Saturday, February 21, 2015

Between the Devil and the Deep Blue Sea



Sa naganap na Mamasapano massacre, maraming mamamayan ang sobrang  nadismaya at nagalit sa administrasyong PNoy. Naging emotional sila dahil sa kamatayan ng fallen 44 na ibinuwis ang buhay habang ginagawa ang tungkulin at pagpapabaya naman ni President Noynoy Aquino bilang Commander in Chief na pasaklolohan “at all cost” ang mga pulis na isinugba nila sa “pugad ng mga halimaw” na halos kumatay sa kanila. Ito naman ang sinasamantala ngayon ng mga sector na nagnanais patalsikin si PNoy sa puwesto.

Kung ako ang tatanungin, “silent” ako sa bagay na ito. Totoo na labis  akong nadidismaya sa liderto ni PNoy Aquino. As a matter of fact, I am very vocal criticising him and his administration sa mga palpak niyang desisyon. Ganoon man, sa aking pananahimik, gumagawa ako ng sarili kong pagbubulay-bulay. Tinitimbang ko ang mga advantages at disadvantages, kung makabubuti ba ito o mas makasasama. Kung sino ang papalit sa kanya, etc, etc.

Habang ako’y nagmumuni-muni, inilagay ko ang aking sarili sa katayuan ng isang “pasahero” ng barkong naglalayag sa malawak, malalim at kulay bughaw na karagatan. Wala akong natatanaw na isla o lupang maaari naming paglunsaran. Anim na taon ang kailangang hintayin bago kami makarating sa  pampang ng “Hope Island” na aming patutunguhan. Ganoon man, napakaraming insidente, trahedya, sakuna at kalamidad kaming dinanas sa paglalakbay. Ito ay sanhi ng kapalpakan ng pilotong humahawak sa timon ng barko. Ang “tuwid na daan” na kanyang sinabi ay “lumiliko” na kinalaunan. Dahil sa mga palpak at tiwali niyang mga co-pilots maraming pasahero na ang nagagalit. Ganoon man, manhid at matigas ang ulo ang piloto. Wala siyang pinakikinggan kung hindi ang “bulong” ng kanyang mga alipores kahit nagkakaleche-leche na ang ginagawa niyang pagtitimon. Ang huli ngang kapalpakan niya sa pagpipiloto ay nagbunga ng 44 na buhay na kanyang isinakripisyo. Umugong ang bulung-bulungan ng mutiny. Gusto ng ibang pasahero na idispatsa na ang piloto ng barkong aming sinasakyan. Pero siino ang ipapalit sa kanya? Ang kanyang co-pilot?

Ang totoo, habang naglalakbay kami, ‘yung Co-pilot ng Piloto ay inaakusahan na ng ga-bundok na katiwalian at pandarambong. Mga akusasyong ayaw nitong sagutin at panay lang ang “deny” sa kabila ng mga testigo at ebidensiyang ipinakikita ng nag-aakusa sa kanyang “co-conspirator” at “best friend”. Ito ba ang ipapalit sa dating piloto ng barko na bagamat incompetent ay wala pa namang kaso ng pandarambong? No way. Baka sa halip na sa Hope Island dalhin ang sinasakyan naming barko ay idiretso niya sa teritoryong gusto niya, ang “Isle of Hell”. Isang islang pinamumugaran ng mga magkakalahi at matatakaw na buwitre, buwaya, pating at linta. Posible ring palayain niya ang mga buwayang nakakulong na sa sinasakyan naming barko at kasalukuyang nililitis sa salang “pandarambong”. Iisa kasi ang kanilang mga kulay.

Dito ako medyo natauhan. Isang taon na lang ang aming titiising paglalakbay patungo sa  Hope Island at puwede na kaming pumili ng piloto na titimon uli sa sasakyan naming barko sa susunod pang anim na taon. Bakit makikipagsapalaran pa kami sa hahaliling piloto for a period of one year? Or another six years (in hell?) At this point and time, we all knew what kind of leader we had, but we also knew what kind of person his successor is. I already defined them in my previous articles here in my blog. So, between the “devil” and the “deep blue sea”, saan kayo? Kung ako ang tatanungin, magtitiis na lang akong magpalutang-lutang sa deep blue sea. 

One year is not too long to wait, kaysa naman sumakay ako sa barkong devil ang piloto na kasama kong  maglalakbay sa panibagong anim na taon. 


No comments:

Post a Comment