President Benigno Simeon Aquino III
Kapag
pinagbabalikang-tanaw ko ang aking mga naging komentaryo tungkol sa mga tinutukoy
kong “patay na langaw”sa administrayong
P-Noy noon, nakapanlulumong malaman na ang “baho”
nito ay patuloy at lumalawak pa ang saklaw. Sino-sino na nga ba ang mga tinukoy
kong patay na langaw sa administrayong P-Noy noon at kanyang mga ka-KKK?
Proseso Alcala (Agriculture), Butch Abad (Budget and Management), Dinky Soliman
(Social Welfare) Francis Tolentino (MMDA) Joseph Emilio “Aguinaldo” Abaya
(Transportation and Communication), General Purisima (etc, etc).
Sa mga ginawa na at ginagawa pang kapalpakan ng mga
taong ito ni P-Noy, ang naging attitude niya palagi ay “wala siyang nakikita”, “walang naririnig”
at “walang naaamoy”. Maihahalimbawa ko siya sa isang piyansador, o
kung hindi naman “fixcal” at taga-absuwelto ng kanyang mga tao. Isang katangian
ng BULOK at TANGANG lider na hindi dapat pinagkatiwalaang mamuno sa ating
minamahal na bansang Pilipinas. Naaalala ko tuloy ang sinabi ni Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang speech na: kung wala raw ginagawa at palpak ang kanyang
tao sa pinamamahalaang ahensiya, pupuntahan niya ito at sisipain. Wow!
Ganito ang tunay na lider. Sensitive at may ““common sense”. Alam niya ang kanyang gagawin at alam din niya ang sentimiyento
ng taong bayan. Common sense dictates na kapag may mabaho ay nangangamoy, atin itong
hinahanap. Sinasaliksik natin ang kasuluk-sulukan
ng ating bahay. Kapag nakita natin ito, agad nating inaalis ang bulok na sanhi ng
pangangamoy.
Pero
ano ang ginagawa ni President P-Noy? Salaminin ninyo mga kabalat ko ang bawat buka
ng kanyang bibig, kapag meron siyang alagad at ka-KKK na inaakusahan ng katiwalian
at kapalpakan? Kaninong panig ang lagi niyang pinapakinggan? Di ho ba’t ang kanyang
mga alipores? Ang isang tunay na lider ay nakikinig sa magkabilang panig. Ang mga
nag-aakusa at inaakusahan. And common sense dictates na gumawa sana dito ng kanyang sariling
evaluation si P-Noy. Hindi iyong salag lang siya ng salag sa mga accusations
laban sa kanyang mga tao at pinaghihinalaang kalaban sa pulitika o pamumulitika lang ito. Kung maaari ay lumabas din sana siya o di kaya’y magsugo ng
kanyang tapat at sariling “sugo” para gumawa
ng surveillance at paniniktik sa kanyang mga ka-KKK kung talaga bang ang mga ito ay “demonyo at may sungay”. Unfortunately,
‘di po ganito ang nangyayari. Mas nananaig ang mga bulong at mga nilubid na buhangin
ng kanyang mga devils advocates sa Malakanyang dahil nga sa kawalan ng common
sense ng ating Presidente. Sa halip si P-Noy ang nagsisilbing taga-pulbos, o
taga-lagay ng pabango sa mga patay na langaw sa kanyang administrayon at
kinukulob niya sa isang lalagyan sa halip na itapon o pasingawin. Ang isa po bang “kinulob na baho” ay hindi na sisingaw
o mangangamoy? Naturalmente, mas titindi pa ang baho nito. So, sino po ang dahilan
ng kabahuang ito? Si P-Noy.
Kung
naghahanap ako noon ng mga patay na langaw sa administrasyon ni P-Noy, ngayon po ay hindi na, dahil siya “mismo” ang nakikita at naaamoy kong pinaka-mabaho
at patay na langaw sa kanyang sariling administrasyon. Ang mga baho ng kanyang mga alagad
ay in-absorb niyang lahat, kaya bababa siya sa puwesto na umaalingasaw at nangangamoy. Magkanlong man o balutin man niya ngayon ng kulay “dilaw” ang
kanyang buong katawan, ang ginawa niyang mga “kapalpakan”, “kamanhiran” “kawalanng common sense”, at pagiging “kunsitidor” sa panahon ng kanyang pamumuno
ang uusig sa kanya habang buhay. Ang abangan na lang natin ngayon mga kabalat ko ay ang patong-patong
na kaso na posibleng isampa laban sa kanya at sa kanyang mga alipores pag-baba
niya sa puwesto . Kung boboto tayo, ang piliin natin ay iyong 'di niya kakampi at di siya kukunsintihin. Ilaglag at itapon natin sa darating na presidential election ang BULOK (Binay) at LAMOG (Roxas) na kandidato. Mamili tayo ng kahit MANIBALANG (Poe) o kaya ay HINOG sa PILIT (Duterte).
Vote wisely!!!!!!
Vote wisely!!!!!!
No comments:
Post a Comment