Wednesday, November 29, 2017

Supreme Court Chief Justice Sereno's Closet of Skeletons

CJ Sereno's Impeachment
Hearing in the Congress

Sa ginaganap na paghimay ng Justice Committee ng kongreso sa impeachment case na isinampa ni Atty. Larry Gadon laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, tila may mga “skeleton” nang nahuhukay sa kanyang “closet” na tiyak na ikinakaalarma na niya sa kasalukuyan. Kung noon ay “very serene” siya as what she told to Mareng Winnie Monsod during her television interview sa palagay ko ay hindi na ganito ngayon ang sitwasyon. Kung baga sa hangin, may namumuo nang alimpuyo sa kalooban ng Chief Justice. Unfortunately, nasa mundo siya ng reality at wala sa fantasy world kung saan meron siyang kapangyarihang igapos ang hangin gaya ng lyrics sa kantang “Doon Lang”.

May mga legal expert “kuno” na dapat daw ay ibinasura ang impeachment case laban kay CJ Sereno sa dahilang wala raw personal knowledge si Atty. Gadon sa kanyang mga akusasyon. Meron namang mga senador na nagsasabing magbubunga ng constitutional crisis ang ginagawa ng kongreso. Ang sabi naman ng mga dilawan it’s just a political persecution just to silence a co-equal branch of government. Marami pang mga blah-blah na ewan ko kung saan hinuhugot ng mga taong gustong umepal at magmagaling. Nakalimutan na yata nila na hindi na ito bago. Noon bang panahon ng Noynoy Aquino administration na puro dilawan ang nasa kongreso at i-impeach si CJ Corona ay nabahala sila sa sinasabi nila ngayong constitutional crisis? Ang akusasyong political persecution ba ay ini-raise din noon? So, what’s new? Same story ‘di po ba? Nauulit lang.

Nagkataon lang na merong isang Atty. Larry Gadon na nagsampa ng impeachment laban kay CJ Sereno at ito ngayon ang binubusisi ng kongreso dahil it’s their constitutional mandate as a prosecutor of an impeachable official. Ngayon, sa ginagawang paghimay ng Committee sa  kongreso sa bawat violation na isinampa laban sa ating chief justice, “may mga nahuhukay silang kalansay”.  Ititigil na ba nila ito just because the one who filed a complaint have no personal knowledge in one or two of the violation listed in the complaint? Magbubulag-bulagan na lang ba sila at dededmahin ito sakaling may makita at malaman silang mga probable cause to warrant CJ Sereno’s impeachment case?

Maybe, Atty. Larry Gadon was just a “tool” by “someone out there” in the universe para malantad ang mga bagay na mali at labag na ginawa ng isang tao na humahawak ng mataas na posisyon sa  hudikatura. Just like CJ Corona na napatalsik dahil sa kanyang SALN. Paano natin malalaman na ilang SALN pala ni CJ Sereno ang nawawala sa record ng UP, kung saan siya nagturo at obligado niyang i-file as mandated by law.  Hindi maaaring iba ang gawing treatment sa kaso ni CJ Corona kay CJ Sereno. Masuwerte pa nga si CJ Sereno dahil hindi agad ipinadala ng kongreso ang impeachment case sa senado, sa halip isa-isa muna itong hinihimay kung may basehan ba o wala ang isinanampang impeachment complaint. Unlike that of CJ Corona.


Kung malinis at walang dungis si CJ Sereno, wala siyang dapat ikatakot. She must be serene (calm) in dealing all of the accusation against her particularly those allegations that Associate Supreme Court Justice De Castro testified. Pero tila hindi ganito ang nangyayari. Her few supporters and sympathizers were trying to divert the issues by claiming the impeachment against her were just a pure harassment to the judicial branch of government. Meron pa ngang iniuugnay ito sa war on drug ng Duterte administration etc, etc. Kapag ipinadala na sa senado ang impeachment case, I believed, more “skeletons” can be uprooted. It is the Supreme Court Chief Justice Sereno’s dilemma, making her no longer serene now, and in the coming days of her life. 


No comments:

Post a Comment