Ako bilang
isang malayang mamamayan na may malayang pag-iisip ay parang nakaharap sa salamin.
Pinanonood ko ang mga binabalak, ginagawa, sinasabi at decision making ng ating
presidente bilang lider ng bansa .Noong
maluklok si P-Noy bilang pangulo ang dami kong magagandang iniisip
sa sinasabi niyang tuwid na daan”. Inakala kong isa siyang
de-kalidad at matalinong lider na nasasalamin
ko sa kanyang yumaong ama (Ninoy). Pero sobra akong nadismaya. Sa unang arangkada pa lang ng kanyang pamumuno,
nakita ko na agad ang kanyang pagiging incompetent sa paghawak ng Luneta
hostage crisis na kanyang binalewala. Ang resulta, lumikha ito ng sobrang kahihiyan
sa Pilipinas dahil sa pagkamatay ng ilang Hongkong nationals.
Sa nalalapit
na pagtatapos ng panunungkulan ni P-Noy meron na namang nagbigay sa Pilipinas ng
kahihiyan. Ang“tanim bala modus” sa Ninoy Aquino International
Airport. Hindi lang sa ating bansa naging viral ang isyung ito. Naging worldwide
rin dahil umani ng pansin at pagpuna sa ibang bansa na meron palang ganitong
katarantaduhang nangyayari sa Pilipinas. And yet ang administrasyong P-Noy
together with his DOTC Secretary na apo ng nagpapatay daw kay Bonifacio at
Heneral Luna, as usual ay tila minamaliit ito as if “isolated case” lang na pinalalaki.
Ganito “kahunghang” ang
gobyernong ito na pinamumunuan ng pinaka-tangang lider sa ating bansa. Isang lider
na manhid at kunsintidor.
Jose Angel Honrado
NAIA General Manager
Sa pagdinig
ng senado tungkol sa tanim bala modus, may napansin akong similarities ni P-Noy
sa itinalaga niyang general manager ng NAIA, na si GM Jose Angel Honrado. Hindi lang sa looks, katulad
din pala itong T-A-N-G-A ni P-Noy.
Sa tugon nitong, hindi raw saklaw ng kanyang awtoridad ang mga tanggapang nasa ilalim ng
kanyang pamamahala sa NAIA ako “nagimbal”, at labisna “nadismaya”. Aba’y
bakit pa nagtalaga ng general manager sa NAIA kung ganito pala ka-tanga at
ka-incompetent ang in-appoint ni P-Noy sa
ating International airport. Bilang isang mamamayang Pilipino nanakikinig,
nanonood at nagmamasid, may karapatan akong maghayag ng aking saloobin at
pananaw. I’am entitled to my own opinion (freedom of speech)
Ito
ang depekto sa administrayon ni P-Noy, mahilig
balewalain ang isyung akala nila ay ga-kuto lang. Nagugulantang na lang sila na
umabot na pala ito sa apat na sulok ng mundo. Parang hindi sila aware na sa pamamagitan
ng social media, lalaki at lalawak ito na parang epidemya. Gaya ng blog kong ito na maaaring minamaliit lang
nila, pero who knows, marami ditong nagbabasang mga Filipino na nasa iba’t ibang
bansa at namumulat ang kanilang pang-unawa. Katunayan hindi lang para sa tao, ang mga
komentaryo ko dito. Ipinaaabot ko rin ito sa
ITAAS at idinudulog sa KANYA sa aking mga panalangin. Naniniwala kasi ako sa POWER of PRAYER.
Ito namang
si P-Noy, mahilig ding magtalaga ng mga taong kung hindi corrupt, T-A-N-G-A
naman at incompetent (kamag-anak, kaibigan, ka-klase at kabarilan or apat na K
or KKKK) Meron din naman siyang mga alipores (cabinet secretaries) na matatalino.
Ang problema, “matatalinong hudas” sa
paggawa ng “pagkakaperahan” dahil sa
mga sweetheart deal na pinapasok nila sa mga private corporation na nakikipag-transaksiyon
sa gobyerno sa specific na proyekto. Wala silang pakialam sa mga pobreng
taxpayers na ginagamit nilang pang-salo sa “hirap”
“dusa” at “pasakit” sa mga “sovereign guarantee” na kanilang ibinibigay
sa mga hinayupak at ganid na negosyante (corporate greed). Pati ang tax nila bilang isang nagnenegosyo ay
ipinaaako pa rin sa mga mamamayang Filipino at bawal sa kanila ang malugi.
Sabagay,
konting tiis na lang naman ang ating ipaghihintay mga kabalat ko. Lalayas na rin
sa palasyo ng Malakanyang ang pinaka-tanga at manhid na lider natin. Ngayon,
kung gusto ninyong ipagpatuloy at palawakin pa ang baluktot nilang daan na sa panaginip
lang yata nila nakikita, iboto ninyo si Mar Roxas na sumumpang ganito ang kanyang
gagawin (ayon sa kanyang political ads). Kung ang iniisip naman ninyo ay SOBRA
NA, TAMA NA, KALUSIN NA, ang hanapin ninyo ay ang ideal na maging alternative.
Apat lang naman silang presidential contender na inihalintulad ko sa binibili nating
prutas, kung hindi na makakahabol ‘yung pang-lima na HINOG SA PILIT (Duterte).
Isang
BULOK (Binay), isang LAMOG (Roxas), isang MANIBALANG (Poe) at isang baka (may
duda) bigla na lang MAPANAT (Santiago).
Vote
wisely na lang mga kabalat!!!!
No comments:
Post a Comment