President Noynoy Aquino
Isa na marahil sa pinaka-tragic
incident next to the massacre of several dozens of media practitioners in
Maguindanao was the massacre of 44 policeman from the Special Action Force (SAF) team
last Sunday in Mamasapano. Maging ako ay na-schock dahil sa dami ng mga pulis na
naging casualty at hindi ito karaniwang nangyayari. Hinintay ko ang kagyat na reaction ng Malakanyang particularly ng
ating presidente. Pero after a couple of days saka lang niya binasag ang
kanyang pananahimik at ito ay nang may mga lumabas na report sa pahayagan na
involved sa clandestine operation ng SAF sa Maguindanao ang paborito pero
suspended PNP chief ni P-Noy na si General Purisima.
Sa speech ni President
Noynoy, isa ako sa nakapakinig nito pero nadismaya ako pagkatapos. What I saw in
him was a leader who just washed his hands. Parang si Pilato na naghugas lang ng
kamay upang umiwas sa kasalanan nang hatulan nito si Hesus at ipako sa Krus. Ganoon man, si P-Noy ay hindi
si Pilato, sa pananaw ng nakararami, siya dito ang nagsisilbing HUDAS kaya nasakripisyo ng
44 na buhay ng SAF members na ipinain sa lungga ng mga leon (MILF/BIFF lair) sa
pagmamando ng ‘di umano'y paborito niya pero suspendidong PNP chief na si General Purisima. Sa hinihinging
categorical answer sa categorical question na ibinato ng reporter kay P-Noy after his speech, who ordered
the SAF operation, halatang iwas pusoy at nangangapa siya sa pagsagot kaya di kataka-takang maraming nagduda sa
credibility ng kanyang mga pinagsasabi.
Nang magbukas ako ng FB,
nakita ko dito ang GALIT ng mga Netizens. Kung sa Mindanao ay mga balang
nagbabaga mula sa nagdidigmaang sundalo at rebelde ang nagsasalimbayan, sa mga
comment box naman ng mga Netizens ay mga masasakit na kataga ang umaalingawngaw.
Muslims and Christians engaged in a
fiery “word war”, but majority of the
comments here rules, wika nga. Mas nakahihigit ang mga dismayado, nagagalit, napopoot,
at mga diskuntentong Netizens sa nangyaring massacre.
The insensitivity of
President Benigno Aguino Jr. had shown again at naging trending pa sa buong
mundo nang sa halip na salubungin ang mga labi ng mga nabiktima ng massacre bilang AMA ng ating bansa at nagsisilbing Commander in Chief ng Hukbong sandatahan ng Pilipinas, mas
naging priority pa niyang puntahan ang isang ‘di naman kasing sensitibong lakad
na nasa kanyang itinerary. May nag-post
pa na bakit si US President Obama ay nagawa ito at si President Aquino ay
hindi?
Para namang adding insult to
injury, naging tila “gatong” na nagpaalab sa emosyon at galit ng mga Netizens
ang sinabi ni Secretary Coloma na wala raw sa schedule ni P-Noy ang pagsalubong sa
mga bangkay ng tinatawag nating mga “fallen heroes”.
The Fallen heroes
Kung nag-iisip si P-Noy at
ang kanyang mga taga-bulong sa Malakanyang, anong klaseng utak kaya meron sila?
Are they in their right and sound mind? Ito
ngayon ang itinatanong ng marami nating kababayan.
Kung ako ang pasasagutin sa
tanong na ito, sa aking pananaw, P-Noy was not in his right mind as well as
those bunch of advisers surrounding him. Kung baga sa larong chess, bagamat nag-iisip
sila ng kanilang next move, “palpak” ito at patungo sa mas disadvantage na
posisyon. Kulang sa pag-aanalisa kung
angkop ba ito sa sitwasyon o hindi. Dito ko lalong na-validate,
kung anong klaseng lider si P-Noy.
Hindi na ako nagtataka kung
bakit ganoon na lang ang emosyong ipinakita sa kanya ng mga kaanak ng mga
nabiktimang SAF members habang nag-i-speech siya sa harapan ng mga ito kahapon.
Sa screen ng telebisyon ay kitang-kita ang mga nakarehistrong galit,
sentimyento at kinikimkim na sama ng loob sa mga mukha nila. Kahit gaano pa
karaming papupuri at pangakong ayuda sa mga pamilya ang sinasabi ni P-Noy. I
doubt, kung napaglubag niya ang mga kalooban nito at kung tinablan ba siya sa mga nang-uusig na expression ng mga mukha ng mga kaanak habang siya ay nagsasalita.
