isang katangi-tanging lider na magpapatupad ng pagbabagong matagal nang inaasam. Sino ba sa ating mga naunang lider ang nagkaroon ng “balls” na seryosong digmain ang salot na droga at kriminalidad. Ang sumibak ng sumibak sa mga corrupt officials na kanyang in-appoint o itinalaga. Ang magpatupad ng “Build, Build, Build” program na magpapa-angat sa atin sa darating na hinaharap upang makahabol tayo sa kaunlaran ng ating mga kapit-bansang asyano. Ang palakasin at armasan ng hindi segunda-manong kagamitan ang ating armed forces. Ang kanyang pagpapakita ng simpatiya at pakikiramay sa mga kapulisan at kasundaluhan kapag ito ay nalalagasan ng buhay. Maging ang mga “tambay” at mga batang nagkalat sa lansangan ay pinansin na rin ni President Duterte, insisting na ang pamahalaan ang pangalawang magulang ng mga ito, and it is the duty of the government to protect them. Ang mga naging previous leader ba natin particularly ni Noynoy Aguino (the yellow idol) ay ginawa o naisip ito?  

Ang mga ito ang patunay na lubhang “sensitive” si President Duterte sa kahit napakaliit na bagay na kanyang nakikita sa kapaligiran. Tinitiyak niyang gumagawa o nagpa-function ang gobyerno under his watch. Unfortunately, those anti-Duterte cannot see this. Ang lagi na lang nilang inaabangan ay ang mga speech ni President Digong, and from there, pupulot at kukuha sila ng mga mababanggit nitong offensive word, offensive jokes, o ang kahit simpleng smack sa isang babaeng Duterte supporter na willing magpahalik, and then, throw it back to the administration. Making a “big issue” out of it. These are the kind of hypocrite people, yellow trolls, biased media entity and other modern Pontius Pilate and Padre Damaso in the religious organization, who see and heard nothing but the president’s mistake.

To those who are diehard yellowtards, when I prayed to (my) GOD, can you hear my thoughts and see my soul? Huwag ninyong hahatulan ang inyong kapwa, dahil ang ginagawa ninyong paghatol sa kanila ang gagawin sa inyo ng DIYOS (ko) kapag kayo’y hinatulan.



No comments:

Post a Comment