Monday, February 10, 2014

Missing Link




Nang pumutok ang PDAF scam at ikanta ng mga whistle blower na sina Ben Hur Luy et al ang kanilang boss na si Janet Napoles na nagmamay-ari ng mga fake NGO’s at tinaguriang  pork barrel queen,  nakaladkad po nito ang mga pangalan ng ilan nating mambabatas. Senator Juan Ponce Enrile, Bong Revilla and Jinggoy Estrada topped among those lawmakers who allegedly enriched themselves with their pork barrel conniving with Janet Napoles.

Of course, kuntodo deny po ang tatlong inaakusahan ng pandarambong na sina Senator Tanda, Pogi at Seksi sa kabila po ng mga documentary evidences na pirmado nila, repeatedly  endorsing their PDAF to Janet Napoles, bogus NGO’s. Senator Revilla denied that those were his signatures. Enrile and Jinggoy Estrada on the other hand claimed that they never got hold any centavos coming from their PDAF. So, ito po ang pinanghahawakan nilang depensa. Dahil po sa pagmamatigas ni Janet Napoles na hindi kumanta, there was a “missing link” at ito nga po ay ang tulay na mag-uugnay sa mga senador na ito na todo po ang tanggi na hindi sila nakinabang sa kanilang PDAF kahit isang sentimo.
 
Pero sa pagsulpot ni Ruby Tuazon, ang “tulay” na nag-uugnay sa mga senador na tumatangging hindi sila nakinabang kahit isang sentimos nagbago po ang ihip ng hangin. Totoo po ang sinabi ni DOJ Secretary De Lima na “slamdunk evidence”  ang magiging pahayag ng lumutang na testigo na si Ruby Tuazon. Kung baga sa puzzle, kahit tanggalin na natin si Napoles, mabubuo na ang scenario with regards to two senators na sinasabi niyang personal niyang inabutan ng salapi mula sa kanilang pork barrel.

Ang testimonial evidence ni Ruby Tuazon ang nagtagni sa butas ng damit na  tinahi ng mga whistle blowers and in my opinion,  nagpalakas para madiin sina Senator Enrile at Jinggoy Estrada na tanging denial lamang ang masasabi na ordinaryong bukang-bibig ng mga taong inaakusahan.

Maraming puwedeng idahilan kaya nagbago ang isip ni Ruby Tuazon para lumantad at magsabi ng kanyang nalalaman. Una, ang posibilidad na pagkakakulong niya dahil sangot siya sa kasong plunder, ikalawa, maaaring gusto niyang linisin ang kanyang pangalan dahil nagamit siya sa isang mabigat na kasalanan ng mga taong mandarambong sa kaban ng bayan, at ikatlo, sa takot na ipapatay siya ng mga taong apektado ng kanyang paglantad dahil nga siya ang magsisilbing missing link.

Alin man sa mga kadahilanang ito ang  nag-trigger kay Ruby Tuazon  na lumantad at harapin ang mga taong gumamit sa kanya bilang “bagwoman” para magkamal ng salapi, dapat nating ipagpasalamat mga kabalat ko. At least may guts siyang sabihin ang totoo at may natitira pang kahihiyan dahil sa sinabi niyang, isosoli daw niya ang salaping kanyang nakabahagi sa katas ng pandarambong sa salapi ng bayan.


Manalangin po Tayo

Panginoon po naming Diyos, muli ay nagpapasalamat kami sa IYO. Kinunsensiya mo ang isang taong nagamit na “pawn” ng dalawang senador upang mapunan ang “missing link” na aming hinahanap. Ang tulay na nag-uugnay sa kanila upang mabuo ang isang puzzle. Ngayon ay mas luminaw na po ang kuwento, although para sa mga nasasangkot, malabo pa rin po sa kanila.  Anyway, ipinauubaya na po namin sa iyo ang lahat. Sa kaso ni Senator Tanda, maaaring hindi na rin po magtagal ang kanyang buhay dahil sa kanyang idad. Mas mamabutihin po marahil niyang makipagtipan na lang kay “Taning” na may bahid ng dungis ang kanyang puso at pangatawanan ang kanyang pagiging inosente.

Sa panig po ng mas mga nakababatang senador na sina Senator Pogi at Senator Seksi, matagal-tagal pa po ang panahong kanilang bubunuin. Gusto po naming makita sila na sa loob ng bilangguan at dito na “tumanda”. Pagbayaran ang kanilang malaking kasalanan at kasinungalingan sa taong bayan. 

Ganoon man Panginoong Diyos, natitiyak namin na may mga Alipores silang naghihintay ng pagkakataon na masungkit ang kapangyarihang mamuno sa aming minamahal na bansang Pilipinas kapag natapos na ang termino ni President Noynoy Aquino. Naaamoy na po namin ito dahil ngayon pa lang ay “nakikisawsaw” na po si “Nognog Obama” ng Pilipinas na halatang-halata na may pag-kiling sa mga inaakusahan ng pandarambong.

Huwag mo pong ipahintulot na maka-porma ang taong ito sa susunod na presidential election. Nalalaman po namin na mas malaking kapahamakan at trahedya ang ibibigay niya sa aming bansa sa pag-aampon ng mas maraming buwaya, pating at buwitre na naglisaw sa aming lipunan at pamahalaan. Natitiyak din po naming pagkakalooban niya ng executive clemency ang mga mandarambong para makalaya sa bilangguan. With his imperial family, marami pa po silang kakawawaing ordinaryong mamamayan at hindi lang mga sikyo.

Umaasa po kami Panginoon naming Diyos, dininig mo po ang aming panalangin. Basbasan mo po kami sa aming mga pamumuhay sa araw-araw at gabayan ang lahat ng mga desisyon na aming ginagawa. Marami pong salamat. Ang lahat ng ito po ay hinihiling naming sa pangalan ng iyong anak at aming tagapagligtas na si Hesukristo.

Amen

No comments:

Post a Comment