Tuesday, November 11, 2014

How to Define a Person?




Sa nagaganap na banggaan ng kampo ni VP Binay at ni Senator Trillanes, bilang isang ordinaryong mamamayan, marami po tayong natututuhan mga kabalat ko. This includes, defining a person’s character. Sa mga napapanood kong interview sa mga kilalang political analyst (kuno) na nagbibigay ng kani-kanilang komento sa nagaganap na senate hearing  sa mga anomalyang nangyari sa Makati City noong kapanahunan ng mga Binay, kapuna-puna ang sinasabi nilang dapat ay korte ang tamang venue. Totoo naman ang sinasabi nila, PERO, ang isang pulitiko na nagsisilbi dahil sa tiwalang ibinigay sa kanila ng taong bayan ay DAPAT ding humarap sa anumang imbestigasyon na ginagawa ng tatlong senador na halal din ng taong bayan para malaman ang katotohanan. Ninombrahan sila ng ating batas na gawin ito para makapag-formulate ng angkop na batas para di na maulit ang mga nangyaring katiwalian, at immaterial kung pulitika man o hindi ito gaya ng ibinibintang sa kanila. Nakatuon na dito ang interest ng taong bayan. Interes na dapat manaig kaysa interes ng isang pulitikong inihalal lamang sa tungkulin at  gumawa ng katiwalian gamit ang posisyong ipinagkatiwala sa kanila.

Sa loob ng korte, limitado ang nakakakita, nakakapanood at nakakaalam sa mga nangyayari o nagaganap. Tanging ang mga hukom na maaaring silawin ng ginto at salapi ang nakikinig. Dito ay kalakaran na ang "bulok na sistema" ng “bulungan” “gapangan” “suhulan” at iba’t ibang taktika na umiinog sa loob ng korte. Kaya nga nagugulantang na lang tayo kapag may biglang pinawalang salang MANDARAMBONG na pulitiko o drug lord.  Nagtataka tayo kung ano ang nangyari? Bakit nagkaganoon? Sa kabila kasi ng patong-patong na ebidensiya, hinahanapan nila ito ng "butas" para makalusot. Kadalasan ay dinadaan sa teknikalidad, at mga bagay na alam ng mga nag-aral ng abugasya. Ito ang primary reason kaya ang mga mandarambong na pulitiko at mga masalaping kriminal ay nagnanais, na sa loob ng korte na lang isampa ang kaso. Mas maraming salapi at ginto, mas may bentahe at sure winner sa kaso. VP Binay knew it and with his influence, ang kailangan natin sa Sandiganbayan para manaig ang katotohanan at batas, sa kinang ng salapi, ay mga justices na isinugo ng DIYOS mula sa langit. Sa tantiya ba ninyo, merong mga justices na ganito?

Unlike, in the senate na live sa TV, at nasasaksihan ng taong bayan ang nangyayari. Dito ay ‘di maitatago ng isang SINUNGALING na mandarambong ang kanyang isasagot, ang kanyang body language, ang kanyang pagkaka-utal o pagba-buckle habang sinasabi niya ang mga alibi at paglulubid ng buhangin. Natitimbang natin nang husto bilang ordinaryong tao, kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi.  Ang ginagawang itim ang puti at ang tuwid ay binabaluktot. Dito,ay magagawa ng tunay na inosente na sila ay magningningay sa mata ng sambayanang Pilipino. Maipapakita nila sa mata ng taong bayan na wala siyang itinatago o kasalanan. Pero ang mga may "lihim" at "guilty" ay mahahayag dito. Makikita natin ang kanilang pagkatakot, pag-iwas, pagdadahilan ng kung-ano-ano at sa dakong huli ay paghahanap ng PADRINO, para matigil ang ginagawang imbestigasyon sa kanila.

Bilang isang ordinaryong nag-aanalisa, iba ang pananaw ko sa isang political analyst na nagbibigay ng kuro-kuro sa nangyayari. Ang isang political analyst ay may kinikilingan at may tinititigan. Kapag sinabi ng political analyst na sa korte na lang pag-usapan ang kaso ni Binay, na siyang gusto ng ating Vice President, that political analyst was in favour of him. Pero kapag sinabi ng isang political analyst na bilang isang pulitiko, ang posisyon ni VP Binay ay nagmula sa taon bayan.  Dapat  malaman ng mamamayan ang lahat ng nakatagong lihim sa pandarambong na kanyang ginawa noong panahon ng kanyang panunungkulan bilang Makati City Mayor, at ngayo’y naghahangad pang  tumakbo sa 2016 Presidential election. Ang political analyst na ito ay isa ring social analyst na marunong dumama sa pulso ng taong bayan.

Ang pag-atras ni VP Binay sa debate nila ni Senator Trillanes ang nag-define kung sino o anong klaseng tao siya sa panigin ng taong bayan na marunong mag-isip. Ano mang alibi o rason niya sa kanyang pag-atras, hindi nito matatakpan ang pagkakalantad ng tunay niyang pagkatao sa madlang nagmamasid. It destroyed him as a person. Siya ang gumiba sa sarili niyang imahe. Mistulang salamin na nagkabasag-basag, and yet naghahangad pang maging presidente ng ating bansa.  Sa bawat salitang kanyang binitiwan, bumalandra ito sa kanyang harapan. Ang kanyang isinusuka, ay siya rin ang kumakain. Ang kanyang dura ay sa mukha rin niya tumatama.  Ito’y katangian ng isang taong ‘di dapat pagkatiwalaan.   

