Wednesday, January 17, 2018

The Rappler Issue: Let the Court of Last Resort Decide




At the start of this year 2018, mas pinili ko munang manahimik sumandali sa mga isyu na sumasalipawpaw sa aking pandinig, at nakikita sa malaking bintana ng Facebook. Pero hindi ito nangangahulugang nag-retiro na ako sa paghahayag ko ng aking iniisip at saloobin. Bilang unang salvo, gusto kong pasadahan ang ginawang revocation of the Certificate of Incorporation of Rappler Inc. and Rappler Holdings Corp. ng Securities and Exchange (SEC). Of course ito ngayon ang mainit na isyung pinagdedebatihan ng Yellowtards at Dutertards kung saan ang iba ay nagpapakitaan pa ng kani-kanilang mga “supporting” commentaries/articles from some law experts, arguments, etc. para patunayan kung sino sa kanila ang tama. Abugado vs. abugado at ang ibang nakikisakay at ordinaryong  nagmamarunong ay tatawagin ko namang “abugago vs. abugago kuno”. It is as if, they can really have much knowledge to interpret the law and that particular provisions in our Constitution regarding the issue at hand.

So, ano ang dapat? E, di iakyat ninyo sa Supreme Court ang kasong kinasasangkutan ng Rappler para magkaalaman na. The Supreme Court is the court of last resort wika nga kaya yung mga law expert kuno na nagtatanggol sa Rappler at ang mga law expert kuno ring inaayunan ang pagpapasara sa Rappler ay maawat na sa kanilang walang katapusang debate. Only the Supreme Court can decide that issue and any decision made by them sa ayaw man o hindi ng hindi mapapaboran, it became a part and parcel of the law of the land. Period.


Sa pagkakataong ito, ayoko munang makisawsaw sa bombahan at kanyunan ng magkabilang kampo (Yellotards and Dutertards) sa isyu ng Rappler at pagsagka di umano sa press freedom na sinasabi ng iba. Although I vote President Duterte, that doesn’t mean na Duterte diehard na ako. Ako ay may malayang isip na hindi kayang saklawan ng sinuman. Ang inoobserbahan ko muna ngayon ay ang magiging epekto ng TRAIN LAW, ang pagtaas di-umano ng “bigas” (butil ng buhay) at iba pang isyu na posibleng magkaroon ng impact sa taong bayan… and  o, yes ang charter change.   Sa susunod ay ito ang pupuntuhan ko and thanks to the Senate and their resource persons na dumalo dahil marami akong natutuhan at nalinawan.


No comments:

Post a Comment