Monday, August 18, 2014

The Rapist, The Prostitute, and the Supreme Court




“Ang bahagyang kamangmangan ay nakasisira sa kaalaman at karunungan” (Mangangaral 10:1)

Ang talatang ito sa Biblia ay isang katotohanan. Sa kasaysayan ng mundo, mula noon hanggang ngayon, ito ay nangyayari at mangyayari pa. Maraming mga lider ng bansa na dahil sa kanilang kamangmangan, napakaraming tao ang nasadlak sa paghihirap, pagdurusa  at pagsasakripisyo. 

Unfortunately, ang Pilipinas sa ngayon ay nasa ganitong sitwasyon o katayuan. As I’ve said, we have now a leader na may ganitong katangian. Isang mangmang na umaasa sa “bulong”. Isang mangmang na may “makitid na pang-unawa” at hindi ganap na inaalisa ang kanyang sinasabi at ginagawa.

Nang iboto ko si President Benigno S. Aquino III, inakala kong may sapat siyang talino. Talinong taglay nang yumao niyang ama at diwa ng presidente niyang ina. Pero nagkamali ako sa aking pagtaya. Out of nowhere, dahil sa popularidad ng kanyang mga magulang, naging president siya bagamat hindi pa hinog o handa para maging lider ng ating bansa. Pagkakamali ito na inaani ngayon ng mga taong bayan.  Sila na nagsasakripisyo sa “tuwid na daan” ni PNoy, na habang naglalakbay ay “lumiliko” at napipinto pang  “madiskaril” bago matapos ang kanyang termino.

Ang pagiging “arogante” ni President Noynoy Aquino sa desisyon ng Supreme Court nang ideklarang unconstitutional ang DAP ay pagpapakita ng pagiging “ignoramus”. Isang lider na walang respeto sa batas at constitution. Isang lider na gustong brasuhin ang isang equal branch of government (Hudikatura)  sa “ayuda” ng isa pang equal branch of government (Lehislatura). Sa madaling sabi, gusto nilang pagtulungang  “tibagin” ang isang sangay ng ating gobyerno para “idesenyo” nila ayon sa kanilang sariling interes. Patunay  dito ang ginagawang  pambu-bully ng ilang mambabatas na kumukuwestiyon sa JDF na totoo namang wala sa timing. Ang panukalang baguhin ang kahulugan ng “savings” at ngayon nga ay ang pagiging open ni President Noynoy Aquino sa “charter change” para “bawasan” daw ang kapangyarihan ng Supreme Court at paboran ang “term extension” ng isang presidente. Ang lahat ng ito ay produkto ng isang “kamangmangan” kung saan ang ibubunga ay ang lalong pagkakahati-hati, pagkadisgusto,  at sa pagiging diktadura ng nakaupong lider ng bansa. 
 
Ang isa sa nakikita kong dahilan  ni President Aquino at ng kanyang mga "we bulong" na alipores sa pagiging open niya sa charter change ay ang napipinto nilang “pagbagsak”. Pagbagsak na magreresulta ng kanilang pagkakabilanggo sa hinaharap o pagkatapos ng kanyang termino kasama ang kanyang “arkitekto” sa DAP at ilang cabinet members na sangkot sa katiwalian. Ito ang ayaw niyang mangyari. Matulad kay former President Josep Estrada at sa pinalitan niyang si Gloria Macapagal Arroyo na kapwa nabilanggo. Ang kanyang manok na si DILG Secretary  Roxas ay walang kapana-panalo sa eleksiyon. Si Vice President Binay ay walang kasiguruhan kung ano ang tunay nitong kulay o kaya siya nitong proteksiyunan pagbaba niya sa puwesto sa kabila ng pahayag ng Aquino sisters na si Binay ang kanilang susuportahan.

Sa mga naka-file na impeachment complaint laban sa kanya, kahit hindi pa ito magtagumpay sa panahon ng kanyang termino, ngayon pa lang ay nangangamba na si President Noynoy Aquino at natatakot sa mga “multo” na nilikha nila ng kanyang mga alipores sa panahon ng kanyang panunungkulan. Alam nila na kapag bumaba na sila sa puwesto o kapangyarihan ay “hahalukayin” na ang mga ebidensiya laban sa kanila ng mga taong uusig at magiging sanhi ng kanilang pagkakabilanggo. So, the only option for them is to change the constitution. Baluktutin ang tuwid at gawing malabo ang malinaw. Pandayin ang batas ayon sa kanilang sariling disenyo. Isang kamangmangang desisyon ng isang mangmang na lider.