Kung natatandaan ninyo, siya ang naghamon ng debate, pero siya rin ang umatras. Kung baga sa isang mandirigma, matapang lang sa salita pero urong pala ang “balls” kapag kinasahan. Sinabi rin niyang dadalo siya sa hearing ng senate blue ribbon, kung ang mother committe ang mag-iimbita sa kanya, pero no show din siya nang anyayahan siya nito. So, what’s your conclusion? Sa kanyang bibig  natin narinig na hindi siya umaatras sa laban pero puro atras ang kanyang ginagawa ngayon. Bilang isang boy scout noong nasa elementarya ako, isa sa natutuhan kong motto nito ay ang “laging handa”. Ito ba ang nakikita nating ginagawa ng  overstaying President ng Boy Scout of the Philippines?  Hindi po. Lagi siyang hindi handa sa anumang bagay na kanyang hinaharap ngayon. 

All of these define him as a person. His character. What he did was just denying, evading, circumventing, fleeing, etc. etc. Kung ganito ang gagawin ng taong ating magiging presidente, hindi ba kayo matatakot? Vice President pa lang siya pero ang tingin niya sa kanyang sarili ay isa na siyang “high and mighty” at nakayapak sa tore ng palasyo. Isang invulnerable, superior at untouchable. Baka masahol pa ang maging kalagayan natin sa North Korea kapag siya ang naluklok sa pinakamataas na puwesto ng ating bansa.

Marahil ay iniisip ni VP Binay na majority ng ating mga botante ay B-O-B-O at T-A-N-G-A. Sa pamamagitan ng mga bobong ito at  tanga, ay nanatili siyang mataas ang rating sa survey.  Okey lang sa kanila kahit paratangan siyang mandarambong, sinungaling, walang word of honor, hindi handa at umaatras sa laban.  Iniisip din marahil niyang “walang taong di nabibili ng salapi” at karamihan sa mga botante ay HUDAS. Kung pagsamahin at susumahin niya ang dalawang ito:  Mga bobong botante at mga taong nabibili ng salapi o Hudas, equals, sure winner na siya sa eleksiyon.

Sa kabilang banda, ang pagpapahayag ni President Noynoy Aquino na tapusin na ang senate inquiry tungkol sa anomalyang kinasasangkutan ni VP Binay ay hindi magandang pakinggan, lalo’t ibinuking pa ni Senate president Drilon na lumapit na nga raw si VP Binay kay PNOY para ipahinto ang senate hearing. Para siyang "amo" na nagmamando sa trabaho ng isang co-equal branch of government. Ito ang pintas ko kay PNoy simula't sapul. Isa siyang leader na hindi marunong mag-analisa sa ibinubuka ng kanyang bibig. At idaragdag ko na ito sa masamang katangian niya bilang lider. "Pakialamero". Sa Supreme Court ay ginawa na niya ito di po ba? Isa ito sa kanyang kahinaan. Kung magsalita siya ay para bang nasa showbiz lang siya. Hindi alam kung makakasakit o makaka-apekto sa ibang tao ang kanyang sinasabi.  Hindi siya marunong pumili ng mas "angkop" na salita para sa isang tulad niyang presidente ng ating bansa. Pagbalikang tanaw ninyo ang kanyang sinabi nang matanong siya kung dadalawin ang burol ng pinaslang na transgender na si Jennifer Laude. Maganda ho ba sa inyong pandinig ang kanyang isinagot?

Wala ring political will si PNoy na tanggihan ang kanyang mga kakampi o “kalabang kaibigan” na tulad ni VP Binay.  Na kahit pinipilantik siya ng harapan halatang nakakiling pa rin siya dito sa halip na maging neutral. Ito rin ang dahilan ni VP Binay kaya hindi makabita-bitaw sa pundya ng administrayong PNoy kahit laitin at ipagtabuyan pa siya. Kailangan niya ng “kapal ng mukha” dahil meron pa siyang gustong pabor na makuha kay PNoy. At ito nga po yung gawin itong "padrino" para utusan ang senado na ipatigil ang senate inquiry. Kapag kumalas siya ay mas malalantad siya sa peligro and without any resourses mula sa kanyang puwesto, hindi na siya makakapangampanya ng libre at magmumukhang lame duck sa isang sulok.

So, sa lider nating si PNoy at sa nag-aaspire na maging lider ng ating bansa na si VP Binay, we already define what kind of person are they sa mga sinabi ko.  Sana, mag-isip isip na ang mga BOBO at TANGA ngayon pa lang. Maging matalino sila sa kung sino ang dapat piliing maging lider ng ating bansa. Ay iyong mga nababayaran ng konting halaga, sana ay pagbalikang tanaw nila si HUDAS kung ano ang ginawa kay Hesukristo. Huwag sana nilang ipagkanulo ang sambayanang Pilipino, sa konting barya na ibabayad sa kanila.


No comments:

Post a Comment