Vice President Jejomar Binay
Nanaginip ako. Isa itong
pangitain sa hinaharap. I saw VP Jejomar Binay lost in the coming 2016
Presidential election. Hindi lang naging malinaw sa aking pangitain kung sino
ang nagwagi. Ganoon man, kahit isa lang
itong pangitain sa aking panaginip, it’s a welcome relief para sa akin.
Sa totoo lang, mula nang
mabuking at buksan ng “best friend”
at former Vice Mayor ng Makati na si Ernesto Mercado ang mga “lihim” sa Pandora’s box ni VP Binay,
isa ako sa na-shocked sa aking nalaman. Sabi ko nga, maybe, it’s GOD’s
intervention. Maaaring may mabuting dahilan ang pagkakabunyag na ito sa
sambayanang Pilipino.
Ilan sa posibleng matanim sa
utak ng ating mga botante, kaakibat ng pangalang BINAY ay ang mga naging
popular words ngayon na: “overpriced”, biding-bidingan”, “Hacienda Binay”, “dummy”
“condominium” at iba pang mga kataga na posibleng lumitaw o mauso sa mga susunod pang hearing sa senado. Idagdag
na natin dito ang mga pangyayari in the past na natanim din sa kanilang isip,
gaya ng: “di pagdalo ni VP Binay sa
imbitasyon ng mother committee ng Blue Ribbon gayong una na siyang nagsabi na
dadalo dito. Ganoon din ang kanyang paghahamon ng debate kay Senator Antonio Trillanes
na nang tanggapin ay siya naman itong umatras. Ito’y mga negatibo at pangit na
anyo na maaalala ng mga botante kapag nabasa nila ang pangalang BINAY sa balota
sa oras ng eleksiyon.
Sa mga inilalantad ng former
ally ay best friend ni VP Binay na kanyag “kabulukan”
noong panahong sila ay magkasama sa di umano’y “sindikato”, ang posibleng
maging “waterloo” ng mga Binay sa
mundo ng pulitika. Ito rin ang magiging
dahilan ng di na pagiging normal na takbo ng kanilang mga buhay sa hinaharap.
Ang mga multong nalantad ay di kayang pabulaanan ng ordinaryong “denial” sa harap ng media at mga taong kanyang
pinupuntahan para mangampanya. Maaaring nakikita niyang nakangiti ang mga taong
nakaharap sa kanya at tila nabobola, habang siya ay nagsasalita. Pero ang totoo, nasa kaibuturan ng kanilang
mga puso ang pagdududa, pag-aalinlangan sa kanyang sinasabi. Posible ring kapag
nakatalikod, ay ismid at lumulura sila and it’s VP Binay’s dilemma right now. If
my vision in the future is right, ngayon pa lang ay unti-unti nang natitibag
ang pangalang BINAY. Kung ang pag-uusapan naman ay ang mga botante natin. May
iba’t ibang classification akong ginawa sa mga botanteng Pinoy.
Ang una ay ang “the thinking class”. Sila ang mga botanteng gumagamit ng talino at isip
sa pagdedesisyon. Alam nila ang mga isyu. Ang mga nagaganap sa ating gobyerno
at sa mundo ng pulitika. Marunong silang mag-analisa, at sumagot sa isyung
itinatanong sa kanila. Sa mga usaping apektado ang bansa at mamamayan. Alam
nila kung sino at kung bakit nila iboboto ang isang kandidato.
Ang pangalawa ay ang “the
fanatics. Dito kabilang ang mga alagad o tagasunod ng isang pulitiko. Sa
kanila, kahit pinakamasama o
pinaka-mandarambong pa ang kanilang susuportahan ito pa rin ang kanilang
iboboto. Ang motto ng mga ito ay “walang iwanan”. Ang kanilang iniisip ay
sariling interest at ng kanilang iniidolong pulitiko, hindi ang kapakanan ng ating
bansa at mga mamamayan.
Pangatlo ang “the mercenaries.” Sila ang mga
botanteng “bayaran”. Wala silang
pakialam sa kung ano ang mangyayari o kahihinatnan ng ating bansa sa lider na
kanilang iboboto. Ang pangunahin nilang layunn ay ang salapi o pakinabang na
kanilang makukuha sa oras ng eleksiyon.
Pang-apat ang “the ignorant.” Sila ang klase ng mga
botanteng “walang alam”. Kapag tinanong sila tungkol sa isang isyu na
pinag-uusapan ay kadalasang walang maisagot. Kung meron man, irrelevant ito at
malayo ang pagkaka-intindi niya sa topic. Unfortunately, maraming ganito sa
ating voting populace, ganoon man 50-50 ang kanilang boto. Sila kasi ang puwede
at madaling ma-impluwensiyahan ng magkabilang partido na naglalaban sa
eleksiyon.
Pang-lima ang “the silent majority. Nasa hanay ng mga
botanteng ito ang “undecided” voting
populace. Not necessarily, na wala silang alam pero ang siste, “ayaw munang makialam”. Sa kanila posibleng
nakahalo ang ibang thinking class, at ignorant na tahimik lang at ayaw munang sumawsaw
sa mga isyu. Sila ang kapag nagdesisyon ay kapag nasa presinto na para bumoto
kaya walang nakaaalam kung sino ang kanilang susuportahang kandidato.
