Friday, July 31, 2015

The President’s Ka-SONA-ngalingan and his Mirror Mirror in the Wall




Minabuti kong palampasin muna ang ilang araw pagkatapos ng SONA, ni President P-Noy Aquino, bago ako muling tumipa sa keyboard ng aking laptop. Ito ay para magbigay ng sarili kong komentaryo at bigyan ng grado ang pambansang ka-SONA-ngalingan ng “pinaka-tangang Presidente sa kasaysayan ng Pilipinas.”

Despite of his achievement report “kuno” na ipinahayag, nananatiling “bagsak” sa akin ang grado ni President Benigno Simeon Aquino III. Wala na akong paligoy-ligoy na sasabihin kung hindi hahanap na lang ako ng salamin sa panahon ng kanyang mag-aanim na taong pamumuno sa ating bansa, para i-gauge ko ang kanyang liderato. Napili kong salaminin ang mga nangyayari sa ating Metro Rail Transit (MRT) and Light Rail Transit (LRT). Totoo na isang bahagi lang ng sector ang transport industry, pero sa daang libong sumasakay dito araw-araw, mixed ang mga taong gumagamit nito. Mula sa mga empleado at kawani, estudyante, obrero, hanggang sa may pinakamababang antas ng pamumuhay sa ating lipunan, ito ang kanilang inaasahan. Pero mula nang maupo si P-Noy Aquino, napabayaan ang mass transportation na ito hanggang sa sumama at maging “bulok” sa pinaka-bulok na uri ang naging pamamahala at pagpapatakbo dito.

Blame game. Ito ang isinagot ng pinaka-tangang presidente natin. Bakit? Tila ang nakaraang administrasyon pa ang kanyang sinisisi sa kanyang naging kapalpakan. Hindi ito katanggap-tanggap na rason para sa mga taong matalino at nag-iisip. Noong panahon ni Gloria Macapagal Arroyo, kung ang tumatakbong tren ay mahigit pitumpo, sa panahon ni P-Noy, nabawasan ito ng napakalaki at umabot pa sa labing-pitong tren na lang ang tumatakbo. Ang dami nilang katuwiran, alibi’s, etc sa pangunguna ng kanyang alter ego na si Secretary Abaya, pero iisa ang hindi mapasusubalian, ang kanilang “kapabayaan”.

Adding insult to injury, ang tanga at manhid nating presidente ay tila lalong ibinaon sa paghihirap ang ating libo-libong mamamayan na gumagamit ng MRT at LRT. Inaprubahan pa niya ang proposal ng mga “ungas” niyang alipores na itaas ng halos doble ang pamasahe sa MRT.  Kung baga sa taong binugbog ang ating mga mananakay sa tren, dinuraan pa ni P-Noy at sinipa ang mga ito habang nakalupasay. Kulang na lang na sabihin niyang, pasensiya kayo, kahit bulok ang serbisyo ng MRT, magtiis kayo at magbayad ng doble.

Kalimutan muna natin ang pagiging “ingrato” ni P-Noy sa SAF 44 na nagbuwis ng buhay para sa napatay na international terrorist na si Marwan, dahil hindi man lang niya ito pinasalamatan sa kanyang SONA (guilty kasi) O, ang pagpuri sa kanyang mga cabinet secretary sa kabila ng kanilang kapalpakan sa trabaho particularly kay Secretary Proseso Alcala (na pinadami ang sindikato ng bawang, sibuyas at luya). Huwag na rin nating gawing isyu ang pagpapasalamat at pagkilala ni P-Noy sa kanyang katulong at hair-dresser na nagseserbisyo sa kanya ng personal. Kalimutan na rin natin ang speech writer ni P-Noy na tila gustong maging in sa mga young conversation ang kanyang Boss, sa pagpapabanggit kay P-Noy ng “E, ‘di WOW”. Tanging sa kabulukan ng MRT at LRT na lang natin salaminin ang administrasyon ni P-NOY. Isang simpleng salamin na magpapakita at maglalarawan sa kanya kung anong klaseng pabayang lider o pangulo siya ng ating bansa.

Kung sa mga nakalipas kong artikulo ay nabanggit ko ang the Vice President’s New Clothes na naglalantad kay VP Binay sa tunay niyang pagkatao at sa mga taong “tanga, mangmang at gunggong” na nasa paligid at sumusuporta sa kanya. Si President P-Noy naman ay may “P-No’ys Mirror, Mirror in the Wall” na kapag ating sinilip, malalantad ang tunay niyang pagkatao sa pamumuno. So, ito na lang muna ang masasabi ko sa mga naging ka-SONA-ngalingan ni President P-Noy from his first SONA up to his last sona. 

Ano ka ninyo? Sino ang iboboto ko between, VP Binay and Secretary Roxas na inendorso ni P-Noy na magtutuloy daw sa pinasimulan niyang “tuwid na daan”. Ang sagot ko, none of the above.  Why? 

The first one, may possibly lead our country into a disaster by making the Philippines, Binay dynasty and  the “kaban ng bayan” as his personal money. They have also a plan to rule our beloved country, the Philippines, “wan to sawa”. 

However, the last one, who said the popular words “bahala na kayo sa buhay ninyo” during the Yolanda disaster walked with P-Noy in a crooked path, but they continue saying, “tuwid na daan”. He is a loyal disciple of P-Noy, who sees nothing but a “mirage” of tuwid na daan. He is also endorsed by the “pinaka-tanga at manhid”  na presidente sa kasaysayan ng Pilipinas.
Meron pa naman sigurong kakandidatong iba, kaya meron pa akong mapagpipilian. Sa kanila na lang ako maghahanap at susugal, kaysa sa dalawa na ngayon pa lang ay nasasalamin na natin ang kani-kanilang mga pagkatao. In the mentime, bago ako magpaalam, ang masasabi ko lang ay… 

 ...e, di WOW!!!



No comments:

Post a Comment