Sa mga alipores po ni PNoy mga
kabalat ko, isa sa nakita kong “kapalmuks” at “kapit-tuko” sa posisyon ay ang
sekretaryo ng Agrikultura na si Ginoong Proceso Alcala. Ang totoo, kapag ini-interview po ito sa radio o
telebisyon, hindi ninyo maiiwasang kumulo ang dugo. Ang dahilan, he is a
consistent liar kung saan, ang akala niya ay meron pa siyang
mapaniniwala sa kanyang mga kasinungalingan.
Marami na pong isyu na ibinabato
sa kanya mga kabalat ko, pero dedma lang siya at mahilig mangatwiran ng palso
at wala sa lugar. Tahasan pong ginagago niya ang mga tao na tila walang alam sa nangyayari sa kanyang
departamento at sa mga ahensiyang kontrolado niya gaya ng NFA. Kung may datos
mang ipinakikita ang taong ito, kabaligtaran po sa nangyayari.
Pansinin po ninyo mga kabalat ko.
Ang sabi ng Sekretaryong ito, self-sufficient na raw po tayo sa bigas, and yet,
ano po ang nangyari? Kabaliktaran. Katulad din po siya ng kanyang alipores na nakaupo sa NFA
na di-umano’y isa daw pong American Citizen na sobra-sobra po ang supply at hindi kakapusin ang bigas, pero ano ang resulta. Labis na pagsirit pataas ng presyo ng bigas. Ang kanilang depensa, hoarding. Ano ang ginagawa nila, nagtutulog sa pansitan kaya namamayagpag ang mga hoarders ng bigas kung merom man. Katuwiran ni Ginoong Alcala, meron daw silang mga kinasuhan na, pero bakit walang nababalita na nademanda at na-prosecute? Siya lang po kasi ang nagsasabi at hindi ito nakikita o nalalaman ng mamamayan.
Nang magmahal ang bigas, bababa na raw po ang presyo ng bigas in a weeks or a month. Iyon ang sabi niya! Pero hindi po ganito ang nakikita ng mga ordinaryong namimili araw-araw ng bigas. Nananatili pong mataas ang presyo ng bigas at iyong dating halaga nito noong July, ay hindi na po nabalik sa dati. Nag-level up na po ito kung saan 35 pesos na ang piankamababa at pinaka-pangit na klase ng bigas. Aba’y kung hindi “ungas” ang nasa departamentong ito, ang bigas na “butil ng buhay” pa ang tila gustong paglaruan ang presyo gayong buhay at kamatayan sa pagkakagutom ng mga sobra ng naghihirap na mamamayan ang magiging resulta nito. Gusto nilang iparis sa ito presyo ng langis na taas at baba.
Nang magmahal ang bigas, bababa na raw po ang presyo ng bigas in a weeks or a month. Iyon ang sabi niya! Pero hindi po ganito ang nakikita ng mga ordinaryong namimili araw-araw ng bigas. Nananatili pong mataas ang presyo ng bigas at iyong dating halaga nito noong July, ay hindi na po nabalik sa dati. Nag-level up na po ito kung saan 35 pesos na ang piankamababa at pinaka-pangit na klase ng bigas. Aba’y kung hindi “ungas” ang nasa departamentong ito, ang bigas na “butil ng buhay” pa ang tila gustong paglaruan ang presyo gayong buhay at kamatayan sa pagkakagutom ng mga sobra ng naghihirap na mamamayan ang magiging resulta nito. Gusto nilang iparis sa ito presyo ng langis na taas at baba.
Ang sekretaryong ito sa sarili at malaya kong pananaw, pagtaya at pag-aaral sa sinasabi ng isang tao ay isang “congenital liar” sa consistent niyang pagsisinungaling at pagtatakip sa tunay na
sitwasyon o nangyayari which to me is one of the reason kaya patuloy na
bumababa ang popularidad at trust rating ni President PNoy Aquino. Ang
pagpapanatili niya at di pagsibak sa puwesto kay Secretary Proseso Alcala. Isang taong sangga-ng
sangga sa ipinupukol sa kanya mga batikos at akusasyon, gayong ang kalasag
naman niyang ginagamit ay "butas-butas"
na.
Manalangin po tayo
Panginoon po naming Diyos na
makapangyarihan sa lahat. Ikaw po ang tunay na nakababatid sa nilalaman ng puso
at kaluluwa ng isang tao. Meron pong isang tao sa Kagawaran ng Agrikultura na
patuloy na kinakanlong ng kanyang “Amo”. Isang taong mahilig maglubid ng
kasinungalingan at ginawawang tanga ang mga mamamayan. Sana po, ibagsak mo na
ang “tabak ni Damokles” sa taong ito upang maputol na rin ang mga
kasinungalingang nagmumula sa kanyang bibig.
Sana rin po, mamulat na ang isipan ng kanyang Amo, na sa halip na
makatulong sa kanya ang kanyang alipores na inaalagaan, ito pa ang humihila sa
kanya sa pagka-disgusto ng mga mamamayan. Sa halip na maging asset niya sa
isang tuwid na daan, nagiging bagaheng
pabigat pa po ito sa hinihilang karito ni PNoy. Sana po, kung sakaling
mapapakinggan ng kanyang Amo ang aming panalangin, ang ipalit po sa kanya ay
iyong tunay na maglilingkod sa mga mamamayan ng buong katapatan. Isang taong
kapag sinabing magiging self-sufficient na ang Pilipinas sa bigas, iyon po ang
totoo. Kapag sinabi pong bababa na ang halaga ng butil ng buhay na bigas, iyon
nga po an gaming makikita sa mga pamilihan. Isang taong kapag binato ng
batikos, hindi po maglulubid ng kasinungalingan, sa halip ay may tapang at kakayahang
aminin ang totoo sa mga mamamayan sa tunay na sitwasyon. Isa pong taong, may
delikadesa at handang magbitiw sa tungkulin kapag nawalan na ng tiwala sa kanya
ang mga mamamayan.
Lubos po kaming umaasa Panginoon
naming Diyos na pinakinggan mo na po ang aming panalangin.
Amen
No comments:
Post a Comment