Ilang taon na po mula ngayon,
nang maganap ang tinatawag na Luneta tragedy, mga kabalat ko. Kung pagbabalikang tanaw, ilang Hongkong
nationals at turista ang nasawi dahil sa pagwawala ng isang problemado at
dating police officer na nang-hostage sa kanila. Ito po ay isinisi kay PNoy na
halos kauupo lang noon sa puwesto at sa dating Mayor ng Maynila na si Alfredo
Lim dahil sa pumalpak na pag-handle nila sa sitwasyon at operation sa hostage
crisis. Ito po ay naungkat lamang uli nang umepal at komprontahin at bastusin si
President Noynoy ng mga Hongkong correspondents sa Indonensia nang dumalo siya
sa APEC. Humihirit po ang mga
ito sa kanya ng apology. Ngayon ay
muling nabuhay ang isyu sa gitna ng kumukulong PDAF at DAP Scam.
Hati ang mga mamamayang Pilipino
sa isyu ng paghingi ng apology ni President PNoy Aquino sa Hongkong. Sa pananaw
ng iba, bakit hindi na lang daw pagbigyan ni PNoy, para matapos na ang lahat. Ganoon
man, una ng nanindigan si PNoy na hindi siya hihingi ng “Sorry”. Ang dahilan, hindi raw kasalanan ng buong sambayanang
Pilipino ang ginawang aksiyon ng iisang Pilipino na nagwala at nagresulta ng kamatayan sa ilang Hongkong
National sa Luneta hostage crisis.
Alam po ninyo mga kabalat ko, iba
ang naaamoy ko sa isyung ito. Maaaring ginagamit lamang ito ng ilang Hongkong officials,
particularly those who are in politics para maging mabango sila sa paningin ng
kanilang sariling mamamayan. Sa Pilipinas naman, kataka-taka ang biglang
pag-epal at pagbuhay ng sorry issue ng
Lungsod ng Maynila. Tila sinamantala nila ito para nakisakay din sa agos. Ang
bagong Mayor ngayon ng Maynila na si Erap Estrada ang umepal para mag-sorry.
Ito ba ay para bumango siya sa paningin
ng mga Pilipino? Mailayo sa kanya ang
isyu na kinasasangkutan ng kanyang anak na Senador na si Jinggoy Estrada na
kinasuhan din ng Pandarambong bilang like father, like son?
Kung karapat-dapat mag-apology, wala po akong nakikitang masama
dito mga kabalat ko. Pero hindi ganito kadali ang mag-sorry lalo na kung may kasama na itong banta ng sanctions
against us, mula sa mga nanghihingi nito.
Na tila baga may bahid na ng “panduduro
at pambu-bully”. Ang Pangulo ng bansa na nagre-represent ng
ating pagiging Pilipino, bilang isang lahi. Dapat munang timbanging mabuti ang
lahat. Sa lider po natin makikita kung sino tayo sa buong mundo. Kung tayo ba ay
matikas o luno. Kung tayo ay may pride o wala. Hindi komo marami tayong OFW na nagta-trabaho sa Hongkong ay
ganoon na lang kung tayo’y takutin. So, kung ang paghingi ng apology ay dahil
lamang sa “kapritso” ng ilang correspondents at pulitiko sa Hongkong na gustong
sakyan ang issue para bumango sa paningin kanilang mga kalahi, hindi po pabor ang inyong kabalat dito.
Tungkol naman kay Erap at sa
kanyang sorry, in behalf of his nemesis in the last Mayoralty election, Mayor
Alfredo Lim, it’s his choice. May nasisilip man akong “hidden agenda” sa layunin niyang ito, wala po tayong magagawa.
Siya ang inihalal ng mga nakararaming residente ng Maynila kaya kung ano man
ang inaakala niyang makabubuti sa imahe niya at ng kanyang lungsod, diskarte na
niya ito. Anyway, hindi naman siya ang Presidente ng bansa, kaya hindi siya ang
nagre-represent ng buong Pilipinas. Meron din naman tayong “pride” as a Nation. Maipakitang, kaya rin naman nating tumindig at
huwag yumuko sa pambubully ng isang "langaw" na nakatungtong sa likod ng kanyang higante at mapang-bully rin niyang nanay’.
Manalangin po tayo
Panginoon po naming Diyos, muli
po kaming tumatawag at naninikluhod sa iyo. Marami pa pong problemang
kinakaharap ang aming bansa. Hindi pa rin po ganap na nakaaahon ang ilan naming
mga kababayan na nasalanta ng kalamidad. Marami pa rin pong isyu na patuloy na
nakaka-apekto sa aming mga mamamayan. Sana po ay matapos na ang usaping may kinalaman sa
naganap na Luneta tragedy. Tahimik at matagal nang nakahimlay sa iyong
kandungan ang mga biktima ng trahedya. Ganoon man, ito ay patuloy na
binabalikan ng mga taong buhay at ginagawang multo sa administrayon ni PNoy.
Ito rin po ay sinasakyan ng mga pulitikong nagnanais “umepal” para sila matampok at bumango sa kanilang mga kababayan.
Hindi lang po ang relasyon ng Hongkong at Pilipinas ang apektado dito. Ganoon
din po ang libo-libong OFW. Sana po, ikaw na ang kapangyarihang gumalaw dito upang
matapos na ang lahat ng sigalot tungkol dito. Payapain mo po nawa ang kalooban
ng mga Hongkong national na patuloy na nag-aalab ang damdamin hinggil dito.
Bigyan mo na rin po sana ng kapayapaan ang isip at kalooban ng mga kaanak ng
mga nabiktima sa trahedya at ipasumpong ang ganap na pagpapatawad sa kanilang
mga puso. Sa mga pulitiko namang nakikisakay at umeepal sa isyu, sa Hongkong at
maging dito sa PIlipinas, nawa’y ipaunawa mo sa kanila na hindi na sila dapat makisawsaw
dito. Na ito ay dapat nang matapos na katulad
ng isang tiklop na aklat upang,
maka-move on na ang lahat.
Nawa’y nakaabot sa iyo ang aming
panalanging ito at mabigyan mo ng katugunan mahal naming Diyos na
makapangyarihan sa lahat.
Amen
No comments:
Post a Comment