Thursday, December 12, 2013

Bahala na Kayo sa Buhay ninyo



Ito mga kabalat ko ang "favorite quotation of the day" at maaring matala sa ating kasaysayan  sa darating na mga hinaharap. May kaugnayan po ito sa pinakamalakas na bagyong Yolanda na nanalasa sa ating bansa, particularly sa kabisayaan. Kanino po bibig nanggaling ang katagang ito? Ito po ay nagmula sa dating Senador at tumakbong Vice President ni PNoy noong nakaraang presidential election na si Mar Roxas. Ano po ang impact nito sa kanyang ambisyon sa hinaharap na pamunuan ang ating bansa? Napakalaki po. Sa naganap na delubyo  sa Pilipinas, karamihan ng mga lider at mga mamamayan sa buong mundo ay tumugon para umayuda at magbigay ng tulong, "unconditionally". Ang nakalulungkot,  sa bibig pa po ng isang Pilipino at alter ego ng presidente  nanggaling ang katagang ito at sinabi  noon mismong kasagsagan ng paghihirap at pagdurusang nangyayari sa mga kababayan natin sa Tacloban.

Ang ganitong pananalita mula sa DILG Secretary ay hindi po katanggap-tanggap sa akin bilang isang Pilipino. Ang pagsaklolo o pagtulong po kasi sa kapwa ay dapat hindi nakakakilala ng kulay, lahi, kaaway, kaibigan o anumang political color or ideology. Hindi nga kataka-taka na mapuna ang administrayon ni PNoy ng mga banyagang reporter na nagko-cover  sa mga nasalantang bayan sa kabisayaan, particularly sa Tacloban dahil sa kabagalan ng pagtulong sa mga nasalanta nating kababayan. Sa gitna po pala ng pagdurusang dinaranas ng ating mga kababayan na umaasa ng mabilis na saklolo mula sa gobyerno ng Pilipinas, may dramang nagaganap. Dito po ay nalantad ang tunay na karakter ni DILG Secretary Mar Roxas kung saan siya pa ang naging kontrabida  sa panggigipit sa isang local executive na biktima rin po ng bagyong Yolanda. 

Depensa nila, ito daw po ay naaayon sa manual na kanilang sinusunod. Ang humingi muna ng written consent sa local executive bago umaksiyon ng agarang tulong. Bukod dito, inungkat pa ang dalawang pangalan kung saan may history daw po ito ng political rivalry at nagpe-play safe lang po siya sa sasabihin ng mga tao. To me what Mar Roxas told was immaterial and irrelevant to the spirit of being a good samaritan. Sa kabila po ng nangyari, pinaiiral pa ng mga lintek na nasa ating  gobyerno  ang "red tape". Sa mata ng Diyos,  kasumpa-sumpaang ganitong patakaran at katuwiran gayong buhay ng kapwa tao ang nakataya.

Well, nangyari na po ang lahat. What Roxas said can no longer be deleted in our history.  Sa ngayon itulak na lamang po natin ang pagbangon at pagsulong para sa ating mga kababayan. Pero, hindi po natin dapat kalimutan ito sa darating na Presidential election (2016). Ang ginagawa at  sinasabi  po ng mga nanunungkulan sa atin ngayon ang magsilbing “gauge” natin para makapamili tayo ng karapat-dapat maluklok na lider natin sa hinaharap. Kapag hindi pa po kayo, ako, tayo natuto at naging matalino sa pagboto……bahala na po kayo sa buhay ninyo.




Manalangin po tayo

Panginoon po naming Diyos, muli po kaming lumalapit sa iyo. Lubha pong nagiging masalimuot ang mga nagiging kaganapan sa aming bansa. Sa Pamahalaan ay napakarami po naming nakikitang depekto. Hindi lang po sa kanilang mga inaasal at ginagawa, ganoon din po sa mga pagkatao ng mga namamahala sa amin. Hindi ko na po ito iisa-isahin  lahat. Sa mga susunod ko na lamang pong komentaryo ko hihimayin ang mga ito. Ganoon man, ngayon pa lang po ay ipinamamanhik na namin sa IYO na gabayan mo kaming mga mamamayan sa bansang ito na mamulat sa mga nakikita at naoobserbahan naming “pagkatao” ng aming magiging future leader sa hinaharap. Alam po namin na ngayon pa lang ay pumoporma na sila. Gumagamit ng mga taktika para makuha ang simpatiya ng masang Pilipino. Ang isa po dito ay bagsak na sa akin ang grado dahil nalantad na ang kanyang tunay na karakter sa pagtulong sa nagdurusang mamamayan na sinalanta ng bagyo. Meron din pong nasangkot na sa pork barrel scam, kaya nasisiguro kong  "hulog" na sila sa listahan ng mga taong nakababatid ng kanilang baho at kapintasan.

May isa pa  po na alam kong masidhing nag-aambisyon na pamunuan ang aming bansa,  pero ang tao pong ito ay masyadong "ma-epal". Sa akin pong sariling pananaw, hindi rin po siya maaaring pagkatiwalaan. Tuso po ang taong ito at maaaring kalunos-lunos ang aming sapitin kapag siya ang naluklok. Tila gusto po niyang magtayo ng sariling  “imperyo”.  Imperyong kinabibilangan ng kanyang "sariling pamilya",  mga dating tiwaling pulitiko at may convicted pang kasama,  ganoon din po ang mga notorious na TRAPO.

Sa ngayon ay wala pa kaming naaaninag na may malinis na pagkatao na nararapat mamuno sa amin. Sana ay ipasumpong mo po siya sa amin sa hinaharap. Maging tanglaw  ka namin, o, Diyos, sa gitna ng dilim. Maging gabay sa aming lalakaran at maging talino sa aming magiging pagpapasiya sa hinaharap.

Ang lahat po ng ito ay hinihiling namin sa iyo o, DIYOS, sa pangalan ng aming tagapagligtas at panginoong si Hesukristo.

Amen

4 comments:

  1. hagupit nang langit
    dadating dadating
    higit pa sa libong takloban
    sayong sariling buhay
    noynoy noynoy noynoy
    pag di mo bayaran
    ang yong kamalian.........

    ReplyDelete
  2. hagupit nang langit
    dadating dadating
    higit pa sa libong takloban
    sayong sariling buhay
    noynoy noynoy noynoy
    pag di mo bayaran
    ang yong kamalian.........

    ReplyDelete
  3. hagupit nang langit
    dadating dadating
    higit pa sa libong takloban
    sayong sariling buhay
    noynoy noynoy noynoy
    pag di mo bayaran
    ang yong kamalian.........

    ReplyDelete