Sunday, February 15, 2015

Mamasapano Massacre: A Tale of Cover-up, Connivance, and Sacrificial Lamb




Bilang isang ordinaryong observer sa nagaganap na Senate investigation about Mamasapano Massacre para akong nakaharap sa isang transparent glass wall, kung saan nagagawa kong i-identify sa mga nagtatanong na senador at congressman ang bobo, matalino, pelengkera’t palengkero, at nag-aabugado kay President PNoy Aquino at sa AFP. Ang layunin ng naturang imbestigasyon ay para malaman ang “katotohanan” at makamit ang “katarungan”. Hindi na siguro kailangang maging eksperto para makabuo ng sariling conclusion ang isang ordinaryong tao na katulad ko. Malinaw na “alam” ni President Benigno Aquino III ang nagaganap na operation: Exodus sa Mamasapano Maguindanao. 

Kung natatandaan ninyo, si PNoy mismo ang nagsabi sa kanyang speech noong January 31 na “maaga” pa ay nakakatanggap na siya ng mga impormasyon tungkol sa nangyayaring encounter. Ganoon man, taliwas ito sa sinabi ng kanyang mga kasama sa Zamboanga na sina Secretary Voltaire Gazmin, Secretary Mar Roxas at AFP Chief Gregorio Catapang na di raw nila ito sinabi sa kanilang Commander in Chief. So, sino ang nagsabi o nagbibigay ng impormasyon kay PNoy? Si General Purisima? Para tuloy “isdang nabingwit sa sarili niyang bibig” si PNoy, at halatang may “cover-up” namang ginagawa ang mga tinanong na AFP Chief, Defense at DILG Secretary.

Sa hindi pag-reinforce agad sa beleaguered SAF members na inabot ng napakahabang oras, maliwanag ding nagkaroon dito ng “connivance” on the part of the Commander in Chief (President), General Catapang (AFP) at ang GRP panel headed by Secretary Deles. By reading between the lines, what they were talking, sa mismong mga bibig din nila, sila nahuhuli. Mas “priority” nila ang umiiral na cease fire sa MILF kaysa sa buhay ng mga SAF members na naiipit sa engkuwentro. Kaya ba isinakripisyo nila ang buhay ng 44 SAF members in favor of the MILF?

Sa mga naririnig kong alibis at reasoning sa di agad pagsaklolo sa 44 SAF members, kung ano-anong military rules, doctrines, etc., etc, ang pinagsasasabi ni General Pangilinan at ng nag-aabugado sa kanilang si Senator Trillanes, pero sa isang taong nag-iisip at nag-aanalisa sa mga pangyayari, hindi ito katanggap-tangap. Maraming “buhay” ng kanilang mga comrade in arms ang nakataya, and yet, they valued most those doctrines of them, just to justify their in-action. Ganoon nga ba? O, palusot na lang din nila ito, dahil ang totoo, mas pinaboran ni PNoy ang advice ng GRP Panel na huwag agarang magpadala ng saklolo kaya halos nalipol ang fallen 44.?

The truth shall set us free. Ito ang kanilang bukang-bibig, but this truth “held hostage” by these people who made cover-ups and connivance in front of the eyes of Pilipino people. So, what justice shall the fallen 44 and their aggrieved relatives expect from them? Nothing.  Sa naglabasang mga videos na ating napanood sa ginawang brutal na pagpaslang sa kanila ng mga kalaban, tayong mga ordinaryong tao ay labis na nahambal sa ating nakita at di naiwasang naging emosyonal. ‘Yun kayang mga taong involved at nagsubo sa fallen 44 sa “pugad ng mga halimaw” na kumatay sa kanila, hindi kaya nahambal din dito? Particularly the Commander in Chief who failed to  order his brave (excuse me, coward pala) AFP Chief to rescue  them “at all cost?” How about the GRP panel headed by Secretary Deles who is “sleeping with the enemy?” Hindi na ako  nagtaka nang sabihin ni Iqbal during his press conference after the last senate inquiry na mas “lalo raw silang nagtiwala” sa gobyerno ni PNoy sa  pakikipag-peace talk sa kanila dahil sa Mamasapano encounter.

It's true, but at the expense of the fallen 44, bilang “sacrificial lamb” ganoon ba?

No comments:

Post a Comment