Saturday, November 2, 2013

Mga Bida sa Pelikula nila noon, Kontra Bida na Ngayon


Senator  Jinggoy Estrada portraying 
the role of Panday

Sa mga nababasa kong comment sa on-line kapag si  Senator Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla ang nasa news items, particularly  sa kanilang mga hirit na “desperate tactic” para palitawing inosente sila sa kasong pandarambong, masasabi kong, sila na ngayon, aside from Janet Napoles ang nasa front runner bilang  “the most-hated person in the Philippines”. Kung sila ang magbabasa ng mga komentaryo ng mga Netizen tungkol sa kanila,  baka po sila matunaw  sa sobrang panlalait ng mga tao sa (iyon ay kung may natitira pa silang hiya sa katawan) o kung di naman ay baka naisin pa nilang lumubog na lang sa lupa para hindi na makita. Kung noon, sa kanilang mga pelikula, sila po ang mga bida, ngayon ay nabaliktad na. Sila na po ang pinaka-masamang kontrabida at sa “tunay na buhay” pa po ito nangyari mga kabalat ko. Ano po kaya ang masasabi sa kanila ni Da king kung sakaling nabubuhay pa  siya ngayon? Na ang dalawang senador na kapwa ginampanan ang superhero role niyang Panday ay sangkot ngayon sa pandarambong.

 Senator Bong Revilla, portraying
also the role of Panday Series


Gaya ng napabalitang kinuha pa ni Jinggoy,  si Estelito Mendoza bilang abugado niya. Ang tanong, may nagawa ba ang abugadong ito  para hindi ma-convict ang kanyang ama na si Erap Estrada? Walapo mga kabalat ko. Masuwerte nga si Erap dahil si Gloria Macapagal Arroyo, ang itinuturing kong  “the most  corrupt President in Philippine history” second to Marcos,  ang pangulo noon at  binigyan ang kanyang erpat ng tsansang makalaya.  Kay PNoy kaya, ewan ko lang kung susundan nito ang yapak ni GMA sa pagpapalaya sa mga Senador at Congressman na ito sakaling ma-convict na sila by final jugement. Tiyak na mag-aalsa ang mga tao kapag ginawa  ito ni PNoy. Alalahanin po ninyo mga kabalat ko na Kay Erap, "huweteng money" lang ang nakurakot nito, ang PDAF, "pera po ito ng taong bayan". Mula po sa dugo at pawis ng mga tax payers,  kaya suicide kapag ginawa ito ni PNoy.


So, kahit sino pa ang maging presidente na pumalit kay PNoy, tiyak na hindi niya magagawang palayain ang mga senador at congressman na makukulong o mako-convict.  Ang mga mamamayan ang pipigil sa kanya dahil, sa “taong bayan” nagkasala ang mga ito. They stole their hard earned taxes  at kapag kinampihan ng hahaliling Presidente ang mga ito, taong bayan din ang magpapatalsik sa kanya. Dahil sa puntong ito, ni-expect ko  na makakalaboso sina Jinggoy at  Bong. Mas matagal ang bubunuin nila sa bilangguan dahil mga bata pa sila. Si Enrile, naghihintay na lang ito ng “sundo” niya mula sa hari ng kumukulong balon ng langis. Sa ayaw at sa gusto nila, iiwanan sila ng kanilang matalinong “kakosa”


With regards to their political ambition, ewan ko lang kung sino pang ungas na botante ang boboto sa kanila dahil kahit siguro kamag-anak ko ang mga ito, itatatwa ko silang mga kadugo sa sobrang kahihiyan na idinulot nila. Hindi katanggap-tanggap na mapagsabihang “mandarambong” ang pamilya. Natitiyak ko na inaani na rin ng mga anak, asawa at apo nila ang ganitong taguri, sa mga taong nakakakilala sa kanila. 


Sa ngayon, umasa na lang po muna tayo na kung ano-ano pang mga “alibi” at “palusot” ang gagawin nila sa tulong ng kanilang mga abugadong “sugo” marahil ni Satanas para ipagtanggol ang kanyang mga kampon dito sa lupa. Kay Bong at Jinggoy namga artista, tiyak na sasandal sila sa kanilang “husay” sa pag-arte at "pa-cute". Na feeling mga inosente, sila kuno. Saan po naman tayo sasandig? Siyempre sa Diyos at sa katotohanan kaya ito po ngayon ang ating ipapanalangin ngayon.


Manalangin po tayo



Panginoon naming Diyos na makapangyarihan sa lahat, ikaw ang nakaaalam ng buong katotohanan. Ang katotohanan pong ito ang nais pagtakpan ng mga sugo ni Satanas sa lupa. Alam po namin na gagamitin nila ang numero unong kasangkapan ng Diyablo para makamit ito, ang SALAPI, na dinambong nila sa kaban ng bayan. Ito po ang gagawin nilang pang-“bulag” sa mga taong nasa hudikatura, ganoon din sa mga abugadong kukunin nila. Alam po namin na naglisaw rin ang mga “buwaya at buwitre” sa sangay na ito ng gobyerno.  Dahil dito, hinihiling po namin  na tapatan mo sila ng mga “anghel” na iyong isusugo sa lupa para labanan sila. 


Nauna mo na pong ipinaramdam mo sa amin ang iyong basbas, nang si Atty. Lorna Kapunan  ay magbitiw, bilang abugado ni Napoles, ang PDAF  Scam Queen. Sana, ipagkaloob mo ang “wisdom” sa mga taong ninanais pang kasangkapanin ng mga mandarambong, upang mamulat sila na ang mga taong kanilang ipagtatangol ay hindi karapat-dapat ipagsanggalang. Mga taong labis na kinamumuhian ng mga mamamayan sa ginawang panloloko at katampalasanan sa salapi ng bayan.


Sana, mapadali na po ang proseso ng batas. Katukin mo po ang puso ng mga nasa Ombusdman upang agad na silang masampahan ng kaukulang demanda at ng mabilanggo na. Makita namin na sa kanilang ginawang kasalanan, may kaukulang kaparusahan na naghihintay sa kanila. Inuulit ko po ang request ko Diyos naming makapangyarihan sa lahat, hindi po bale na magtagal ng ilang taon ang paglilitis, ang importante po ay makita na namin na nasa selda na ang mga mandarambong at naghihimas ng rehas na bakal. Huwag mo pong itulot na mabigyan sila ng special treatment. Dapat po ay sa bilibid talaga sila mahoyo, kahalubilo ng mga ordinaryong bilanggo. 


Umaasa po kami, Diyos naming makapangyarihan sa lahat na nawa’y narinig mo na ang aming hiling-panalangin sa IYO.



AMEN





No comments:

Post a Comment