Wednesday, November 4, 2015

Matatandang SSS Pensioner, Ayaw Maging Hapi nina Senator Nancy at Enrile?


Senator Juan Ponce Enrile

Senator Nancy Binay

Nang mabasa ko sa news na si Senator Juan Ponce Enrile at Senator Nancy Binay ang nagsisilbing hadlang para maisulong ang batas para mabigyan ng karagdagang benepisyo ang mga senior citizen (retired SSS pensioner), bigla kong naalala ang isang retired senior citizen na nag-email sa akin ng isang open letter at naka-address sa Social Security System (SSS).Nakapanlulumong malaman na ang isang kapwa senior citizen pa nilang si (Senator Enrile) ang nagsilbing balakid para hindi sila maging hapi. Isang senador na nahaharap sa kasong pandarambong dahil sa milyon-milyong salaping napunta sa mga bogus foundation na itinayo ng kanyang co-accused at pork barrel queen nasi Janet Napoles. Kung inyo pong naaalala, nakabalik ng trabaho si Senator Enrile dahil pinayagan siyang makapag-piyansa ng Supreme Court  for humanitarian consideration. Unfortunately, ang tinatawag nilang “tanda” ay hindi naman pala magpapakita ng humanitarian consideration sa kanyang mga kapwa senior citizen na SSS pensioner. Sa kabilang dako, ang anak namang senadora ng isang presidential contender na meron ding patong-patong na kasong pandarambong ay tila “kill joy” din sa mga matatandang SSS pensioner. Ang tatay pa naman niya ang nagsasabing buhay senyorito at senyorita daw ang mga senior citizen nila sa Makati, ayon sa kanilang paid advertisement. Dahil sa pagkontra ni Senator Nancy Binay na madagdagan ng konting benepisyo ang mga kawawang SSS pensioner na tumatanggap ng napakababang pensiyon, tila panggogoyo lang sa mga tao ang ipinangangaladakan ng mga Binay sa Makati. Iba ang kanyang ginagawa sa kanilang mga sinasabi.

So, ano ang mensaheng ipinaaabot niya sa daan-daang libong SSS pensioner na halos kasing laki lang halos ng tinatanggap ng mga CCT beneficiaries ang biyayang ibinibigay ng SSS? Na hindi natin dapat pagkatiwalaan ng ating mga boto ang kanyang amang“nognog” at “pandak” dahil kung ano ang ugali ng kanyang anak, ganito ring tiyak ang ama o baka mas masahol pa.

Manalangin Po Tayo
             
Panginoon po naming Diyos, muli po kaming nananawagan at nagsusumamo sa iyong habag. Ikaw po, O, Diyos ang nakakaalam kung gaano kadehado at kinakawawa ng SSS  ang mga matatandang pensiyonado.  Bagamat may mga maawaing mambabatas na nagnanais itaas ng bahagya ang antas ng kanilang mga pamumuhay, meron po namang mga “manhid” at alipores ng mga mandarambong na kumokontra dito. Hindi ko po maunawaan kung bakit sa halip na panigan nila ang mga batas na tunay namang kapaki-pakinabang sa mga naghihirap na SSS pensioner, sila pa po ang humahadlang dito. Ang totoo, sa bansa po naming ito, tanging ang mga masasalapi lamang at mga gahamang opisyal ng gobyerno ang laging napapaboran. Kung amin pong pagbabalikang tanaw, milyon-milyong piso pong pondo mula sa SSS ang ibinibigay na bonus ng mga may matataas na tungkulin sa ahensiyang ito. Pondong pinagsakitan at nagmula sa dugo at pawis ng mga ordinaryong manggagawa na naghuhulog ng kanilang SSS premium. Pero kapag may batas na ginawa para mabigyan ng konting luwag ang mgakawawang mga SSS pensioner at tumatanggap ng kakarampot na pensiyon, may mga mambabatas po palang “kampon ni Satanas” na kokontra dito.

Hindi ko po ipinagdarasal na kunin na sana ninyo si Senator Tanda na isa sa ayaw maging hapi at mabigyan ng konting dagdag na benepisyo ang matatandang SSS pensioner. Ang inaamot lamang po namin, o Diyos, ay baka naman puwedeng “pilantikin” MO,ang kanyang “pusong bato” para maglubag at mapag-isip-isip niya na mga kapwa niya senior citizen ang kanyang pinagkakaitan na mabigyan ng konting biyaya.  Ganito rin po sana ang gawin MO sa senadorang anak ng isang presidential contender na Nognog at Pandak. Sobra-sobra na po naman ang biyayang nakuha ng kanilang family dynasty sa Lungsod ng yaman at ginto na kanilang pinagharian sa napakahabang dekada.  Sana po ay ipaunawa MO sa kanya, na ang kanilang salapi ay hindi nila madadala sa hukay. Sabagay, isa marahil itong paraan para mas lalong lumubog ang popularidad ng kanyang ama sa pinakamababang level.  Isa itong minus factor para hindi matupad ang ambisyon ng kanyang tatay na maging presidente. Hindi lang po kasi mga taga Makati ang senior citizen na ginagawa daw nilang senyorito at senyorita ang botante. Marami pong senior citizen at SSS pensioners sa buong Pilipinas, kasama na ang kanilang mga pamilyang tiyak na hindi boboto sa kanyang ama.

Nawa’y makarating sa IYO, o, Diyos ang isinasamo naming ito at ang lahat ng ito ay hinihiling namin sa pangalan ng aming Panginoong Hesukristo.

Amen



No comments:

Post a Comment