Sunday, September 21, 2014

Shadow Boxing sa Arenang Walang Ring na ang Kalaban ay Hangin.



The former warrior of the city of gold and riches face the nation in a nationwide television broadcast ala El Presidente.  Inakala ko pong may laman at linaw ang aking maririnig sa kanyang ginawang pagsagot sa katiwaliang ibinabato sa kanya pero sa halip “ampaw” at mas nangulimlim pa sa kanyang kulay. Ang narinig ko po kasi sa kanya ay ang ginagawang pasakalye ng isang pulitikong maagang nangangampanya. Pulitikong kumukuha awa sa pagkukuwento ng kanyang pinagdaanang buhay. Isang pulitikong ginagawang puhunan ang pakikipaglaban daw niya sa demokrasya at diktaduryang Marcos, at ang “strategy” niyang kunin ang simpatiya ng mas nakararaming mahirap dahil ang itinuturo niyang mga nag-aakusa sa kanya ay mula sa mayaman.

Sa kalahatian ng kanyang speech ang dating mandirigma ng lungsod ng ginto at yaman ay ginamit pa ang COA auditor bilang depensa gayong malinaw pa sa sikat ng araw na ayon mismo sa COA Commissioner, ay may “red flag” nga raw silang nakikita sa maanomalyang proyekto. Sinabi rin niya na bilang abugago, este, abugado po pala, ay hindi raw po tatayo sa hukuman ang mga akusasyon sa kanya (dahil walang resibo na tumanggap siya ng 13% kickback) dahil pawang hearsay. Kung may tumanggap daw, iyon ay ang kanyang Vice Mayor lang at di siya kasama (imposible, incredible, unbelievable). Humirit pa siyang dapat daw ay sa mga gusaling ipinatatayo ng gobyerno ihalintulad (aratiles to aratiles and not aratiles to apple) ang over-priced na Parking Building. Nagtapos siya sa kanyang speech sa pangangakong lulunasan niya ang mga problema ng bansa na kanyang inisa-isa na tila baga nakasisiguro na siyang, siya na ang susunod na Presidente.

Hindi ko tuloy naiwasang mapailing at maihalintulad si Nognog Obama kay Floyd “Gayweather”. Isang boksingerong nognog rin at takot na takot sa ating pambansang kamao na si Manny Paquiao. Sa halip po kasing sa Senate Arena makipag-boksing si Nognog Obama, dahil naroon ang kanyang kalaban. Ang ginawa po niya ay nag-shadow boxing sa harap ng telebisyon. Pagkatapos nito ay parang asong bahag ang buntot na agad umalis matapos kumahol para umiwas sa kaliwa’t kanang tanong mula sa media. Isang karakter ng duwag at tusong pulitiko.

Ang ganito pong tao mga kabalat ko ang hindi dapat pagkatiwalaan. Urong ang “balls” sa tunay na laban. Maihahalintulad si Nognog Obama sa isang boksingerong nangangarap makakuha ng “presidential belt” pero ang alam lang pala ay mag-shadow boxing at hangin ang gustong kalabanin. Paano po natin makikita ang tunay niyang “skills” sa pag-ilag, pag-counter, sa footwork, at pang-KO punch kung ganito lang ang gagawin ng isang nagmamayabang na mandirigma.

Sa kanyang mg ipinahayag, iniisip ni Nognog Obama na ang mga Pilipino ay mga T-A-N-G-A at, B-O-P-O-L. Na kaya niyang ululin ang mga mamamayang Pilipino sa “punto for punto” daw niyang pagsagot na wala namang pinuntusan. Siguro, daanin na lang po natin sa panalangin ang  lahat.

Manalangin Po Tayo

Panginoon po naming Diyos, muli po kaming lumalapit sa IYO. Ikaw po ang tunay na nakababatid ng katotohanan. Ganoon man, pinagkalooban mo po kami ng sapat na talino at pang-unawa para malaman ang puti at itim, ang tama at mali, ang matalino at bobo. Totoo pong may mga mapagbalatkayong tao na nagkakanlong sa damit ng isang maaamong tupa pero kasing siba po pala ng buwaya. Hindi po namin malalaman ito kung walang intervention kang ginawa para malantad ang kanilang tunay na kulay. Dahil dito, nagpapasalamat po kami o, Diyos dahil maaga pa ay nakilala na namin ang likaw ng bituka ng posibleng mamuno sa aming minamahal na bayan.

Idinadalangin po namin sa iyo na bigyan mo sana ng lubos na pang-unawa at talino ang mga BOBotantes na patuloy na nagogoyo ng mga mapagbalatkayong pulitiko. Na sana ay huwag silang masilaw sa “kapiranggot” na “mumo” na itinatapon sa kanila kapalit ng dadambunging bilyon-bilyong salapi ng bayan ng pulitikong ito sa hinaharap. Marami na po kaming problema Panginoon na sanhi ng “baluktot na daan” na ginagawa ng administrasyong PNoy. Sa pag-aampon niya ng mga “ahas” sa kanyang gabinete at pagkunsinti sa mga ito sa ilalim ng kanyang pamumuno. Pagtitiisan po namin sila hanggang sa katapusan ng kanyang termino kaya kaawaan mo kami na isa naman pong “matino” “tapat” “di corrupt” at matalinong Presidente ang ibigay mo sa amin. Presidenteng may political will, presidenteng hindi umaasa sa “bulong” presidenteng magbabalatkayong ordinaryong tao (gaya ni President Magsaysay) at siya mismo ang magmamasid, aalam, at mag-aanalisa sa tunay na katayuan at nangyayari sa taong bayan. Presidenteng magiging tunay na “kampeon ng masa”, presidenteng muling magbabangon sa aming bansa tungo sa kadakilaan.

Isang daang milyon na po ang populasyon ng aming bansa. Isa lang po dito ang iyong hihiranging mamumuno sa amin. Sa mga lalapit at hihingi ng aming mga boto para sila mahalal sa pinakamataas na posisyon, ikaw na po ang gumawa ng paraan para matampok ang isang dakila, tapat, matalino, makatao, makabayan at higit sa lahat ay maka-Diyos na tao. Isang pinunong magniningning sa iyong paningin. Isang pinunong iyong hihiranging para pamunuan at gabayan ang nakalugmok naming bayan.

Amen

No comments:

Post a Comment