Saturday, March 14, 2015

Mamasapano Report: The “Proximate Cause” and the “Cause of the Evil Caused”



Naisa-publiko na ng Board of Inquiry ang Mamasapano Report. May kanya-kanya nang ginawang conclusion ang iba, particularly, DILG Secretary Mar Roxas who immediately cleared President PNoy Aquino in any responsibility, and put all the blame to suspended General Purisima. Bilang isang ordinaryong mamamayan na nag-aanalisa sa nangyari, tatlong pangalan ang lumilitaw na may pananagutan sa pumalpak na operation: Exodus. Si President Aquino, bilang Commander in Chief, suspended PNP Chief General Purisima and SAF Commander, General Napenas. Himayin po natin ang report na ito ayon sa aking sariling obserbasyon

Una: Bilang Commander in Chief,  alam ni President PNoy Aquino na suspendido ang best friend niyang si General Purisima, and yet hinayaan niya itong umeksena sa isang maselan na operation kung saan maliwanag pa sa sikat ng araw na nakikipag-ugnayan pa nga siya dito habang nagaganap ang Operation Exodus. (proximate cause)

Pangalawa: Dahil suspended, hindi papapel si General Purisima at eeksena sa naturang operation kung walang “basbas” sa kanya si President PNoy. So, kahit ano pa ang ikatuwiran dito ni PNoy, ang briefing na ginanap sa Presidential residence a couple of weeks, bago isinakatuparan ang operation, kung saan kasama ni General Napenas si General Purisima with the intelligence chief ay isang malinaw at tandisang paglabag sa chain of command. (another proximate cause)

Pangatlo: Ang sinabi ni General Purisima kay General Napenas na huwag munang sabihin kay DILG Secretary Mar Roxas at OIC PNP Chief Espina ang operation kung saan time on target ang kanilang napagkasunduan ay hindi isang advice kung hindi isang order. 

Pang-apat: Kung kayo si General Napenas at ito ang sinabi ng PNP Chief na although suspended ay kinukunsinti pa rin ni President PNoy bilang Commander in Chief ninyo, at hinahayaang makisawsaw sa operation susuwayin ba ninyo ito? Kapag sinabi ninyong oo, masahol pa kayo sa ipokrito. Maski kayo ang lumagay sa katayuan, ni General Napenas and knowing na bukod sa best friend ito ni PNoy ay sobrang pagtatanggol ang ginagawa dito ng  Commander in Chief, ang pangingilag ang iiral sa inyo which is normal at instinct sa isang mas mababa ang ranggo. Gets ba n’yo?

So, itinuloy ang operation Exodus. Napatay ang international terrorist na si Marwan pero at the expense of the fallen 44. Sino naman ngayon ang ating sisisihin sa dami ng mga nangamatay na SAF? Muli, nagtuturuan na naman kung sino ang may pananagutan dito? Si President Benigno Aquino III, Si General Napenas? General Purisima? Ang AFP (General Catapang, Pangilinan and Guerrero)  who failed to reinforce the beleaguered SAF members?

Dito ay himayin uli natin ang nangyari. Ipagpalagay na nating walang naging proper coordination ang SAF prior to their operation at ang sinunod ay ang coordination, time on target.  Given na ang problemang iyan at huwag na nating pag-debatihan pa. Nasa eksenang naiipit na ang fallen 44 sa bakbakan at humihingi na ng saklolo o rescue. So, ang mga sumunod ay ang palitan ng text…text…text…. at lumipas ang isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito walo, siyam, sampu o higit pa ditong oras, pero walang sumaklolo. Sino ang may kasalanan dito? Ang daming alibi ng AFP. Kesyo may sinusunod silang protocol, war doctrine etc, etc. Meron din silang sinasabing baka maka-epekto sa peace agreement with the MILF. Bullshit!!!! 

Where is the Commander in Chief during those critical hours kung saan ang buhay at kamatayan ng SAF members ang nakataya? Natutulog sa pansitan? Nakanganga? Patay ang Cellphone?  Siya ang may “hawak ng baton” para pakilusin ang lahat ng mga taong nasa kanyang ibaba. He is the “king” at pawn lamang niya si General Catapang, General Pangilinan at General Guerrero. Ang utos ng hari ay hindi mababali wika nga at walang maidadahilang “but” and “if’s” ang mga general na ito ng AFP kung sa kanya mismo magmumula ang order to rescue the SAF members at all cost. Ang problema, hindi sineryoso ng mga hinayupak ang nangyayaring engkuwentro na para bagang “ordinary course of business” lang ang nangyayari. Kung baga sa larong chess, itong hari natin ay isang maalamyang Commander in Chief kaya nalipol ang fallen 44. Hindi niya tiniyak na kumikilos ang iba niyang opisyal to check the enemies to lessen the casualties o, talagang stand off ang iniutos nito and not to engage because of the advice of the traitors who are sleeping with the enemies? 

Ang isang leader ay dapat responsible sa buhay ng kanyang mga tauhan. Okey, given na nga na pumalpak ‘yung dalawang heneral (Purisima and Napenas) dahil di nga nakipag-coordinate, pero por DIYOS por SANTO naman, Mr. President Benigno Aquino III,  hindi mo dapat “inupuan” nang napakahabang oras para hindi agad masaklolohan SAF 44 na umaasa at nagmamaka-awa ng saklolo. You must always on top of the situation, monitoring from minute to minute ang nagaganap at hindi mo dapat “pinapatay” ang iyong cellphone. Hindi ka isang ordinaryong empleyado sa kumpanya na pagkatapos mong magtrabaho ng 8 hours ay wala ka ng pakialam sa mga nangyayari sa paligid mo. Ikaw ay presidente namin 24 hours a day until the termination of your term. Bilang “ama”  dapat ay nasa dibdib mo ang “kaba” “takot” at “pag-aalala” sa buhay ng iyong mga “anak” na kinukuyog sa lugar na pinuntahan nila. Ang dapat mong inisip sa pagkakataong iyon ay “rescue them at all cost” hindi ‘yung sinasabi ninyong baka maka-epekto sa peace agreement sa MILF.

Para sa akin, may resulta man o wala ang Board of Inquiry, ang lahat ng sisi ay dapat ibato kay President Benigno Aquino III. He is the “proximate cause” kung bakit naka-eksena ang suspended na si General Purisima. Kung si Chief OIC Espina at DILG Secretary together with Genaral Napenas ang nag-brief sa kanya sa Malacanang bago ang operation Exodus, absuwelto siya. No question to be asked. But with General Purisima in the scene, there’s a lot of question here. 

President Benigno Aquino III was also the “proximate cause” kung bakit hindi agarang nasaklolohan ang fallen 44 kaya nangamatay. He is the “king of the Philippines” the “father” of his constituents and the “god” sitting in Malacanang Palace. Mamasapano Maguindanao, is within the Philippine territories. The enemies who claimed they were rebels was an enemy of the state. What they did to our SAF was unlawful and against the law of the Republic of Philippines and to hell with those peace talks or whoever violated it first. With his powers, hawak ni PNoy sa kanyang palad ang AFP and all their resources and he can talk with these rebels in a position of strength. Unfortunately we have a “weak leader” at hindi niya ito ginawa.  Sa halip, naging “sacrificial lamb” ang fallen 44 para mas paboran ang the “enemy of the state”. 

In my own opinion,  PNoy is not only the “proximate cause” in Mamasapano Massacre, but “the cause of the evil caused”

No comments:

Post a Comment