Sa aking mga komentaryo lagi ko nang nabanggit ang isa sa numero unong nasasalamin ko sa pagkatao
ni P-Noy. Ang kanyang pagiging insensitive o manhid. Bakit kaya siya ganito? Habang tinatanong
ko ang aking sarili, nasulyapan ko ang mga dukhang bata na masayang naglalaro
sa labas ng baril-barilan. Mga batang ‘di alintana ang mga nangyayari sa
paligid. Mga batang ‘di ramdam ang problema ng mga naghihirap nilang
magulang. Kung meron silang isasaing, o kung ano ang magiging kapalaran nila sa kinabukasan. Napansin kong lumapit ang
isang mas nakatatandang bata sa isa niyang kalaro na may hawak na pellet gun.
Inutusan nitong puntiryahin ang bombilyang nasa poste. Hindi nagdalawang isip ang
batang inutusan sa kung ano ang maaaring epekto o idudulot ng kanyang
gagawin sa iniuutos ng kanyang
kabarilan. Tinudla nga niya ang bombilya and “boom”, basag ito. Naging sunod-sunuran ang bata sa utos at udyok
ng kanyang kabarilan dala na rin ng kanyang kakulangan sa malawak na pang-unawa o isip. "Isip-bata" kung baga. This
made that boy insensitive sa kung ano ang epekto at ibubunga ng pagkabasag ng ilaw sa poste. Ang kawalan ng ilaw at kadiliman ng lugar na iyon sa gabi.
Sa eksenang iyon ko nakita
ang hinahanap kong sagot sa aking katanungan tungkol sa ating presidente dahil sa kanyang mga ginagawang insensitive decisions.
Manalangin po tayo
Panginoon po naming DIYOS,
muli na naman po kaming lumalapit at dumudulog sa iyo. Isa na namang trahedya
ang naganap at pinagbuwisan ng buhay ng 44 na SAF member. Sila na may mga
inulilang asawa, anak at mga magulang na ngayon ay tumatangis at
nagdadalamhati sa kanilang kamatayan. IKAW po ang higit na
nakababatid ng lahat sa kung sino ang may mga kagagawan ng kanilang
pagkakapahamak. Totoo pong atas ng kanilang tungkulin ang kanilang ginampanan.
Tungkuling maaaring pagbuwisan ng
kanilang mga buhay. Ang hindi lang po katanggap-tanggap sa nangyari ay ang
kapabayaan at pagiging iresponsable ng mga taong may kinalaman sa pag-aatas sa
kanila ng mapanganib na misyon. Mistula po silang mga "gamo-gamong isinugba sa
apoy" at ipinain sa tiyak na
kapahamakan at kamatayan. Sa ngayon ay may mga namumunong wala raw po silang
alam sa ginawang operasyon, meron ding naghugas na ng kamay, at hinugasan ang
kamay ng ibang involved dito. Ganoon man, sa pamamagitan mo o, DIYOS,
mapapalitaw ang katotohanan.
Idinadalangin din po namin
sa IYO, na nawa’y mabigyan ng karampatang hustisya ang mga kawawang pulis na nasawi. Haplusin mo rin po ng iyong mapagpalang kamay at papaglubagin ang
kalooban ng mga naulilang mahal nila sa buhay. Bigyan mo po sila ng
kaaliwan sa kanilang mga puso at nawa’y
kupkupin mo ang mga kaluluwa ng mga bayaning pulis sa iyong kaharian.
Sa aming mga mamamayan,
panatilihin mo rin po sana kaming kalmado sa lahat ng oras at pagkakataon.
Totoo pong bumabaha sa emosyon ang bawa’t isa. Nagkakaroon po ng tunggalian ng
kani-kanilang mga paniniwala at ideolohiya. Ganoon man, IKAW o DIYOS ang hari
ng kapayapaan at pag-ibig. Sa kabila ng mga nagaganap, sumasampalataya po
kaming ipasusumpong mo pa rin ang inaasam naming kapayapaan sa bahagi ng
Mindanao. Kapayapaang naging mailap sa kabila ng ilang dekadang lumipas at
ilang lider ng aming bansa na nagpalit-palit.
Ang lahat po ng ito ay
hinihiling namin sa IYO, o DIYOS, sa pangalan ng aming tagapagligtas at
panginoong HESUKRISTO.
Amen
Amen
No comments:
Post a Comment