Monday, February 2, 2015

The Cause of the Evil Caused



Sa mga nababasa ko, hindi pa nagsisimula ang Board of Inquiry na nagmula mismo sa hanay ng kapulisan at sisiyasat daw sa kung ano ang tooo at tunay na nagyari sa tinatawag nilang Operation: Wolverine na pinagbuwisan ng buhay ng elite 44 SAF members, sa Mamasapano Massacre (encounter),  marami nang nagpahayag na gagawa rin ng mga ganitong parallel investigation, ang MILF, AFP,  Ombudsman, CHR at maging ang ating mga legislators. Ganoon man, may nagpanukala sa Senado sa pangunguna ni Senator Guingona, na bumuo na lang ng Truth Commission para makasigurong hindi ire-railroad ang gagawing pagsisiyasat dahil nga sa mga personalidad na sangkot. Sa personal kong pananaw, kahit sino pa sa kanila ang gumawa ng pagiimbestiga,  isa lang ang dapat nilang mapalitaw sa hinahanap nating katotohanan. That “ONE” who cause the “EVIL” caused. 

Sa speech ni President PNoy Aquino after a couple of days ng pananahimik mula nang mapatay ang 44 SAF members, agad siyang naghugas ng kamay at hinugasan din niya ang kamay ng paborito niyang suspended Police General at PNP Chief na si Purisima.  Sinibak din ang SAF commander na tila umako na ng responsibilidad sa kapalpakang nangyari. Ganoon man, malaki rin ang hinanakit ng karamihan sa ating mga mamamayan particularly ng mga naulila ng 44 fallen SAF members sa AFP.  Kung tutuusin ay napakalapit  nila sa lugar ng labanan, pero nabigo silang  maka-ayuda o sumaklolo sa naiipit na SAF operatives na kinabibilangan ng 44 na nasawi. Kahapon ay may nagpahayag na mula sa AFP na nakahanda na raw sana silang sumaklolo pero ang itinuturo naman nila ay ang halos 300 SAF members na nasa tabing karsada at kasama sa operation, pero sa halip saklolohan ang mga kasama,  pinakikiggan lang nila ang nagaganap na putukan. Ayaw din daw silang samahan sa lugar ng battleground gayong naroon naman daw ang ground commander ng SAF.

Kung totoo ang mga alegasyong ito, bakit? Mga kapwa SAF members ng fallen 44, ayaw sumaklolo sa kanilang mga naiipit na kasamahan? Kanino ba humihingi ng order ang SAF ground commander sa hindi nila pagkilos? O ang AFP sa di nito pagsaklolo? Ang babaw yatang katuwiran na ayaw lang silang samahan, hahayaan na nilang “malipol” ang mga nakikikipagbakbakan sa MILF? Bakit ayaw namang umayuda ng mga SAF members na naroon gayong bahagi naman sila ng Operation: Wolverine? Bakit hinayaan ng kanilang ground commander  na maubos ang kanyang mga tauhang nasa lugar ng bakbakan? Natakot?  Naduwag? O, may nag-utos sa kanila na huwag sumaklolo at hayaan na lang mangamatay ang mga SAF members nan a-trap sa labanan? Ito ang ilan sa mga katanungan na gusto kong masagot.  Then, nag-leak na ang balitang tinawagan diumano ni Secretary Deles, isa sa ating government peace talk negotiator si President P-Noy. Ang ini-advised daw nito ay huwag magpadala ng reinforcement dahil mas binibigyang consideration nito na huwag maapektuhan ang pakikipag-peace talk sa MILF. Kung totoo ang lahat ng ito at lalabas sa gagawing imbestigasyon ng Truth Commission, ang lahat ng “SISI” at “SALA” ay kay President Noynoy Aquino mabubunton. Ito ang pinakamalaking “blunder” niya sa panahon ng kanyang pagiging Presidente and as a Commander in Chief. Si PNoy ang nagdedesisyon kahit sandaang adviser pa niya ang magpayo sa kanya  at siya rin ang titimbang at mag-aanalisa kung tama o mali ang payo ito ayon sa kanyang “talino” “huwisyo” at “kunsensiya”. 

Kung natatandaan ninyo, kauupo lang ni P-Noy sa puwesto nang maganap ang Luneta hostage tragedy na ikinamatay ng ilang Hongkong national. Ang pagiging incompetent lider niya ay nakita natin sa unang pagkakataon.  Ngayong malapit na siyang manaog sa puwesto, isa na namang pangyayari ang sumubok sa kung anong klaseng lider si President PNoy Aquino. Hindi na naman natin siya kinakitaan ng katalinuhan ng isang tunay na lider ng bansa. Bilang Commander in Chief, he admitted that he knew the operation. Isa ring kasinungalingan na sa laki ng binuong team na magsasagawa nito, wala siyang alam.  DILG Secretary Mar Roxas and OIC PNP Chief Espina denied having knowledge of it. So, it’s impossible na ang SAF Commander lang ang may call nito at wala siyang basbas o kaya ay ang kanyang pinagkakatiwalaang suspended PNP chief na si Purisima.

Naganap na ang lahat at wala na tayong magagawa. Totoo ring naging sensitibo at emotional ang karamihan. Maraming katanungang gusto nating sagutin, maraming kuwento  at haka-hakang naririnig, marami ring nagtuturuan who is to blame. May mga nag-deny at naghugas na rin ng kamay. Ganoon man, isa lang ang masasabi ko at gusto kong ibahagi  sa lahat. Sa batas ay may legal maxim na: “HE who is the cause of the cause, is the cause of the EVIL CAUSED.” 

Who is the cause of the evil caused in this particular blunder?  

No comments:

Post a Comment