Thursday, February 8, 2018

National Food Authority (NFA): Pugad ng mga “SALOT” sa sikmura ng Mamamayang Naghihirap?


Pinipigil ko sanang magmura at maging behave sa aking pagkokomentaryo sa aking blog pero sa nabasa kong column ni Jarius Bondoc, tungkol sa ginagawang pagmamanipula ng ilang “hijo de putang” nasa National Food Authority (NFA)  talagang umakyat ang dugo ko sa ulo. Kailan pa ba kayo titino mga “putang ina ninyong  mga taga NFA.” Hanggang kailan ba ninyo pagkakaperahan ang NFA rice at paulit-ulit kayong gagawa ng “raket” at the expense of the hungry and poorest of the poor citizen in our country. Panahon pa ng ibang administrasyon, particularly sa Noynoy administration kung saan ang pinaka-corrupt niyang Secretary of Agriculture ang naka-upo ay hinohokus-pokus na ninyo ang bigas para kayo magkamal ng salapi, sa panahon bang ito ni President Digong Duterte at ni Secretary Manny Pinol ay ganoon pa rin ang asal ninyo. Sagad na ba talaga sa buto ang inyong kasibaan at kasakiman sa pera at bumula man ang bibig ni President Digong na corruption must stop, tuloy pa rin ang ligaya ninyo? Never mind the police and soldiers na dinoble na ang suweldo dahil meron na silang pambili ng “mahal na bigas” courtesy of President Digong Duterte na alagang alaga sila. Ang pinag-uusapan natin ngayon ay ‘yung sector na pinakamahirap o nasa below poverty line at umaasa sa abot kayang bigas na ibinebenta ng NFA. Sila na pinipilahan ang murang bigas dahil iyon lang ang kaya nilang bilhin. Ang mga sikmura nila ang pinaglalaruan ninyo mga “ulol”.

Malaki ang respeto ko at tiwala sa Secretary of Agriculture ngayon na hindi siya kasing corrupt ni Proseso Alcala, pero dahil siya ang kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka hindi ko maiwasang mag-isip kung ano ang ginagawa niya. Sinasabi ng DA na sapat daw ang supply ng bigas at hindi dapat mag-alala ang taong bayan. Okey naroon na ako, pero iyong “murang bigas” ang ibigay ninyo sa mga taong umaasa sa NFA rice at hindi yung commercial rice na hindi nila afford bilhin. Common sense lang ang gamitin ninyo and I knew president Digong Duterte have a lot of common sense pagdating sa ganitong usapan. O, baka sa katagalan ay nagiging “manhid” na rin siyang tulad ni Noynoy dahil wala siyang iniisip kung hindi mangako nang mangako sa pagdoble ng suweldo gayong hindi niya naman niya iniisip kung saan kukunin ang pondo. Sa TRAIN LAW? Ano ngayon ang resulta? Di ba’t mataas na inflation rate ang naging bunga  na ipinagdurusa ngayon ng mga apektadong minimum wage earner at sa mas nakararaming below minimum wage workers.

Ang masasabi ko lang sa administrasyong ito, “pugutan ninyo ng ulo” ang mga nasa NFA na nagmamanipula at gumagawa ng raket sa bigas. Ang sabi ko nga at paulit-ulit ko itong sasabihin. Ang bigas ay “butil ng buhay”. Huwag ito ang inyong paglaruan. “Sikmura” ng taong mahihirap ang gugutumin ninyo. Pabahain o paapawin man ninyo sa bigas ang merkado, kung abot langit naman ang presyo, wala ring saysay. Ito ang tutukan ninyo. Maintain the price of rice in a level that they can still afford to buy. Kasi hindi magtitiyagang pumila ang libo-libo nating consumers kung meron silang pambili.


Manalangin po tayo

Panginoon po naming Diyos na makapangyarihan sa lahat, muli po kaming lumalapit at dumudulog sa IYO. Pasensiya na po kung  nakapagbitaw man ako ng mahayap na salita sa mga taong pinatutungkulan ko sa aking komentaryo. Tao lang po ako na madaling madala ng emosyon, dahil ang sikmura po ng taong bayan ang pinaglalaruan nila at inilalagay sa pagka-gutom. Sa pagkakataong ito, nawa’y ikaw na po ang gumawa ng paraan o gumamit ng kakasangkapanin para malantad ang mga taong  patuloy na gumagawa ng kasamaan, kasibaan at kawalang malasakit sa kanilang kapwa. Sila pong nangangasiwa sa “bigas” na “butil ng buhay”. Sila pong nagnanais magkamal ng salapi at nakikipagsabwatan sa mga buwayang negosyante ng bigas. Ibagsak mo po sa kanila ang “tabak ni Damocles” na puputol sa kanilang mga sungay para maibsan ang galit na namamahay sa aming mga puso. Sila po ay hindi nararapat maupo sa kanilang puwesto kahit isang minuto, kaya bigyan mo rin po ng kalinawan ng isip ang mga nasa poder ng kapagyarihan na kakasangkapanin mo para sila na ang gumawa ng pagkilos at pagpapatupad dito.

Umaasa kami o, Diyos na makapangyarihan sa lahat na nakaabot sa IYO ang aming panalanging ito  sa pangalan ng IYONG anak at aming tagapagligtas na si Hesukristo.

Amen

No comments:

Post a Comment