Tuesday, December 12, 2017

Martial Law Extension as a Tool for the Mindanao Resident to Feel Safe, Why Not?



May kasabihang kung sino ang nagmamay-ari ng bakuran, sila mismo ang nakaaalam kung ano ang nangyayari sa kanilang bakuran. And this actually happened now in the issue at hand tungkol sa rekomendasyon ng AFP security and intelligence officials sa Duterte administration na mapalawig pa ng isang taon ang Martial Law sa Mindanao. Majority of the Mindanao congressman supported this move as well as the local residents in the area, so what is the contention of the minority (few) who are not a resident in Mindanao to oppose such recommendation? According to some of them (Senator Drillon and Congressman Alejano) it is against the constitution and they don’t believe na ang mga inilatag na dahilan ng mga security and intelligence officials ng AFP/police ay sapat para i-extend ang Martial Law. Ang sabi naman ng matandang kontrabida sa kongreso (Edcel Lagman) ay sapat naman daw ang kapangyarihan ni President Duterte na tawagin ang Armed Forces of the Philippines in case na magkaroon ng katulad na atrocities.

Kung minsan napapailing na lang ako sa mga mambabatas na ito at ilang opposition group sa kanilang mga katuwiran. Takot na takot sila sa martial law then, gumagawa sila ng mga “drawing” na hindi pa nangyayari. Ang mga taong ito ay hindi taga-Mindanao pero mas nagmamarunong pa sa kung ano ang dapat gawin sa Mindanao. Siguro dapat nang mag-retire itong si Congressman Edcel Lagman dahil sa napapansin ko tila inaatake na siya ng “dementia”. Ang iba namang grupo ay may mga multong nakikita na may mangyayari di-umanong paglabag sa karapatang pang-tao at negatibo raw ang dating nito, gayong ang pinaka-nakatatakot na multo ng terorismo at ang ginawa ng mga ito sa Marawi City ay hindi nila nakikita.

Sabagay, ang role naman talaga ng mga opposition ay maging “kontrabida sa lahat ng bagay”. Kahit maganda pa o mas makabubuti sa nakararami ang isang panukala, suhestiyon, recommendation, etc, basta ito ay mula sa Duterte administration, tiyak na kokontra-at kokontra siya. Kapag dinala naman nila sa Supreme Court ang kaso, lagi naman silang talo. Tiyak na kapag inaprubahan ng majority of our legislators ang Martial Law extension, aakyat na naman sila sa SC and as usual, uuwi na naman silang luhaan kapag ito ay pinagtibay. That’s their only role. Plain and simple. To dissent. Ang problema, hanggang ganoon na lang sila. Matagal pa ang kanilang bubunuin para sa ganitong paulit-ulit na sistema. Baka nga si Congressman Lagman at Alejano ay mauna nang mawala at hindi na manalo kung tatakbo pa siyang muli sa kongreso.

As an ordinary citizen and observer, hindi ako taga-Mindanao pero sa nakikita kong suporta ng mga tagaroon sa Martial Law extension, hindi ko sila maaaring pagkaitan ng isang bagay na gusto nila. I support the Martial Law extension.  If this is their only “tool” to feel safe with those terrorist holed in their area, why not? I am not in a position to argue with them. Denying them of what they think are good for them is irrational.


No comments:

Post a Comment