At ang ika-anim at pang-huli
ay ang ‘the flock. Dito kabilang ang
mga botante na kaanib sa iba’t ibang religious organization. Pagkaka-isa at ‘di
pagkakahati-hati ng magkakapatid ang kanilang itinataguyod. Ganoon man, iisa
lang ang nalalaman kong gumagawa ng ganito. Ang iba ay watak-watak pa rin
although, ang impluwensiya ng
kani-kanilang mga religious leaders ay may malaki ring bentahe sa kanilang mga
member kapag nag-endorso.
So, kung ang ang
presidential bid ni VP Binay sa 2016 ang ating pag-uusapan, tiyak na “bagsak” na siya sa “the thinking class”. Ganoon man, babawi
siya sa kanyang mga “the fanatics”
pero ‘di ito sapat para siya ipanalo. Kailangan niyang maglabas ng maraming “gold” para ipambayad sa “the mercenaries”. Kung broke siya sa oras ng eleksiyon at
walang campaign funds na pumasok, ang posibleng balingan niya ay ang “the ignorant”. Nasa hanay ng mga ito ang puwedeng bolahin,
pagsinungalingan, o linlangin.
PERO,
sabi ko nga, 50-50 ang labanan dito, “pagalingan
ng panliligaw” kung baga. Kung mas magaling mag-speech ang kalaban ni VP
Binay at maipaliliwanag sa mga ignorant ang “katotohanan” para sila imulat sa tunay na isyu, puwedeng mabaling
sa kanila ang suporta. However, kung magaling naman si VP Binay sa mga promises
at sasabihing “kung ganito kami sa
Makati, ganito rin ang gagawin ko sa buong Pilipinas” habang nagbibigay ng
tig-iisang cake sa mga taong nakikinig sa kanyang campaign speech, posible ring
sa kanya bumoto ang mga ito.
Kapag hindi pa rin nakakuha
ng sapat na suporta sa hanay ng mga botanteng, the fanatics, the mercenaries
and the ignorant, si VP Binay, tiyak na sa “the
silent majority” siya kakalap na kapupunan ng kanyang boto para manalo. Dito ay ‘di siya nakasisiguro. Maaring silent
lang ang mga botanteng kabilang sa mga ito, pero meron pala silang alam sa mga nangyayaring
kaganapan at mga isyu na naglalabasan. Puwede ring wait and see lang muna sila
at ‘di makapagdesisyon dahil di pa sumasagot si VP Binay sa mga akusasyon ng
katiwalian na ipinupukol sa kanya. Na kapag nanatiling nagtago, umiwas at ‘di
humarap si VP Binay sa Senate inquiry, para linisin ang kanyang pangalan at
pagkatao, maaaring “guilty” ang
maging “verdict” sa kanya ng the silent
majority at dedesisyunan nila ito pamamagitan ng balota.
Maari namang mahirapan si VP
Binay kung ang boto ng “the flock” ang
pag-uusapan He must “clean his hand
first” bago siya lumapit sa mga ito at kunin ang pag-endorso. May kinalaman
sa moralidad ang isyu na ibinabato sa kanya. Ang “pandarambong” at “pagsisinungaling”.
Kung ngayon pa lang ay umaatras siya, nagkukubli at ayaw harapin ang mga taong
nag-aakusa, wala siyang mukhang maihaharap sa mga religious organization na ito.
Ewan ko lang kung may “magpapabayad”
o “magpapabola” sa kanila at the
expense of their own flocks. Alam ng mga kaanib sa mga religious organization
na ito na “hindi nagtago” si Jesus Christ nang akusahan at litisin
sa salang ibinibintang sa KANYA. Hinarap niya ito, kahit alam niya na dalamhati,
at pagdurusa ang kanyang kakaharapin habang nakapako sa Krus.
Sa Senate hearing, hindi ipapako
si VP Binay sa krus. Sa halip, gusto siyang mabigyan ng tsansang linisin ang
kanyang pangalan at pagkatao. Kung baga sa putik, pinaliguan siya ni Vice Mayor
ng “mabahong burak”, and now it’s
his chance para “maligo” sa banyo ng
senado at sabunin ang burak na iyon na ikinulapol sa kanya. No more alibis,
reasoning, etc, etc, na tila baga ginagaya si Floyd Gayweather sa pag-iwas nito kay Pacquiao. Sagutin niya
ng face to face kung “totoo o hindi”
ang bintang na katiwalian ng dati niyang “disciple”
na si Vice Mayor Ernesto Mercado, at ang mga dokumentong iwinawagayway na
ebidensiya laban sa kanya.
Remember, hindi spokesman ni
Jesus Christ ang nagsasalita at humaharap para sa kaya at lalong hindi rin
isang “piece of paper” ang ipinadala nito kay Pilato para pabulaanan ang
mga paratang sa kanya. The son of GOD
humbly submitted HIMSELF and embraced with love the people who accuse and nailed
HIM in the cross. Vice President Binay is
not yet the President of the Republic of the Philippines, but he thought that in his position now, he is already “high and mighty”. Paano na kung siya na
ang nasa top position?
Anyway, in my dreams, I saw,
VP Binay lost in 2016 Presidential election. Ang aabangan ko na lang ay kung
magkakatotoo ito o hindi.
No comments:
Post a Comment