Tuesday, April 14, 2015

Bangsamoro Basic Law: A Fiction Story, A novel or a Public Document?


Sa ikalawang pagdinig ng kongreso tungkol sa Mamasapano Massacre, nahayag na “alias” lang pala ang pangalang ginagamit ni MILF Chairman Mohagher Iqbal, natural na maraming mamamayang Filipino ang nagulat. Kung sa pananaw ni President PNoy Aquino at sa iba pa niyang alipores sa Malakanyang, senado at kongreso, "no big deal", ang rebelasyong ito, sa isang ordinaryong tagapagmasid na tulad ko, ito'y  hindi isang biro at nararapat tratuhing seryoso. Dahil dito lalong dumami at nadagdagan ang awareness ng mga mamamayan tungkol sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law (BBL) na ito. Kung noon ay marami ng mga tinig na nananawagan sa pagbasura  sa BBL sanhi nga ng Mamasapano Massacre, mas tumindi ngayon dahil “peke” pala ang pangalan ng ka-negosasyon ng ating gobyerno sa usapang pangkapayapaan.

Walang taong may matinong pag-iisip, ang naghahangad sa digmaan. War freak lang ang mga nagsusulong nito. Pero, kung ganito naman ang sitwasyon na bukod sa may mga probisyong lumalabag sa ating saligang batas na nilalaman ang BBL at may banta pa ng digmaan ang mga MILF kapag ito’y sinala at hinimay ng ating mga mambabatas, talagang sa ganito nga hahantong ang lahat.  Ganito ba katapang ang mga MILF at ganito ba naman ka-duwag ang gobyerno natin under the leadership of Noynoy Aquino?  Kapag nag-uusap ang dalawang partido tungkol sa isang makasaysayan at napakahalagang kasunduan gaya ng “peace talk” dapat ay maging tapat sila sa isa-isa. Walang dapat takutan.  Pero sa aking nao-obserbahan "bahag ang buntot" ng gobyernong PNoy.  Tila baga ang gobyerno ng Pilipinas ang "mahina" at ang kausap na rebeldeng MILF ang "malakas". Napapansin ko rin, base sa mga sinasabi ni PNoy at ng kanyang mga representative sa peace talk na sila'y sunod-sunuran sa "kapritso" ng enemy of the state. Para sa akin, ito'y isang uri ng pagtataksil sa bayan at sa bansa. Hindi lang mga probisyong lumalabag sa ating saligang batas ang kanilang ikinompromiso, hinayaan din nilang ang ilagda sa mga dokumentong napakasunduan ang mga pekeng pangalan. Ipinagtanggol pa at binigyan nila ng justification ang ginawang ito ng MILF Chief negotiator at inaming alam nila ito noon pa, habang nakikipag-usap sa MILF.

With this admission, the leader of our country, as well as our representatives in this peace process was not in their right mind. Saan sila kumukuha ng katinuan? Sa kanilang mga puwet? Malinaw pa sa sikat ng araw na ikokompromiso nila ang kinabukasan ng ating bansa at ng mamamayang Filipino as a whole. Para bang wala na silang magiging “pananagutan” kapag naipasa ang BBL as it is, at wala na ring pakialam sa mga problemang possibleng mangyayari sa hinaharap. Para sa kanila, ay “mission accomplished” na kapag ito’y naipasa, kesehodang patuloy pa ring magkagiyera sa pagsulpot ng iba pang faction o grupo ng mga rebelde, o magkaroon ng kuwestiyon dahil peke ang pangalan ng mga taong kausap nila sa MILF at lumalagda sa dokumento.  Dahil sa mga sekretong  ito ng administrayong PNoy at sa panlilinlang naman ng kanilang mga counterpart sa MILF hinggil sa kanilang  tunay na identity I smell something fishy.  

Mas dapat maghinay-hinay ang ating mga mambabatas sa pagpapasa sa BBL. Hindi lang ito dapat busisiin, kung hindi dapat halukayin ng husto ang mga nilalaman nito.  Dapat ding ihayag ng mga MILF political leader mga tunay nilang pangalan, ang kanilang citizenship coupled with valid evidence na magpapatunay dito. Ang kasunduang pangkapayapaan na pinasok nila ay hayag sa sambayanang Filipino, at sa buong mundo. Ito’y dapat nakasalig sa "katapatan" at "katotohanan". Dito’y walang dapat itago. Hindi lang si President PNoy, Deles and Miriam Coronel-Ferrer and their cohorts ang apektado dito, kung hindi ang buong bansa as a whole.

Hindi katanggap-tanggap ang justification ni MILF chairman Mohagher Iqbal’s na maging ang ilan nating mga revolutionary heroes ay  gumamit ng aliases. Ang peace agreement  ay isang pam-publikong dokumento. Ang BBL ay hindi maaaring itulad sa isang artikulo, kuwento o script sa komiks. Hindi rin ito fiction novel sa mga magazine o aklat na  pseudonym  ang ginamit ng ilang awtor. Hindi rin ito pam-pelikulang bagay na puwedeng screen name ang gamiting pangalan.  May umiiral na batas ang Pilipinas hinggil sa angkop na paggamit ng pangalan at aliases. Ito'y may mga sinusunod ring alituntunin at patakaran ayon sa itinatadhana nito. May ilang mamabatas (senador at congressman) na kaalyado si President Noynoy Aquino na hindi raw ito “big deal”. Excuse me mga congressman at senators. "Common sense" na lang ang inyong pairalin. Hindi ko sinasabing mga tarantado kayo, pero ang inyong mga katuwiran ay isang “malaking katarantaduhan”.

Anyway, ang lahat ng ito ay nalantad dahil sa Mamasapano massacre. Thanks to the Fallen 44. Our heroes na nagbuwis ng buhay para ipatupad ang batas at tungkuling sinumpaan. Unfortunately, nang maganap ito, tayo'y nasa ilalim ng isang "manhid", "kunsintidor" "duwag",  "tanga" at "incompetent leadership". Umasa tayo na kung “utak-abno” man ang lider ng ating bansa ngayon, kasama  ang kanyang mga adviser sa government peace agreement, at mga “prostitutes lawmakers”, marami pa rin namang “utak elepante” sa kongreso. Bukod dito meron pa tayong Supreme Court na alam kong mas higit na competent at nakakaalam ng kanilang gagawin kapag doon naman hinimay ang BBL. 

Pero teka, may isa nga palang na-appoint doon si PNoy na nakasama sa pagbuo ng BBL. Dapat sigurong mag-inhibit siya dahil kahanay niya si Deles at Coronel-Ferrer sa nagluto nito. I wonder kung alam din niyang peke ang pangalang inilagda doon ng kanilang counterpart sa MILF and he did nothing nor made a comment about it?   I’m just asking.

No comments:

Post a Comment