Proseso Alcala
Secretary of Agriculture
Sa mga naging cabinet
secretary ni President Benigno Simeon
Aquino mga kabalat ko, tila itong si Secretary Proseso Alcala ng
Department of Agriculture ang laging nasasangkot sa controversy. Bukod dito,
kung hindi ako nagkakamali, nasampahan na rin siya ng plunder case at meron
pang muling naka-amba o inihahandang
kasong ganito laban sa kanya mula sa
isang abugado. Siguro ay panahon na para
sa Malakanyang, particularly si P-Noy na siya na mismo ang kumilos para suriiin,
bulatlatin, halukayin, at i-dissect ang tunay na pagkatao nitong si Alcala.
Meron nga po tayong mababasang kawikaan sa Bibliya na “ang isang patay na langaw ay sapat na upang mapabaho nito ang isang
bote ng pabango”. Kaugnay nito, gaano man katuwid ang daan na
ipinangangalandakan ni P-Noy sa kanyang administrasyon, kung meron namang nagpapabaho sa kanyang panunungkulan, wala
ring saysay ang kanyang ginagawang paglilinis o pagpapabango sa ilalim ng kanyang
pamamahala.
Ako mga kabalat ko ay isa
lamang sa mga mamamayang tahimik na nag-aanalisa sa mga nangyayaring kaganapan
sa pamamahala ni Pnoy, at nakalulungkot na makitang tila hindi siya sensitbo sa
ganitong mga akusasyon laban sa kanyang mga tauhan. May kasabihan nga na, “kung
walang apoy, walang uusok” and yet,
nananatili siyang nakahalukipkip ang kamay habang inuulan ng batikos, akusasyon
at paratang ang isa niyang cabinet secretary.
Sa totoo lang mga kabalat
ko, mula nang magmahal ang bigas sa merkado, na hanggang ngayon ay “mahal pa rin”, consistent kong
pinag-aaralan ang mga binibitiwang salita ni Secretary Alcala sa mga interview
ng media sa kanya at marami po akong nakikitang loopholes o "butas" sa kanyang mga
nagiging pahayag. Kung hindi man
inconsistent o salu-salungat, pawang mga lip service lang po
ang ibinubuka ng kanyang bibig at narito po ang isa sa paborito niyang linya.
“Sige po at ipado-double check natin ‘yan”, kapag natatanong sa nangyayaring
katiwalian sa kanyang tanggapan o may issue na hindi niya masagot ng
deretsahan. Meron po ba kayong narinig na resulta sa “double check” na sinasabi
niya? Wala po. Siya rin po ang nagsabing magiging self-sufficient na tayo sa bigas, pero nagkatotoo po ba? Marami po siyang idinadahilan, kapag may problema tayo sa igas, ang bagyo, kalamidad, etc, etc, pero at the end of the day, iisa lang po ang nakikita ko, lagi pong "PALPAK" ang kanyang mga pinagsasasabi at kayang-kayang bilugin ang ulo ni PNoy.
.
Gaya ng nauna ko ng naging
komentaryo and I repeat this again, and
again. Sa sarili ko pong pananaw ang taong katulad niya ay sinungaling. LIAR. Mahilig pong maglubid ng buhangin and with the current
issues na ibinabato sa kanya tungkol sa
rice smuggling, Quezon Mafia, etc, etc, malamang na mas marami na naman po
siyang buhangin na gagawing lubid. Ganon man, hindi po mapapabango ni Secretary
Alcala ang administrasyon ni PNoy sa kanyang mga nilulubid na buhangin.
At the end of the day,
(paborito po itong linya ni Secretary Alcala na hiniram ko) kung ang itatanong
po ninyo mga kabalat ko ay may pag-asa pang tumaas ang trust rating ni PNoy bago siya manaog sa
pagka-presidente? Malamang na hindi na po. Bakit po? Dahil may nakikita akong “patay na langaw” na nagpapabaho sa
imahe ng administrayong PNoy. Si
Secretary Proseso Alcala
.
Manalangin Po Tayo
Panginoon po naming Diyos,
muli kaming lumalapit sa iyo. Maraming kalamidad po kaming pinagdaanan noong nakaraang taon. Mga
natural at man made calamities na naka-epekto sa buhay ng marami naming
kababayan. Umaasa po kami na ikaw din ang tutulong sa bumangon sa mga bayang
nasalanta. Tumindig mula sa pagkakalumok ang mga taong nawindang ang mga buhay
at kabuhayan. Sa kabila po nito, marami pa rin po na nanunungkulan sa
pamahalaan na sa halip dumamay, sinasamantala po ang pagkakataon para sila
kumita at magkamal ng salapi. Mga ganid na hindi po yata nakakakilala ng tunay
na pagmamalasakit sa kapwa.
Sa administrayon pong ito ay
marami nang pasaning dinaranas ang mga mamamayan. Nasabi ko na nga po na “we
need a hero” para isalba kami sa patong-patong na paghihirap. Pero sa halip na
hero, mga taong sinungaling at mahilig lang mag-magaling ang aming nasusumpungan.
Ang bigas po ay butil ng buhay, pero hindi po ito nakikita ng mga taong nasa
palad nila ang sikmura ng mga mamamayang nagugtom. Sa halip pong ibaba,
pinaglalaruan po nila ang presyo nito para mapataas pa ang halaga. Sila na
kasabwat ng mga nagmo-monopolyo nito, nag-i-smuggle upang magkamal ng salapi
para sa sariling kapakinabangan. At the end of the day, ang mamamayan po ang
laging talo at nalalagay sa higit pang panghihirap.
Umaasa po kami o, dakila naming
Diyos na ibabagsak mo ang tabak ni Damocles sa mga taong ito. Sila na nagpapabaho
sa administrasyong tuwid “daw” na daan pero kanilang pilit na inililiko sa
daang baluktot. Ikaw na po Panginoon ang gumawa ng paraan na maglalantad sa
tunay na pagkatao nila upang mapagbayad sila sa kanilang ginagawang katiwalian.
Nawa ay narinig mo na ang aming
panalangin sa iyo o Diyos naming makapangyarihan sa lahat. Hinihiling po namin ito sa pangalan ng iyong anak at aming tagapagligtas na si Hesukristo.
AMEN
No comments:
Post a Comment