Sunday, November 2, 2014

The Man with Deceivers Mask




Sa nagaganap na banggaan ng kampo ni Vice Pesident Jejomar Binay at ng tinawag kong the “three musketeers” ng senado,  tila wala nang masulingan at magawang tama sa kanilang strategy sa pakikidigma ang “Rambotito” at dating namumuno sa lungsod ng ginto at yaman. Kung baga sa isang kaharian na binobomba ng katakut-takot, unti-unti nang natitibag ang “wall of lies” na kanyang iniharang sa “bomb of truth” na ibinabala sa kanyon ng the three musketeers. 

Gaano man ang kapangyarihang taglay ni Rambotito, na nakaupo sa pangalawang silya ni Haring Noynoy, wa-epek ito dahil ang mismong kalaban niya sa duwelo ay mga kaalyado rin ng Hari. So, what King Noynoy did was to let them fight in the “arena of the Senate”, but Rambotito made many excuses and alibis para hindi ito mangyari. Kasinungalingan lang daw ang bombang ibinabagsak sa kanya  at may tatak na “pulitika”.
 
But the three musketeers in the senate continue their bombardment. Sa bawat pagbagsak ng bomb of truth ay meron silang nahahalukay na bagong ibabala para tuluyang wasakin ang wall of lies ni Rambotito. Thanks to the former friend and ally of Rambotito na si Vice Mayor Ernesto Mercado na nag-defect at sumama sa kampo ng tatlong senador na muskitero na ngayo’y katulong nilang naghuhukay ng mas malalim to get more bomb of truth. 

Dahil nagpa-panic na ang dating mandirigma ng lungsod ng ginto at yaman, itinuturing pa rin niyang kaibigan si King Noynoy. Humingi siya ng tulong dito na ipatigil na ang pag-bomba sa kanya ng tatlong senador na muskitero, at sa “court arena” na lang daw sila magduwelo pero tila nabigo siya kaya tuloy ang pag-atake ng kalaban. Dahil dito, sa silakbo marahil ng galit,  napilitan na si Rambotito na maghamon. He challenged the proponent of the attack (Senator Antonio Trillanes)  into a one on one debate.  Iniisip marahil ni Rambotito na dahil hindi  isang abugado ang kanyang makakatunggali, kaya niya itong ilampaso sa debate o dili kaya’y magdalawang isip si Trillanes na tanggapin ang kanyang hamon. Ang kaso agad namang kumasa ang kanyang hinamon. Nawala sa isip ni Rambotito na ang kanyang napili ay ang mismong lider at palabang sundalo na gumawa  ng pangalan sa kanyang kahariang lungsod ng ginto at yaman kaya nakulong pero sinuwerteng maging senador.

Tila naalarma at kinabahan naman ang “taga-trumpeta” ni Rambotito na si Congressman Toby Tiangco, ganoon din ang balbasaradong akala mo “astig” pumorma at abugado nitong si Atty. JB Bautista. Kung sila daw ang tatanungin ay “tutol” sila sa debateng duwelo. Ang hindi yata iniisip ng dalawang alipores na ito,  mas lilitaw na kahiya-hiya si Rambotito kung aatras dahil ito mismo ang naghamon. “Pagkalalaki” at “word of honor” ang nakataya dito. Kapag ito ang naglaho,  wala na siyang karapatang hangarin pa ang puwesto ni Haring Noynoy.  Lalabas na isa siyang “bakla” at “walang word of honor”. Conclusion na mabubuo sa isipan ng taong bayan at sino ang boboto sa ganitong klase ng presidential contender?  BOPOL at  BINAYaran na lang ang boboto sa ganitong klase ng tao sa darating na 2016 presidential election. Na-gets’ ba  n’yo Congressman Tiangco at Attorney JB Bautista?

Now that the show must go on, may isa pang dilemma na haharapin si Rambotito. Sa pagsabi niyang haharap siya sa senate arena kung ang mother committee  ng Senate Blue Ribbon ang mangangasiwa ng duwelo it’s his pagkalalaki at word of honor again is at stake here. Hindi  na ang “tatlong muskitero” (sub-committee) kung hindi ang “ina” (mother committee) na ang nag-aanyaya kay Rambotito. Kapag ini-snob pa rin ito ni Rambotito, as what his adviser and whisperer was trying to justify while explaining their side in some media entity, dalawang “butas” na po ang nawawasak sa wall of lies ng kastilyo ni Rambotito, courtesy of his two trusted and “astig” spokesman.

