Tuesday, October 14, 2014

Who is a Credible Witness?

 Ben Hur Luy

Sa harap ng korte, lalo pa’t malaki at sensational ang kaso, isa po sa paboritong hanapan ng butas ng mga abugado ng depensa ay ang credibility ng mga testigo. Ito ang kanilang pang-tapat sa mababaw nilang alibi at malasadong depensa para proteksiyunan ang kanilang mga kliyente. Sa ganitong sitwasyon, sino po ba mga kabalat ko sa inyong palagay ang masasabing credible witness? Ito ang gusto kong puntuhan ngayon sa aking komentaryo at panalangin. 

Sa kaso ng tatlong senador na nililitis ngayon sa Sandiganbayan sa salang “pandarambong”, ang target ng mga abugado ng depensa nila ay tibagin ang credibility ng state witness na si Ben Hur Luy. Bagamat inamin na noon ni Ben Hur sa pagdinig ng senado na totoong may pagkakataon na siya ang pumepeke ng pirma, ito ay kanyang inulit at idenemonstrate pa sa harap ng hukuman kung paano niya ito ginagawa.

Ang mga abugado ng depensa ay labis na natuwa dahil sa pag-amin ni Ben Hur Luy na ginagawa nga niya ang pamemeke. Iniisip nilang ito ang magagamit nilang “maso” para tibagin ang kredibilidad ng state witness upang sila ang paboran ng mga justices. Inaakala nilang ito ang “susi” para ang tatlong senador na inakusahan ng pandarambong ay maka-eskapo sa kanilang mga pananagutan.

Subalit nagkakamali sila. Ang ginawa ni Ben Hur Luy na pag-amin ang lalong nagpatibay sa kanyang credibility as a witness. Nang gawin ni Ben Hur Luy ang nasabing pamemeke ng pirma, siya ay isang empleyado lamang at nasa ilalim ng pork barrel queen na si Janet Napoles. It’s a part of their skim. Faking signatures of some personalities “once in a while”. At natural ito, sa isang sindikato at bogus na  foundation na paboritong paglagakan ng pork barrel ng mga senador. Pero ito’y hindi sa lahat ng pagkakataon na gaya ng gustong palitawin ng mga abugado ng depensa para sirain ang credibility ni Ben Hur.

Sa isang “matalino, malinis, tuwid at ‘di nasusuhulang hukom” na nag-aanalisa sa tunay na pagkatao ng isang testigo, ang ginawa ni Ben Huy ang mas nagpatibay sa kanyang mga sinasabi laban sa mga akusado. Walang testigong “santo” sa korte lalo pa’t isang state witness at mismong involved sa ginawang pag-sindikato ng mga nasasakdal. Mas hindi credible si Ben Hur Luy kapag sinabi niyang hindi siya nameke ng pirma kahit minsan sa panahon ng kanilang ginagawang panloloko. PERO….sa isang “tuso, corrupt, tiwali at nasuhulang hukom” gagamitin nila ang ibinubutas na itong ng depensa para  mapawalang sala ang mga akusado. 

Ganito ang nagiging kalagayan ng iba pa nating mga kaso sa korte. Ang ilan sa mga hukom natin ang umaayuda sa paghahanap ng kahit “katiting na butas”, para i-justify ang gagawin nilang pagpapawalang sala sa isang pinaka-pusakal na kriminal o mandarambong. Kung di naman ay daanin sa teknikalidad na lagi nilang palusot. Ito mismo ang dahilan kaya malalakas ang loob at mayayabang ang mga pulitikong nandambong ng milyon-milyong  salapi ng taong bayan. Pagdating sa korte, kayang-kaya nilang suhulan at tapalan ng salapi ang mga tiwaling hukom o justices.

Sana’y maging alerto ang Supreme Court na nakatunghay at nangangalaga sa ating mas mabababang korte. Na may mga “anghel” sa kanila.  Na kapag may pinakawalang big time drug lord sa kabila ng sangkatutak na ebidensiya  o kaya ay kung may pulitikong mandarambong na pinawalang sala sa kabila ng truck-truck na ebidensiya, ay magsilbing “red flag” ito sa kanila. Siyasatin nila agad ang pagkatao ng hukom na lumitis sa kaso at awtomatikong rebyuhin ang ginawa nitong desisyon. 

So, let’s go back to our topic.  Kung ako ang tatanungin ninyo bilang isang ordinaryong tao na nag-aanalisa kung credible witness  ba o hindi si Ben Hur Luy laban sa tatlong senador na inaakusahang mandarambong. Ang sagot ko ay opo, credible siya. Ang aabangan na lang natin ngayon ay kung mga credible ba ang mga hukom sa Sandiganbayan na lumilitis sa kaso. Remember, isang Justice na ng Sandiganbayan  ang pinatalsik ng Supreme Court dahil sa pagkaka-involved nito sa pork barrel queen na si Janet Napoles. 

Let’s wait and see.



No comments:

Post a Comment