Tuesday, October 15, 2013

Super Villains sa Senado




Ang Senado ng Pilipinas ang isa sa government institution na lumikha ng pinakamatatalinong mambabatas sa ating kasaysayan. Dito galing sina Claro M. Recto, at Jose W. Diokno.  Mga personalidad na ang integridad sa paglikha ng mga batas ay hindi matatawaran. Pero ang nakalulungkot ang ating senado ngayon ay nahaluan ng mga “clown” at mga “bobong senador” na nagmula sa pinilakang tabing. Mga artistang ang tanging naging puhunan ay ang kanilang pangalan at katanyagan sa pag-arte.


Let’s take a look with Senator Ramon “Bong” Revilla. Ano ba ang credentials nito at “K” na maging senador? Wala po mga kabalat ko. Bakit siya ihihalal ng mga tao? Dahil ba sa  kilala siya bilang anak ni Nardong Putik at sa kanyang ginagampanang karakter na Panday” sa pelikula. Sino ang mga bumoto sa kanya? Ang majority po ng mga botante nating tila hindi nag-iisip. Sorry to say that, pero iyan po ang reyalidad sa Pilipinas. Mas maraming botanteng mahilig bumoto sa mga pa-cute na artista pero walang laman ang coconut shell.



Ano po ang naging resulta? Kung sa pelikula ni Bong Revilla, siya ang “top grosser”  siyempre, hindi po siya papayag na malamangan ng mga kapwa senador. Siya rin po di-umano ang “topnotcher” sa pinakamalaki ang nadambong na salapi ng bayan, kung pagbabasehan ang COA report at mga pumiyok na whistle blower sa  Pork Barrel scam. Dahil dito, kung sa kanyang pelikulang Panday , siya ang “superhero” at buwaya ang kanyang pinapatay, sa tunay na buhay po ay siya ang pinaka “super villain”  at siya naman ang buwaya na nandambong sa kaban ng bayan na galing sa dugo at pawis nating mga taxpayer.

 


Sa mga nakalipas na buwan mula nang pumutok ang pork barrel scam, kung si Senator Jinggoy Estrada ay pumiyok at nagpasabog ng “bomba” na ang ibinunga ay ang pagkakalantad ng DAP (Junior PDAF), si Bong Revilla ay kapansin-pansin ang pananahimik and I believed, it is a sign of “guilt”. Ang isa po kasing tao, kapag  nadidiin sa isang bagay na inosente siya, ang una pong magiging reaction ay ang ipag-tanggol ang kanyang sarili sa mga akusasyon para malinis ang kanyang pangalan. Pero, ano po ang ginawa niya? He just resorted to an “alibi” which to me is the “weakest defence” in any legal battle. Fake daw po ‘yung signature niya at balak pa nga sana niyang kumuha ng “signature expert”.  
 




Kamakalawa ay nagsabi si Senator Bong Revilla na,  kakasuhan naman daw niya ng plunder charges ay si Ben Hur Luy et al. Dito natin makikita mga kabalat ko ang kakitiran ng isip ng  isang tao. Ngayong nasa gipit na kalagayan ay halos wala nang pong maisip na depensa. Mga “desperate tactic ” na kahit pagbali-baliktarin ay hindi na po mawawala sa isipan ng taong bayan ang ginawa di-umano nilang “pandarambong” sa kaban ng bayan. Similar to Jinggoy’s privilege speech sa senado, na sa halip na depensa para pabulaanan ang kanyang sala ang gawin, nagturo pa ng mga kasabwat at ano ang ibinunga? Ang “suhol” daw na ibinigay pagkatapos ng impeachment ni Renato Corona. Para sa mga taong bayan na patuloy na naghahanap ng katotohanan,  mas nakabuti ito dahil meron pa po tayong natuklasang “bulok” na itinatago pla ng Palasyo ni P-Noy, courtesy of his Budget Secretary Butch Abad, ang awtor ng DAP.

Ang ginawa ba ni Jinggoy ay nakatulong para malinis ang kanyang pangalan? Hindi po. Lalo siyang nadiin at napatunayan nating, totoo nga na sinindikato  nila ang pondo mula sa PDAF. The same with Bong Revilla sa binabalak nitong counter charges sa mga whistle blower.




Sa ngayon, ang hintayin na lang po natin ay ang masampahan na talaga ng kaso sa Sandigan Bayan ang mga senador na ito na di-umano'y sangkot sa PDAF sacam. Kung maaari sana ay gumulong na agad ang proseso ng batas at maihain na agad ng Ombudsman  ang proper charges. Kahit abutin pa ng matagal na taon ang paglilitis ay okey lang sa akin, ang importante, “nakakulong”  na ang mga senador na ito. Sana nga, sa city jail sila idiretso. Pero with their money and lawyer, ewan ko  kung ano namang  pakulo ang gagawin nila para makaiwas sa malamig na rehas. Hospital arrest? I doubt. Siguro, si Enrile ang hihingi nito dahil sa kanyang katandaan at ilang taon na lang marahil na itatagal niya sa mundong ibabaw.  Pero si Jinggoy at Bong na mga bata pa at malakas pa sa kalabaw, matagal-tagal ding “hoyo” ang kanilang matitikman kapag nagkataon.



Manalangin po muna tayo.

Panginoon, kaawaan mo po sana ang aming bansa. Matagal na po at deka-dekada na ang ginawang paglapastangan ng mga naging lider namin sa gobyerno at sa aming mga taong bayan. Sila na sa halip paunlarin  ito ay naging kasangkapan pa, para lalong  ilublob sa dusa at paghihirap ang mga mamamayan. Sila na nagsabwatan para patakbuhing tila sindikato” ang pamahalaan para madambong ang bilyon-bilyong salapi ng taong bayan. 



Ngayon pong nahayag na ang kanilang mga kasamaan sa mata ng taong bayan, ibagsak mo po nawa angtabak ni Damocles" na puputol sa kanilang mga galamay, tagos sa kanilang kaugat-ugatan. Sila na nasa executive, legislative at judiciary na patuloy na gumagawa ng katampalasanan sa ngalan ng salapi mula sa kaban ng bayan. 

Sana po,  huling batch na rin ng mga artistang “payaso”, “sikat pero bopol,”  ang mga nakaluklok ngayon sa Senado. Sana ay mgatapat”,matatalino sa pag-likha ng batas” (hindi po matalino sa pandarambong ng pondo)  “makatao”, “ may kunsensiya” at higit sa lahat, “may takot  po sa Iyo", Diyos naming makapangyarihan sa lahat” ang muling maluklok sa ating Senado.

At sana rin po, gabayan mo at patnubayan ng iyong espiritung banal ang higit na nakararaming botanteng Pilipino sa kanilang paghahalal ng karapat-dapat na mamumuno sa aming bayan, mula Barangay hanggang Malakanyang. 

AMEN
 

Paglilinaw:  Ang mga larawang ginamit po sa aking artikulo ay pawang "hiram" ko lamang sa sa mga nag-post nito sa internet at hindi po inaaring sa kanya ng nagsulat sa blog na ito.- Salamat po.



No comments:

Post a Comment