Tuesday, March 13, 2018

The Incompetent PNP-CIDG in Filing a Case



The dismissal of drug case against a high profile drug lord Kerwin Espinosa et. al created a “deadly bomb” to the war on drugs of the Duterte administration. The bomb’s fragment reached in a proportion where it shook the very foundation of this drug campaign. It is now, even used by the opposition who created a scenario that the war on drugs is a “fake”. Sinamahan pa ito ng akusasyong mahihirap lang ang namamatay sa war on drugs ni President Digong at ang malalaking isda ay nakakawala. Let’s say na hindi pa final ang naging desisyon ng DOJ prosecution service panel at puwede pa itong i-apela which is the normal legal process na umiiral sa ating batas but the damaged had been done. The Duterte administration’s war on drugs is under bombardment now at lahat ng kasiraan ay si President Digong ang umaani.

The Filipino people who watched the senate inquiry knew that Kerwin Espinosa admitted and even revealed all his participation and connection in the drug trade under oath. Ito ang “nakatanim sa utak” ng lahat ng nakapanood sa senado, and now bigla na lang siyang pinawalang sala dahil sa kahinaan daw ng ebidensiya. Maybe, the DOJ prosecutors were right in their assessment base in the evidence at hand and presented to them. But, if I am one of those prosecutors, magdadalawang isip ako kung teknikalidad ang idadahilan ko. Kerwin Espinosa is a celebrity himself in a drug world. Maraming galit sa kanya. President Digong himself cursed the Espinosa’s, not only once, but many times because of their drug trade activities. But the DOJ prosecutors choose to dismiss the case kahit “alam nila” na merong self-confession na ginawa si Kerwin Espinosa sa Senado. 

Now, DOJ Secretary Aguirre, denied having known it dahil katwiran niya ay hindi pa ito dumarating sa kanyang level to review. Pero ngayon na para itong bomba na sumambulat, tila nagising na siya sa pagtulog ng naka-upo. Bigla ring nagpa-press con si Chief PNP-CIDG Director Roel Obusan at sinasabing nag-motion for reconsideration na sila sa DOJ. During the press conference with the media, dito ko nasukat ang “kagunggungan” ng PNP-CIDG Chief na ito, sa pagsasabing hindi raw nila isinamang ebidensiya sa kaso ni Kerwin Espinosa ang self-confession nito sa senado under oath dahil nag-retract daw si Kerwin. So, ‘yung affidavit na nag-retract si Kerwin ang kanilang isinumite dahil ito raw ang pinaka-latest. Anak ng sampung diyablo naman katuwiran iyan.

E, kung di ba naman bugok ang PNP-CIDG Chief na ito, natural lang sa isang tao lalo’t isang akusado sa kaso ang i-retract, bumaligtad, baligtarin o pa-sirku-sirkuhin ang kanyang statement. Hindi na ito bago, pero bakit iyong retraction o denial niya ang mas inilagay nila sa timbangan para timbangin ng DOJ prosecution service? Bakit hindi nila isinama ‘yung affidavit at statement under oath ni Kerwin para may iba pang ebidensiyang magagawang timbangin ng mga prosecutors na pagbabasehan ng kanilang appreciation sa inihaing kaso. Ngayon, tila nagkukumahog ang mga nasa PNP-CIDG na dagdagan kung meron pang maidadagdag sa kanilang “mahinang ebidensiya" sa kaso ni Kerwin Espinosa et. al. Siguro ihahabol o isasama na nila 'yung self-confessed na affidavit na ginawa ni Kerwin Espinosa sa senado under oath.

Kung minsan, sadya yatang merong pabaya, nananadya o talagang ungas na opisyal sa ating PNP-CIDG. Ito ang dahilan kaya kahit na umamin na ang suspek, nagagawa pa nilang nakalusot sa kaso. This is unfair sa mga mahihirap na nato-tokhang at napapatay na drug user-pusher. Sila na sinasabing nasa ibaba ng drug apparatus whom President Digong wanted to destroy. Ano naman ang tawag sa ginagawa ng mga pulis officials na naturingang mga abugago pero “tanga” “bopol” at “ungas” na nagsasampa ng kaso sa mga mayayaman at malalaking personalidad na drug lord at traders? They were incompetent and pabaya.  Kapag kinilatis na ang mga ebidensiyang ihinain nila, lumilitaw na mahina at hindi tatayo sa korte.

The PNP-CIDG pointed out na ang DOJ prosecutors na ang tanungin kung bakit December 20 inilabas ang desisyon, February 7 lang nila ito na-recieve. March na ngayon kung saan napaka-ingay na pagsambulat ang ginawa nito. Bakit nga ba? Sobra bang napakalayo ng Maynila sa Camp Crame? Sa ganitong sitwasyon, medyo nahihiwagaan ako but at least with their answers that I've heard I knew who are to blame.


No comments:

Post a Comment