Saturday, November 9, 2013

Nothing But The Truth




I already watched this film kaya bigla ko uling naalala nang mag-testify ang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles sa Senado.  In principle, I admired the courage and determination of the main character (Kate Beckinsale)  in the story for not revealing the source of information despite of being held in contempt by the court and jailed. Actually, in the early and middle part of the movie, hindi ko ma-realize kung bakit ganoon na lang ang kanyang masidhing pagnanais na pagtakpan ang kanyang “source of information”  sa kabila ng pakiusap kanyang private lawyer, the government lawyer, her husband, at iba pang nagmamalasakit sa kanya para hindi na siya maparusahan. Naging dahilan po ito para masira ang kanyang propesyon bilang media practitioner, maranasan ang paghihirap mentally and physically sa loob ng kulungan kasama na dito ang pagkasira ng relasyon nila ng kanyang mister. Pero ang pinaka-mabigat at masakit na pagsubok na dinanas niya ay ang pagkakalayo niya ng kanyang bata pa at pinakamamahal na anak na babae. Ito ang lahat ng naging kabayaran ng kanyang “paglilihim”. It is only at the end of the story saka ko nalaman kung sino ang kanyang source habang ibinibiyahe na siya  patungo sa bilangguan para pagsilbihan niya ang ilang taon niyang sentensiya.


In case of Janet Lim Napoles, what I saw in the senate inquiry was an extremely opposite to what I watch in the said movie. Here, she opted to protect the “mastermind” of the pork barrel scam. Mas kinaawaan pa po niya ang mga kasabwat niyang “mandarambong” sa kaban ng  bayan na mga senador. With her character, I doubt kung magsasabi pa siya ng totoo. She is a “consistent liar” and possibly could withstand all odds na kanyang kakaharapin sa hinaharap. Kung meron man po siyang prinsipyong ipinaglalaban, ito po ay ang panig ng kasamaan at hindi ang kabutihan. Kung baga sa naglalabang puwersa ng “good vs evil”, sa panig po siya ng kasamaan o kadiliman. 


Ang konsolasyon na lang po natin dito mga kabalat ko, ay ang pagkakabuking ng ganitong “sindikato” na maaaring ma-prevent na sa mga darating na hinaharap. Kung mapaparusahan man po dito ang mga culprit sa pandarambong, we have to rely upon the documentary evidence corroborated by the testimonial evidence of the whistle blowers. Huwag na po nating asahan ang “reyna ng kasinungalingan” na ipagkakanulo nito ang kanyang mga kasabwat na senador at congressman. Ang Diyos na po ang bahalang gumawa ng paraan para malantad ang katotohanan
.


 Manalangin po tayo
 

Panginoon naming Diyos na makapangyarihan sa lahat, nalalaman naming nakatunghay ka sa mga nagiging kaganapan sa aming bansa. Katatapos lang po ng giyera sa Zamboanga na “man made calamity”. Sinundan po ito ng lindol at bagyong Yolanda, na lubhang sinalanta ang bahagi ng kabisayaan na pawang “natural calamity”. Marami po sa aming mga kababayan doon ang labis na nagdurusa, pisikal at emotional. Nawalan din sila ng tahanan at mga mahal sa buhay.  Napakasakit pong pagsubok ito na aming kinakaharap sa kasalukuyan. Nangyari po ito habang nasa gitna kami ng paghahanap ng “katotohanan” sa isa pang man made calamity na nangyari sa aming bansa, ang pandarambong sa kaban ng bayan. Kung minsan, hindi po namin maiwasang mag-muni-muni. Ang “pinaka-malakas na bagyo sa buong mundo ” po ba ay sadya mong ipinaramdam sa amin  dahil naririto rin sa aming bansa  ang “pinaka-sinungaling na tao sa buong mundo” at pinoproteksiyunan ang “pinaka-tiwali at pinaka-mandarambong na senador at kongresista sa buong mundo? Ikaw po lamang Panginoon  ang makasasagot ng tanong naming ito dahil ikaw  ang nakababatid ng buong katotohanan.


Sana, sa kabila ng lahat ng ito, muli kaming makabangon sa tulong mo. Papaghilumin mo po sana ang mga sugat na nalikha ng mga trahedyang ito sa mga dumanas ng kalbaryo. Haplusin mo po ang kanilang mga puso at bigyan ng pag-asa. Wala po kaming magagawa sa ganang amin sa mga natural calamity na ito kung hindi ang tumayo mula sa pagkakalugmok. Ipagpatuloy ang laban ng buhay. Umasam ng pag-asa at pag-ibig mula sa iyo. Ganoon man, sa man made calamity na aming nararanasan, makagagawa kami ng paraan para ito ay maputol at matigil.  Sa pagkakaisa naming mga mamamayan, ang mga lumalapastangan at lumulustay sa salapi ng bayan para sa kanilang sariling kapakinabangang pampulitika at panunuhol  ay magagawa naming maputol, at bigyan ng katapusan. 


Umaasa po kami na narinig mo  ang aming panalangin sa iyo Panginoon naming Diyos.  Ang lahat po ng ito ay hinihiling namin, sa pangalan ng iyong dakilang anak at aming tagapagligtas na si Hesukristo.



AMEN


No comments:

Post a Comment