Ang relihiyon ang
pinaka-ayokong pinag-uusapan lalo pa at may mga doktrina at talata sa bibilia
na tinatalakay. Ang paniniwala ko kasi, magtalo man ng magtalo, tiyak na
aabutin nang paghuhukom, walang mananalo at magpapatalo. Bagamat iisa ang
“biblia” na ginagamit ng maraming sekta ng relihiyon sa ating bansa,
kanya-kanya ng interpretasyon ang bawat grupo o individual na kaanib nito.
Recently, President Duterte’s
remarks about a “stupid god” while
talking about the concept of original sin of Adam and Eve, triggered a mixed criticism from pro and anti
Duterte supporters. Maging ang mga pulitiko ay nakisakay dito na tila baga mga
eksperto sila in interpreting what was touched in the bible. May mga theologian
at bible expert na ring nagbigay ng kanilang mga sariling pananaw. May
kumikiling sa naging pahayag ni President Duterte at meron ding bumabatikos
particularly those in the Catholic group. Meron pa silang mga reference na
binabanggit, etc. etc.
Ang tila nalimutan ng mga
taong ito, ang bawat individual na nasa isang malayang bansa na katulad ng
Pilipinas ay may kanya-kanyang karapatan na magpahayag ng kani-kanilang pananaw
at paniniwala na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas, ang freedom of
religion, and freedom of expression. Hindi komo presidente na si Duterte, ay aalisan
na natin siya ng karapatan at kalayaan na ihayag ang sarili niyang pananaw at paniniwala
o maghayag ng kanyang sariling interpretasyon. No one cannot impose to him either
(to the president) what was their own belief, doctrine and interpretation sa
isyu na pinaguusapan. Kung may mga na-offend man, consider the one who is
talking does not belong to your flock, period.
If President Duterte claimed
his “God is perfect”, no one can
questioned that. It is his own belief. Kung nasaktan ang ilang grupo sa kanyang remark na your God
is stupid, that means, their God is not perfect ganoon lang ka-simple. Aaminin
ba nila ito? Natural, hindi. Kapag sinabi na si Satanas ay may ugali ring
magsasalita ng laban sa Diyos at lapastanganin ito, that’s a fact. It’s not
new. Ano ba ang inaasahan nating sabihin ng mortal na kaaway ng Diyos sa kanya?
Use your common sense. But by accusing an individual person (like the
president) who have his own views and belief (like you, ours in particular) and
comparing him to the devil, that’s not fair. Puwede niyang ibalik ito sa iyo,
at dito na magsisimula ang debateng walang katapusan kung sino sa inyo ang demonyo.
Sometimes, dito lumilitaw
ang kaipokrituhan ng isang tao. Nagmamalinis gayong kinakikitaan din naman ng
putik sa mukha. Nagmamarunong gayong kasasalaminan rin ng kakitiran ng isip at
kamangmangan sa kanilang ipinahahayag. Sa labanan ngayon ng sariling paniniwala
at pananaw, walang mananalo at walang magpapatalo. Gaya ng pagtalakay at
interpretasyon ng mga sekta ng relihiyon sa mga nilalaman ng nag-iisang aklat
referensiya ng mga kristiyano, ang Biblia.
Unfortunately, hindi ganito
kapag si President Duterte ang nagsalita. Pinupulitika ang lahat ng sinasabi nito. Dahil sagad to the bones na anti
Duterte sila, anything na marinig na sinabi nito at may “mumo” na lumigwak sa sahig, agad nilang pinupulot at ginagawang
malaking isyu.
No comments:
Post a Comment