Saturday, February 21, 2015

Anong Klaseng Lider si Presidente Noynoy Aquino? (Part 2)

President Benigno Aquino III


Noong July 27, 2014, nagkomento na ako sa kung sino, at anong klaseng Presidente si Noynoy Aquino  bilang lider ng ating bansa. Dito ay inilarawan ko siya bilang “lider na may makitid na pag-iisip”, “lider na walang alam pero nagmamarunong”, “lider na manhid”,  “lider na walang pulso” at “lider na kunsintidor”. Binanggit ko rin na Ilan lang ito sa depekto ng leadership ni President Noynoy Aquino at sa susunod ay dadagdagan ko pa base sa aking sariling pananaw o obserbasyon. Makakalimutan ko na sana ito pero nang maganap ang Mamasapano Massacre, sa ibang tao na nanggaling ang obserbasyong idaragdag ko sana dito. Ito ay ang sinabi ng actor na si Jomamari Yllana sa social media sa pagsasabing si President Noynoy Aquino di-umano ang “pinaka-tangang naging Presidente sa kasaysayan ng Pilipinas”. Sesegundahan ko na lang ang pananaw na ito ng actor dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na ito ang katotohanan. 

Kabaligtaran sa mga taong nagsasabing “matalino raw” ang ating presidente, sa mga binibitiwang “salita” mismo ni Noynoy masasalamin ang kanyang “katangahan”. Hindi na ninyo kailangang maging expert para ito malaman dahil mula’t sapul nang siya’y maupo sa puwesto, “palpak” na agad ang kanyang naging pamumuno. Naaalala ba ninyo ang Luneta hostage tragedy kung saan binale-wala niya ito at itinuring na ordinaryo lang pero napakalaking impact ang ginawa nito sa buong mundo. His “lack of concern”, “lack of foresight”, “lack of control” and “lack of wisdom” showed here.  Naulit ito by “not correcting his own mistakes” in the past, sa Mamasapano massacre kung saan dito natin nasukat ang tunay na  level ng kanyang pamumuno at paghawak sa sitwasyong “maraming buhay” ang nakataya. Ang nasa isip kaya ni PNoy ay puwede pang ibalik ang buhay ng tao kapag na “game over” na o itinulad niya ang Operation: Exodus sa pelikulang Edge of Tomorrow nina Tom Cruise at Emily Blunt kung saan ang pinaka-tema nito ay: LIVE. DIE. REPEAT 

Pansinin din natin ang mga “line of word” na isinasagot niya sa mga sensitibong katanungan na nae-encounter niya particularly noong mapaslang ang isang transgender at ‘yung mga isinagot ni PNoy sa mga kaanak ng fallen 44. Base sa kanilang pagkukuwento, maraming nadismaya sa sagot ni PNoy sa kanilang mga katanungan. Kumuha tayo ng isang saknong sa katagang binitiwan di-umano ni Noynoy na nalathala rin sa pahayagan:
 
"Ano gusto nyo gawin ko, kunin natin ang fingerprint ng mga kalaban?" President Noynoy Aquino (P-Noy) reportedly told one SAF family. "Namatay rin ang tatay ko, alam ko pakiramdam niyo kaya patas na rin tayo ngayon.”

OMG! Ito ba ang mga salitang dapat namumutawi sa bibig ng isang lider ng bansa? Presidente ang nagsabi nito at hindi isang “kanto boy”. By reading between the lines, this word connotes “arrogancy”, and “unsympathetic”. Si PNoy ay naroon to meet and console the aggrieved relatives of the fallen 44, pero sa halip  na makagaan, lalo niyang dinagdagan ang bigat sa dibdib ng mga naulila and to the very least, nagpakulo ng dugo sa kanila.

Na-peke ako, ikaw kayo, tayo ng presidenteng ating ibinoto noon, at magsisi man tayo ngayon, wala na tayong magagawa. Akala ko kasi’y “like father, like son”, but in this particular case hindi pala ito totoo. Katawan lang pala ang tumanda at nag-grow sa anak pero hindi ang isip and we are very unfortunate for having a leader like him


No comments:

Post a Comment