Tuesday, March 24, 2015

CHR CHAIRWOMAN: No Emotion?




Hindi pa tapos ang ginagawang imbestigasyon ng MILF sa Mamasapano tragedy, alam ko na halos kung ano ang magiging resulta at kung kanino ito pabor. So, ang SAF members nga na nag-operate ng Operation: Exodus, ang kanilang sinisisi at ang “no coordination” pa rin sa pagpasok sa kanilang teritoryo, na bahagi ng bansang Pilipinas ang kanilang ipinangangalandakan. What surprised me is the statement from the Chairwoman of the Commission on Human Rights and former Akbayan Party list representative Rosales na wala raw massacre na naganap, at hindi murder ang nangyari. She even criticised  the senate report about the Mamasapano na ang pina-iral daw ng mga senador ay ang kanilang mga emosyon.

Kung ganon, anong klaseng pinuno ng CHR meron tayo? MANHID o INSENSITIVE na gaya ng ating presidente? Kung ganito ang namumuno sa CHR natin, malamang na magkaletse-letse na ang karapatang pang-tao sa Pilipinas. Tila hindi na ikinunsidera ni Chairwoman Rosales ang ginawang brutal na pamamaraan ng mga MILF at BIFF sa ilang fallen 44 na nakunan pa ng video. Hindi rin niya ikinunsidera na mga pulis, at under their lawful duties ang ginawang operation ng mga ito, to get Marwan (international terrorist). 

Ano ba sa paningin ni Chaiwoman Rosales ang ginawa ng mga armadong grupo sa Mamasapano sa ating fallen 44? Legal? Makatao? Maka-Diyos? Ang pagpatay mismo sa mga pulis na gumagawa lang ng naaayon sa batas nilang tungkulin ay isa nang “paglabag sa batas”. Yes, they were armed at ito ay bahagi ng kanilang mandato to protect themselves and to uphold the law of the land. Iyon bang mga armadong grupo na pumatay sa mga pulis ay masasabi ni Chairwoman Rosales na legal  magdala ng armas, at ilagay sa kanilang kamay ang batas. Hindi ba masasabing “murder” at “massacre” ang ginawa nila by using their superior position/strength and number with the intention to annihilate (lipulin) the Fallen 44? 

Sa aking sariling pananaw, with what Chairwoman Rosales stated, wala siyang karapatang mamumo o pamunuan ang CHR kahit isang minuto. Hindi nararapat na isang taong “manhid” at “walang emosyon” ang nangangalaga sa karapatang pang-tao nating mga Pilipino. Ang emosyon ang isa sa pangunahing dapat meron ang nakaluklok sa CHR. At isa ito sa “tools to determine” kung ang ginawang paglabag ay makatao o hindi. Instinct na sa normal na tao na gumana ang kanyang emosyon habang hinihimay ang mga ginawang paglabag sa karapatang pang-tao ng isang individual o grupo ng mga individual. Removing this emotion from her, ano ang gagamiting tools ni Chairwoman Rosales? Nothing. Ito ang dahilan kaya wala siyang simpatiya at nakitang masama sa: ginawang pagpatay sa buhay pa at sugatang SAF members. Sa intention ng mga rebelde na walang itirang buhay sa kanila (lipulin). Pagnanakaw sa kanilang mga armas, at personal na gamit gaya ng cellphone, uniporme etc. 


Manalangin po Tayo

Panginoon po naming DIYOS, muli kaming lumalapit at naninikluhod sa IYO. Totoo pong napakahirap ng aming kalagayan sa gobyernong ito na ang halos karamihan sa namumuno ay mga “incompetent” at “manhid na tao”. Mga taong sa halip na ang proteksiyunan ay ang mga tauhang sumusunod lamang sa batas at nagpapatupad nito, ang kanila pang kinakandili at binibigyan ng katuwiran ay ang mga grupo ng taong lumalabag dito. Mula po sa aming pinakamataas na lider (Presidente)  hanggang sa namumuno “kuno” sa aming karapatang pang-tao (CHR) ay hindi na namin kayang masandigan o mapagkatiwalaan. Mabuti na lang at meron pang ilang matitino at matatalinong tao sa ibang sangay ng aming gobyerno na gumagawa pa rin ng pagtutuwid sa mga baluktot nilang ginagawa.

Sana, patuloy mo pang dagdagan ang aming pasensiya at pagtitimpi.  Nakatingin  po kami sa nalalapit na hinaharap na may kasamang pag-asa. Pag-asam na sana ay mabigyan mo na kami ng isang "competent leader" na tunay na magpapataas sa aming morale. Isang lider na hindi kayang silawin ng anumang halaga ng salapi at matutuksong magnakaw. Isang lider na sensitibo sa karaingan at daing ng mga naghihirap na mamamayan. Isang lider na hindi “napauuto”, “napabobola” sa kanyang mga kaibigan, ka-klase at kabarilan. Isang lider na may “tapang” at “talino” sa pakikipag-usap sa enemy of the state. Isang lider na ang iluluklok sa kanyang tabi para mamuno ng mga ahensiyang may direktang kontak sa iba’t ibang sector ay totoong magbibigay sa taong bayan ng kinauukulang serbisyo o paglilingkod. Isang lider na hindi sinungaling at aako ng responsibilidad sa sandali ng mga pagsubok. Isang lider na hindi “makapal ang mukha” at handang harapin ang mga akusasyon sa kanya, anytime and anywhere. At isang lider na may “political will”. Sana, sa pagbaba ng mga insensitive at  incompetent na namumuno sa aming bansa, kasama na rin sanang maglaho sa CHR ang manhid na tao at walang karapatang mangalaga sa karapatan namin bilang tao, dahil wala nga po siyang karapatang manatili sa kanyang puwesto. 
Nawa’y narinig mo na ang aming panalangin sa IYO, o dakila naming DIYOS. Ang lahat po ng ito’y ipinaaabot namin,  sa pangalan ng iyong anak at panginoong HESUKRISTO.
 
AMEN

No comments:

Post a Comment