Kung ikukumpara sa ginawang hearing
ng senado tungkol sa PDAF scam noong tumestigo ang pork barrel queen na si
Janet Napoles, mas maganda ang kinalabasan ng pagdinig nang si Ruby Tuazon ang
isalang ng mga senador sa kanilang mga pagtataong. Nakatulong din ang pagdalo
ni Senator Miriam Defensor Santiago dahil mistulang naging estudyante niyang
muli ang mga nasa loob ng senate hearing habang nagle-lecture sa ilang aspeto tungkol sa denial and alibi na pinaka-mahinang depensa ayon sa umiiral nating batas. She even cited some
latest Supreme Court rulings na relevant dito. Ayon din sa kanya, isang “perfect witness” si Ruby Tuason.
Bagamat iilan lang ang mga
senador na nagpakita sa ginawang hearing, at tila nakulangan si Senator Trillanes
sa ginawang testimonya ni Ruby Tuazon, sa pananaw ng inyong lingkod, kumpleto naman ang naging kaganapan dahil sa “quality” ng mga ibinatong tanong sa testigo. While Senator
Santiago tackled the legal side, Senator Bam Aquino on the other hand, touch
the human side, when he asked Ms. Tuazon what prompted her to come out to reveal
what she knew about the scam.
Her statement, that she wanted
to face our CREATOR with a clean conscience when she die made her credible to
the eyes of some television viewers. Mas lalo siguro itong naging kapani-paniwala dahil sa sinabi niyang bouluntaryong
pagsosoli sa halagang kanyang na-komisyon di-umano mula sa katas ng pork barrel, sukdulang ibenta niya ang kanyang bahay.
Malinaw po mga kabalat
ko. Ang paglitaw ni Ruby Tuazon at ang kanyang positibong pahayag under oath na
siya mismo ang nagbigay kay Senator Jinggoy ng bahagi ng salaping mula sa
kanyang PDAF ay isang malakas na ebidensiya laban sa naturang senador at hindi ito basta mabubuwag ng denial o alibi lamang mula sa kanya. Sa panig
naman ni Senator Enrile, although ang kanyang chief of staff na si Atty. Gigi
Reyes lang di-umano ang naka-front sa pakikipag-usap at pagtanggap ng salapi na galing
sa kanyang PDAF, mas lumakas din ang circumstantial evidence na may basbas mismo siya sa ginagawa ng kanyang chief of staff.
Although pinuna ni Senator Jinggoy Estrada ang pag-handle ni Senator Guingona ng interview after the hearing. Maganda sa aking palagay ang mga naging sagot niya sa mga katanungang ibinabato ng media sa kanya. So, kung sinabi man ni Vice President Jejomar Binay na
Ruby Tuazon’s statement as a witness was a “dud”
or worthless, in response to Secretary De Lima’s “slam-dunk” evidence,
Senators Santiago and Guingona have their own
version. “Bulls-eye” para kay
Mirriam ang statement ni Ruby Tuazon.
At “three
point, buzzer beating shot” naman
para kay Senator Guingona.
Ang sagot ni Senator Jinggoy Estrada sa lahat ng ito.
No comments:
Post a Comment