At last, may nakasuhan nang
kaalyado si PNoy na nakasakay sa kanyang band wagon na ang tinatahak daw ay “tuwid na daan”. Ito nga ay ang pinuno ng Bureau of Custom na si Raffy Biason. Nakalulungkot dahil isa sa hinahangaan kong Heneral
na naging senador ang kanyang ama. Nabanggit din sa akin ng misis ko na
nakalaro pa nga raw niya itong si Raffy noong bata pa siya ng tumbang preso nang minsang
manirahan sila noon sa Paranaque malapit sa bowling-an. Nakikipanood pa nga raw
siya ng TV sa bahay ng mga Biason kung
saan, pawang papuri ang sinasabi niyang
kabaitan ng pamilya Biason.
After many years, naging Congressman nga si Raffy at nang hindi palarin sa halalan
bilang Senador, siya po ang natalaga bilang pinuno ng Bureau of Custom ng
kanyang kaalyadong si President Noynoy Aquino. Nang mabunyag ang pork barrel
scam at masangkot ang mga mambabatas (Congressman at Senador) dito na nga po sinampahan ng kaso, batch by
batch ng DOJ ang mga mambabatas na naglaan ng kanilang PDAF sa bogus NGO ni Janet Napoles. Unfortunately,
isa si Raffy Biazon sa lumutang ang pangalan.
Bagamat maliit ang less than two
million pesos mula sa kanyang PDAF na nailaan sa fake NGO ni Jane Napoles
compare sa daan-dang milyong piso na
di-umanoy mula naman sa PDAF ng
tatlong senador (Revilla, Enrile and Estrada) ang batik na nagawa nito sa
kanyang pangalan ay mahirap nang mabubura.
The fact na may nai-channel na salapi sa fake NGO ni Napoles, kahit anong paliwanag po ang gawin ni Raffy Biason na nagamit ng tama
ang kanyang pork barrel, wala pa rin pong maniniwala sa kanya. Sa ganitong
sitwasyon, hindi na niya kailangang sibakin pa siya ni President PNoy sa
puwesto. Siya na ang dapat magkusang umalis
sa kanyang puwesto lalo pa’t nasa Bureau of Custom siya. Ahensiyang
si PNoy mismo ang nagsabi sa kanyang SONA noon na “saan
daw kumukuha ng kapal ng mukha” ang mga tiwaling opisyal nasa tanggapang
ito.
Ito nga po ang ginawa niya dahil
naghain na siya ng kanyang irrevocable resignation. Isang indikasyon na meron
pa ring natitirang delikadesa sa kanyang pagkatao. Karakter na hindi po natin
nakita sa tatlong topnocher sa pandarambong na mga senador na una nang nasampahan ng plunder
case sa Ombusdman.
Sa ating batas na umiiral,
bagamat may kanya-kanyang grado ng kaparusahan sa bawat pagkakasa ng tao, depende sa bigat at gaan ng
krimeng nagawa. Hindi po ito maaaring i-apply sa tanggapang ang number one
requirement para sa posisyon ay “trust
and confidence”. Maliit man o malaki ang involved na salaping dinambong,
ang tiwala po ng tao ay “naglaho” na sa taong gumawa nito. Kung baga sa isang
puting papel, kahit isang patak lang na tinta ang matapon dito ay agad nating
makikita. Katulad din po sa tuwid na
daan ni PNoy. Ang isang humps o bako na nasa karsadang kanyang nilalandas ay
natitiyak kong magpapakaldag sa kanyang sinasakyang kariton.
Ano ang nararapat? Kalusin ang humps na ito para manatiling matatag ang
takbo ng kanyang kariton. Sa nakikita ko, hindi lang po isa, marami pa pong
humps sa administrasyong PNoy, at kung
hindi niya ito gagawan ng aksiyon, baka ito ang maging dahilan para madiskaril
ang kanyang hilang kariton bago matapos ang kanyang termino.
Manalangin po tayo
Panginoon po naming Diyos, may
nasama na at nalaglag sa mga kaalyado ni PNoy na nasampahan ng katiwalian sa Ombudsman.
Nalalaman po namin na marami pang ganitong “uod”
sa loob ng kanyang bakuran at nakasakay sa kanyang kariton na hinihila.
Hinihiling po namin sa iyo na tulungan mo kaming ilantad ang mga salot na ito.
Mabuking din sila sa ginawang mga katiwalian at masampahan ng kaukulang kaso
ayon sa ginawa nilang mga kasalanan. Sana, ay kunsensiyahin mo rin po ang ibang
mga senador at congressman na “makakapal
ang mukha” na magbitiw na rin sa kanilang mga posisyon. Kung hindi man po
sana sila marunong mahiya sa harap at mata ng mga taong bayan na nagmamasid sa
kanila, sana po ay sa IYO man lamang
sila makaramdam nito. Dahil ikaw Panginoon naming Diyos ang higit na nakaaalam.
Hindi po ang kanilang mga mukha ang iyong binabasa kung hindi ang kanilang mga
kaluluwa, at hindi rin ang kanilang mga sinasabi ang iyong naririnig kung hindi ang laman ng
kanilang mga isip
.
Marami pong salamat Panginoon
naming Diyos. Nawa’y narinig mo po ang aming panalangin sa IYO. Hinihiling po
naming ang lahat ng ito sa pangalan ng aming tagapagligtas na si Hesukristo.
Amen
No comments:
Post a Comment