Isang maituturing na editorial image na ginawa
ng isang Netizen reflecting what kind
of leader we have now in the
Philippines
Kamakailan, malinaw ang
narinig kong sinabi ni Senator Osmena
nang ilarawan niya kung anong klaseng lider si PNoy. “Super hard headed” daw ito.
Meaning, sobrang matigas ang ulo. So, minabuti kong idagdag ang kanyang
pananaw na ito tungkol sa kung anong klaseng lider si President Noynoy Aquino. May punto siya sa pagsasabi nito. Kailan ba
pinakinggan ni PNoy ang sinasabi niyang boss daw niya? Maraming umaray sa
pagtaas ng MRT fare? Pinakinggan ba niya ang mga ito? Hindi po. Yung mga
incompetent at tiwali niyang cabinet secretary na isinusuka ng taong bayan at ipinasisibak sa kanya, pinakinggan din ba
niya? Hindi. Marami pa pong pangyayari in the past na nagpapakita ng katigasan
ng kanyang ulo, kaya dapat lang na isama ito sa kung anong klaseng lider meron
tayo.
Dumako naman tayo sa latest
speech ni President Benigno Aquino III. Mahigit nang isang buwan mula nang
mangyari ang Mamasapano massacre pero kung baga sa kumunoy, ito ang patuloy na humihila pababa sa
kanya. Sa bawat “buka” ng kanyang
bibig, lalong nakikilala kung anong klaseng lider meron tayo. So, nadagdagan na
naman ang humahaba kong listahan kung anong klaseng lider si President Noynoy
Aquino. Ayon sa kanya, nabola raw siya ni General Napenas sa isinagawang
Operation Exodus na nagresulta sa kamatayan ng fallen 44. Dahil dito, siya ang “lider na madaling bolahin”. Sa kagustuhan niyang isalba ang sarili, at ang kanyang best friend forever na
si General Purisima sa pananagutan sa Mamasapano massacre, kay General Napenas
niya ibinunton ang sisi. So, tatawagin na rin natin siyang ang “lider
na maninisi”. Sabagay, hindi na ito
bago. Di nga ba’t lagi niyang isinisisi kay ex President Gloria Macapagal
Arroyo kapag may palpak na nangyayari sa kanyang administration gayong halos
malapit nang magtapos ang kanyang termino?
Idaragdag ko na dito ang
isang pinaka-pangit na ugali ni PNoy bilang lider. Siya ang “lider
na sinungaling”. Bakit? Sa
paulit-ulit ko kasing pagbabasa sa kanyang mga naging speech mula noong humarap
siya after Mamsapano massacre hanggang nitong huling mag-speech siya sa harap
ng mga spiritual leaders, ang daming inconsistencies akong nakita sa kanyang
mga naging statement. Kung nasa harap siya ng korte at ganito ang kanyang
magiging pahayag, tiyak na talo na siya sa kaso
Hindi kaya hinihimay o pinag-aaralan muna ni PNoy ang kanyang mga pinagsasasabi
bago ito sambitin sa harap ng publiko? O, iniisip niyang mga tanga ang taong
bayan at hindi nag-aanalisa? Lies, lies and lies. Ito ang ibinubuka ng bibig ni
President PNoy sa bawat katagang binibigkas niya. Ebidensiya ito na
nagsisinungaling siya at tayong taong bayan ang kanyang binobola.
No comments:
Post a Comment