Manalangin po tayo

Panginoon po naming Diyos, muli kaming lumalapit sa iyo. Alam mo po ang katotohanang nagaganap sa aming bansa at ang nangyayaring duwelo ng tatlong sangay ng aming pamahalaan, ang Ehekutibo, Lehislatura at Hudikatura. Tatlong sangay na sumasagisag ng pagkakapantay-pantay upang magbantayan (check and balance) at walang maganap na pang-aabuso sa kapangyarihan ayon sa aming saligang batas. PERO…sa pagkakaroon po namin ng aroganteng presidente na dapat sana ay maging “role model” namin sa paggalang sa batas at konstitusyon, nanganganib pong magkaroon kami ng lider na may mga  alagad na walang delikadesa at nagtataglay ng “pinakamakakapal na mukha sa kasaysayan ng Pilipinas at sa buong mundo”. 

Sa kasalukuyan ay may Lehislatura kaming ang nakararaming miyembro ay “prostitute” at nag-i-enjoy sa panggagahasa sa kanila ng “rapist” na Ehekutibo. Sa kabila po ng pag-pabor sa kanila ng Supreme Court at pagsasabing may karapatan silang tumutol sa panggagahasa ng Ehekutibo at pakikialam nito sa kanilang kapangyarihan,  sila pa  ang galit dahil enjoy nga po sila sa  kislap ng “the roots of all evil” na panilaw sa kanila ng rapist na executive. Ito po ang nakikita kong “disaster” sa hinaharap.

Dahil po sa “taba ng pork barrel at DAP,” ang dalawang equal branch ng aming pamahalaan, ang rapist at ang prostitute ay nagbabalak pong magsanib-puwersa para “bawasan ng pakpak” ang pagka-agila ng Supreme Court,  at gawin itong “ibong pipit”. Ito ay sa pamamagitan ng binabalak nilang pang-gagahasa  sa umiiral naming Saligang Batas na nagsisilbing kaluluwa ng aming inang bayan. Gusto rin po nilang palawigin ang kanilang kapangyarihan at termino ng pamamahala para sa kanilang sariling interes at paninigurong hindi sila makukulong pagbaba nila sa puwesto.

Ito po ang inilalapit at idinadalangin namin o, Diyos na makapangyarihan sa lahat. Huwag mo pong papayagan na magtagumpay sila sa kanilang masamang hangarin. Ibagsak mo po sa dalawang sangay na ito ng gobyerno (Ehekutibo at Lehislatura) ang “tabak ni Damokles” at ipamukha sa kanila na kaming mga taong bayan pa rin ang makapangyarihan kaysa sa kanila. Kami ang iyong boses, o  Diyos, at ang aming tinig ang dapat pakinggan at makapangyari sa lahat. May mga “bulag at bulaang propeta” po na nag-aangking si President Noynoy pa rin daw ang sinusuportahan ng kanyang mga “boss” na kanyang binubusabos, pero hindi na po ito totoo. Marami na pong dating  sumusuporta sa kanya (kasama na ako) ang labis na nadismaya dahil sa kanyang pagiging “manhid” sa daing ng taong bayan na naghihirap na dahil sa abot langit na taas ng pangunahing bilihin, “kunsintidor” sa kanyang incompetent, non performing cabinet member at puro alibi na si Proseso “Mr. lean months”  Alcala at  Butch “DAP architect”  Abad. Panatilihin mo po sanang matatag ang Supreme Court sa kanilang paninindigan. Ipagsanggalang sila sa mga kaaway na rapist at prostitute na nagnanais tumibag sa kanila at gawing silang “bugaw” para ma-control ng buo ang kapangyarihan. Panatilihin mo rin pong “gising” ang diwa ng nakararaming taong bayan at gawing “matalino” sa mga isyung apektado ang aming buhay at pamumuhay.

Ang lahat po ng ito ay hinihiling at ipinagmamakaawa namin sa IYO, o dakilang Diyos na makapangyarihan sa lahat, sa pangalan ng aming panginoong Hesukristo.

Amen


No comments:

Post a Comment