To stop the three musketeers in their continues attack to remove the “deceiver’s mask” of the former knight of the city of gold and riches and now seeking the highest position of the land, tila tatakbo na raw po sa Supreme Court ang kampo ni Rambotito. Ito po ay isang malinaw na “karuwagan”.  Nagpa-panic na po ang kampo ni Rambotito and they’re trying to do everything possible. I don’t think the Supreme Court shall allow that. Because of the sensitivity of the issues involved here, hindi ko inaasahang magpapagamit bilang “shield o kalasag” ang SC sa kampo ni Rambotito. Matatalino ang mga justices ng SC para maging “kill joy” at maakusahang “nabayaran”. Sa ganitong sitwasyon at laki ng kaso, maaaring daang milyon na ang gamitin o magamit para gawing kalasag ng sinumang nakaharap sa ganitong controversy. Pero, kung baga sa apoy, ang maliit na alipato po ay gumawa na nang malaking sunog and all the Pilipino people was now involved at naka-focus sa mala-suspense na duwelong ito. Kung ano ang susunod na magaganap. Kung ang mga sinabi ng mga naghamon at hinahamon ay matutupad. At kung ano pa ang mga malalantad at bubulaga sa kaalaman ng sambayanang Pilipino. Inaakala kong maging ang SC ay ganito rin ang ginagawa. 

It’s not politics. It’s the people’s interest is at the stake here. Gusto nilang malaman ang ginawang pamamaraan at “modus operandi”  ng mga taong nakaluklok at namumuno sa ating pamahalaan. Kung paano nila napapalusutan ang batas, at mga taong gumagawa ng pag-a-audit sa mga government contracts and transactions. Sa panig naman ng mga mambabatas na nagsasagawa ng hearing sa senado, makagawa sila o makabalangkas ng mas epektibong batas na puwedeng isusog o mai-imyenda nila sa mga umiiral nang batas na may butas, para ito lalong mapalakas at hindi na maulit ang ganitong “panggagahasa” sa kabang ng bayan. Ang daming dapat sagutin ni Rambotito. Hindi lang bulto, kung hindi bulto-bulto. Anyone who allied  (businessman, dummies, employees, etc. etc) and shield his deceiver’s mask, took the risk in protecting him. Para silang tumaya sa isang “sugal” nakakasiguro na nang panalo.  But as I’ve said, what was happening now have God’s intervention. HE had HIS own ways of protecting us, and in the very least, using the former trusted friends of those who deceived us, to expose them.


Manalangin po Tayo

Panginoon po naming Diyos, muli po kaming lumalapit at dumudulog sa iyo. Napakarami na pong nagpalit-palit na lider ng aming bansa. Still, bigo kami sa aming mga inaasahan sa kanila. Hindi po nila nadala ang aming bansa upang mai-angat ito tungo sa kanyang kadakilaan at kaunlaran. Nahuhuli na po kami sa aming mga katabing bansa at tila maaaari pang mangulelat. While the leaders in our neighbour countries was trying their best to uplift their countrymen’s life, what our leaders did was  exactly an opposite. As a result, more of my countrymen was now suffering from poverty, hungry and lack of good opportunity. Many of our  leaders (local and national) did everything to loot or consent to loot in the people’s coppers. Kapag kakampi, pinoprotektahan, kapag kalaban, tinutuluyan. Hindi po ganito ang gusto naming lider, O Diyos naming makapangyarihan sa lahat. 

What we need now are leaders who can be trusted. Iyong may political will na kalaban man o kakampi, basta may ginawang katiwalian at pandarambong sa kaban ng bayan ay dapat panagutin at usigin. Iyong hindi mauulingan kahit siya ang may hawak ng palayok. Hindi lider na hawak nga ang palayok, ang mga alipores naman niya ang sumasalok at nauulingan (like P-Noy). A leader who can really deliver what he promised, hindi iyong magaling lang sa pangako at salita, pero siya rin ang sumisira at bumabaluktot sa kanyang ipinangako. Hindi rin po namin kailangan ng lider na mahilig lang magpa-kuwela sa mga imbentong salita ng kanyang mga speech writer gaya ng: tuwid na daan, walang wang-wang at kayo ang boss ko. Ang gusto namin ay lider na kahit hindi mag-imbento ng ganitong salita, sa gawa naman namin makikita ang kanyang mga ipinangako. 

Hindi rin po namin kailangan ng lider na mahusay mag-paawa o pinagmumukhang kawawa ang sarili sa harap ng taong bayan, gayong sa totoo pong buhay, siya na ang pinaka-maginhawa at masuwerteng tao, sa dami ng dinambong na salapi sa kaban ng bayan at ipinamimili ng boto sa mga BOBOtantes. Huwag mo pong ipahintulot na magtagumpay ang mga mapagbalatkayong tao na nagkukunwaring tupa pero sa katotohaan, sila’y may ugaling kasing siba ng lobo. 

Ipagsanggalang at ipag-adya mo po kami sa ganitong mga klase ng tao o, Diyos at IKAW ang humirang at pumili ng mga taong karapat-dapat maging lider ng aming bansa. Ganap po kaming nagtitiwala o, Diyos naming makapangyarihan sa lahat na narinig mo ang aming panalangin at karaingan. Ang lahat po nang ito ay hinihiling namin, sa pangalan ng aming panginoon at dakilang tagapag-ligtas na si Hesukristo.

Amen

No comments:

Post a Comment