Monday, November 30, 2015

Mayor Rodrigo Duterte: Ang Kandidatong Hinog sa Pilit

Mayor Rodrigo Duterte

Sa pormal na pag-entra ni Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 presidential election nabuhayan ng loob ang voting populace na makatagpo ng “alternative leader” na posibleng mamuno sa ating bansa. Ang totoo, halos naka-sentro na lang kay Senator Grace Poe ang pag-asa ng taong bayan dahil isang“bulok” (Binay), isang “lamog” (Roxas) at isang pinagdududahang baka biglang“mapanat” (Santiago) ang ating pinamimiliang kandidato.

Tinawag kong kandidatong “hinog sa pilit” si Mayor Duterte, dahil nga sa kapipilit sa kanya ng kanyang mga supporters na siya’y kumandidato. Ibig sabihin, isa siyang reluctant presidential candidate. Ganoon man, isa pa rin siyang alternatibo na maaari nating pagpilian sa hanay ng mga nabanggit kong kandidato. Ang prutas nahinog sa pilit ay posibleng “maasim, mapakla o mapait” kapag ating tinikmanAsim o paklang taglay ni Duterte at puwedeng ipang-tapat na “antidote” sa mga nagaganap na kriminalidad at paglaganap ng droga sa ating bansa.  Dahil sa kahinaan at kawalan ng strong political will ng mga naunang administrasyon, we are too desperate to look for a  right leader to control, stop or eradicate this menace in our society.  Ang tanong, sapat na ba ang asim, pakla at pait ng tinagurian kong hinog sa pilit na presidential contender para pamunuan ang ating bansa? Hindi po. After what I’ve heard from him (Mayor Duterte) in his latest speech na “kinanti” niya ang isang kilalang personalidad na pinakamataas sa Catholic hierarchy, ang Pope, medyo nag-isip-isip ako at dagliang nagmuni.

I admired Mayor Rodrigo Duterte for having guts and “balls”sa mga isyung may kinalaman sa pagsugpo ng kriminalidad.  Sa matatapang niyang pahayag laban sa mga kriminal at salot ng lipunan. Okey lang rin sa akin ang kanyang ginagawang pagmumura sa mga tiwali at palpak na opisyal ng gobyerno. Ganito kasi ang kanyang personalidad na hindi naman niya ipinagkakaila. Ang hindi ako pabor ay ang magdawit pa siya ng kilalang personalidad na alam naman nating aaning malaking“impact” sa mga sensitibo nating kapatid na katoliko.

Ang isa sa kalidad na hinahanap ko sa isang mahusay na lider ay may “pagtitimpi” rin sa kanyang mga pagbibiro o pagsasalita lalo pa’t pagka-pangulo ng bansa ang kanyang puntirya. Mayor Rodigo Dutertemust  adopt a certain degree of  “control”. Wala siya sa isang private room  at siya’y nangungusap sa harap ng kamera at on air sa ilang radyo at telebisyon. Kung may mga taong natutuwa at umaayon sa kanyang mga biro at pasakalye, marami ring kontra dito at nasaktan.

Isa sa narinig kong sinabi noon ni Mayor Digong ay pamumunuan daw niya ang ating bansa by using his “common sense” kapag naging presidente. I agree with him.  Common sense dictates us what is right and what is wrong.  What is proper and what is not proper. By using our common sense, alam ni Mayor Digong na dapat lang“tigukin” ang mga salot sa lipunan para hindi na gawing “langit” o “paraiso” nila ang ating New Bilibid Prison na pugad rin ng mga prison guards and official na alagad ni Satanas at bume-beybi sa mga kriminal. Dito sumikat at naging popular figure si Mayor Duterte. His “strong decision” sabi nga ni Senator Alan Peter Cayetano. PERO, that strong decision must be coupled by “sensitiveness”. Ganito dapat. Sensitive sa damdamin ng mga taong kaharap, kausap at pinapangakuan ng “pagbabago”. Dapat ay marunong siyang manimbang. Hindi lahat ng audience ni Digong Duterte kapag siya’y nangungusap o nag-i-speech ay mga mandirigma na ang laging isinisigaw ay “patayin”o “patayan”. Marami rin ditong sumisigaw ng“awa” at “kapatawaran”. So, ang kailangan ay ang pantay na pagtaya sa mga bagay na dinedesisyunan, ginagawa at sinasabi.

Sa darating na presidential election, kung baga sa prutas na pamimilian, ikaw, ako, tayo ang pipili ng gusto nating bilhin o iboto. Mga kandidatong binigyan ko ng sarili kong classification. May bulok, may lamog, may manibalang, may pinagdududahang panat at ito ngang pinaka-huli, isang hinog sa pilit. Sino sa kanila ang inyong  pipiliin?


Vote wisely mgakabalatko. 

No comments:

Post a Comment