Friday, September 12, 2014

The Former Warrior of the City of Gold and Riches





Noong panahon ni President Corazon Aquino, out of nowhere, isang pangalan ang nakilala. Pangalan ng lalaking isa raw sa mga nakibaka sa panahon ng panunupil ng diktaduryang Marcos gamit ang karsada bilang arena. Isang mandirigmang makabayan, maka-Diyos, at makatao. Dahil dito, natalaga siya bilang OIC ng isang lungsod na tinatawag na business capital  ng bansa. Isang lungsod na maunlad. Isang lungsod na maraming yaman at ginto. Nang may magtangka ng coup d’état sa administrayong Cory, humawak pa nga yata ito ng UZI  at sa kabila ng kanyang size, mistulang mandirigma siyang handang sumagupa sa anumang labanan na kanyang haharapin para ipagtanggol ang kanyang reyna. 

Sa paglipas ng maraming taon, patuloy pa rin siyang namamayagpag sa panunungkulan at pagrenda sa naturang maunlad at mayamang lungsod. Katunayan, dito na siya nagtayo ng dynasty (ama, asawa at anak). Sa kanyang ambisyong mapalawak pa ang kanyang imperyo, pinangarap niyang pamunuan ang bansa at ngayon nga ay pangalawa na siya sa may pinakamataas na tungkulin habang patuloy na nirerendahan ng kanyang mga anak ang pamumuno sa lungsod na kanyang iniwan.

Sa mga survey na ginanap, halos malunod siya sa tuwa at galak dahil patuloy na namamayagpag sa ratings ang kanyang pangalan. Indikasyong malapit na niyang maabot ang pinaka-rurok ng tagumpay at mapamunuan ang bansa nating minamahal. Subalit sa tayog ng kanyang lipad, hindi niya nalalamang  kaakibat ng kanyang pag-asam sa ambisyong ito, marami siyang “obstacles” na pagdaraanan. Mga “balakid” na posibleng maglutangan. Mga “multo” na kanyang ginawa sa mahabang panahon ng kanyang paghahari sa lungsod ng ginto at yaman.

Sa pangunguna ng kanyang mga katunggali (of course), binuksan nila ang “pandora’s box” na naglalaman ng kanyang mga “lihim”. Inisa-isang hinimay sa mata ng publiko sa pamamagitan ng “senate arena” ang kanyang “kabulukan”. Hinamon din siya ng mga ito na harapin at sagutin ang mga akusasyong ibinabato sa kanya. Subalit, ang dating mandirigmang naka-UZI ay pawang “denial” lang ang isinasagot at sa ibang arena (press conference) humarap. Tila tinutulungan din siya ng ilang “prostitute” na radio station para ipagtanggol ang kanyang laban. 

Lalong tumindi ang hamon sa kanya nang lumantad ang kanyang “best friend” for so many years na “nakakaalam ng kanyang sekreto”. Kaibigang nagdetalye ng SOP at naging “kalakaran” sa panahon ng kanilang pamumuno. Kaibigang naging “bagman” di-umano ng mandirigmang nangangarap maging lider ng bansa.  Bigla tuloy nag-throw back sa aking isip si dating pangulong ERAP. ‘Di nga ba’t isa rin niyang kaibigan ang nagsilbing “tinik” sa kanyang lalamunan at naging sanhi ng kanyang pagbagsak? Isang kaibigang nagbuking din ng kanilang sekreto sa “sindikato ng huweteng”. Isang kaibigang naging bagman din niya. Kung si Erap na nakaluklok na sa trono ay pinabagsak ng kanyang “best friend” at na-convict, ito pa bang mandirigmang naka-Uzi na nag-aambisyon pa lang sa tronong inaasam? 

Sa ngayon ay tila “urong ang balls” ng mandirigmang naka-UZI na harapin ang hamon sa kanya. Paulit-ulit niyang ginagawang “alibi” na ito’y pamumulitika (sobra ng gasgas ang alibi na ito) lang daw at pawang kasinungalingan. Sa halip, humarap siya sa taong bayan (press conference) at dito nagpapaliwanag.  Ang kanya namang mga “taga-kahol” ay sinasabing “kangaroo court” daw ang senado. Umatras na nga yung isa nilang senador na dumadalo sa hearing dahil bopol naman ito at di kayang ipagtanggol ang kanyang manok sa senate hearing. Meron namang alipores niya (laos na politician)  ang nagsasabing “plotted” lang daw ang lahat ng akusasyon sa kanilang mandirigma.

Pulitika man ito o hindi, bilang pulitiko, dapat harapin ng mandirigmang naka-UZI at nag-aambisyong maging lider ng bansa ang mga akusasyon. Sagutin niya ng buong talino at katapangan ang mga naghahamong kalaban. Kung tunay siyang inosente at walang multong itinatago, ito na ang pagkakataon para siya “magningning” sa mata ng taong bayan. Ang siste, tila reluctant siyang harapin ang kanyang mga ka-duwelo sa arena ng senado na nakikita ng taong bayan sa nationwide television. Sa halip ay balak pang umakyat sa bundok ng Olympus  at dito niya iwawasiwas ng iwawasiwas ang kanyang espada na “walang kalaban.” Karakter ng isang mandirigmang walang balls at takot sa mga multong kanyang ginawa, lalo pa’t ang kanyang “best friend” na pinagkatiwalaan niya ng kanyang mga sekreto ay nasa hanay na ng kanyang makakatunggali.

Senate hearing is not a Kangaroo court. Ito ang arenang may tsansa tayong makita ang mga nag-aakusa at inaakusahan. Ang kanilang mga tanong at sagot. Kung sila ay nagsisinungaling o hindi. Ang kanilang mga body language, their instinct and when they perspired. Makikita rin natin ang  bawat buka ng kanilang bibig, ang pautal-utal nilang pagsagot at pangangatwiran, sa kawalan nila ng maitutugon sa katanungan. Makikita rin natin ang kabobohan at katalinuhan ng  mga nagtatanong sa line of their questioning. Sa mga abugadong nagmamarunong pero natitiyope sa sandali na sila na ang natatanong. These are all we got in the senate hearing na sinasabi nilang kangaroo court but t hey have no balls to confront. Tungkol naman sa sinasabi nilang plotted? I disagree. In my opinion, this is GOD’s intervention. Magpasalamat tayo dahil malayo pa ang eleksiyon, ipinakikita na NIYA  sa atin nang maaga kung sino, kung bulok o hindi, kung marumi o malinis ang mga nag-aambisyong maging lider ng ating bansa. 

Kung ang mandirigmang ito na “popular kuno” sa survey at nangangarap maging lider, kailangan niyang sumayaw sa tugtog (face the music). Harapin ang mga putik na ibinabato sa kanya.  Buong tapang at talino siyang humarap sa gitna ng mga kalaban, mababangis mang leon o tigre ang mga ito (like what Daniel did in the Bible). Kung talagang inosente siya, GOD can  protect him from them. 

Sa challenge na ito natin malalaman kung ang former warrior na ito na naka-UZI ng City of Gold and Riches ay “magliliwanag” (sa kabila ng kanyang kulay) o “magdidilim” Abangan ang susunod na kabanata.

No comments:

Post a Comment