Thursday, December 3, 2015

Senator Grace Poe: Kampeon ng mga Batang Pulot at ng Kanilang Karapatan

Senator Grace Poe

Hindi maitatanggi na pinakamalakas na presidential contender, base sa mga survey si Senator Grace Poe. Kung baga sa karera, rumeremate siya sa kanyang mga kalaban. Dahil dito, gaya ng sa isang car or horse racing, may mga dehado na nagnanais na siya ay ilaglag. Sa mga ordinarong laro, nagre-resort ang mga dehado sa mga gawaing panggugulang, paniniko, pang-iipit at iba pang maruruming taktika para makaungos at manalo sa labanan o karera. Pero sa kaso ni Senator Grace Poe, hindi pa nagsisimula ang pangangampanya sa labanang pam-pulitika, tila pinipigil na siyang makatakbo.

Ang mga isinampang disqualification cases kay Senator Poe sa Senate Electoral Tribunal at COMELEC ang patunay. May mga “makapangyarihang kamay” na gumagapang na para hindi matuloy ang kanyang pagtakbo sa Presidential electon. Ang isyung citizenship at residency ang ipinupukol sa kanya. Ang mga legal experts naman ay  “hati” sa kanilang mga opinion at pananaw. Ganoon man, ang mga kalaban ni Senator Poe ay nagpakawala na ng mga alipores, na kung baga sa daga ay mahuhusay humanap ng “butas” sa ating mga batas. Dito sila nagre-resort dahil sa takot nilang matalo.

Sa kanyang panig, ang tunay na ipinakikipaglaban ni Senator Grace Poe sa isyung ito ay ang“karapatan” ng isang batang “pulot” na tila itinakwil na at tinanggalan ng estado. Nakasalalay din sa kasong ito ang magiging kapalaran at kinabukasan ng mga katulad niya ang katayuan na nangangarap maging lider o pinuno ng ating bansa sa hinaharap.  Sa kung ano ang gagawing aplikasyon ng ating batas sa kanila.  Justice or injustice? Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ng dati nating Presidente na sa aking pananaw ay isa sa pinaka-dekalidad na lider ng ating bansa noon na si Ramon Magsaysay at  tinagurianding  “champion of the masses:  “Those who have less in life shall have more in law. Ganito dapat ang gawing treatment ng ating mga batas sa isang kapos-palad at inabandonang bata na napulot lamang at hindi ang lalo silang kawawain at pagkaitan ng kanilang karapatan.

Sa nakikita ko, ang pagdiskuwalipika ng COMELEC 2nd division kay Grace Poe bilang kandidato dahil sa residency issue, ay panimula na ng taktikang ang layunin ay hindi na makasalang o makatapak si Senator Poe sa starting line ng Presidential race. Ganoon man, mahaba-haba pa ang prosesong pagdaraanan at aakyat pa ito sa katas-taasang hukuman. Sa magaganap na deliberasyon at desisyon sa hinaharap, mahahayag sa madla kung sino-sino sa mga justices natin sa Supreme Court ang “injustice” ang paiiralin sa kaso ng mga batang pulot o inabandona ng magulang.  Malalaman din natin kung sino naman sa kanila ang naniniwala na ang “spirit of the law” ang dapat manaig sa ginawang batas,  when the law is silent about it.

Ano man ang mangyari,  inaasahan ko na malalagay pa rin ang pangalan ni Senator Grace Poe sa balota. Ito ang kailangan ng voting populace para maiboto pa rin nila ang kanilang gusto. Sa balota nila isisigaw ng malakas at ihahayag ang kanilang mga damdamin. Sila ang tunay nahahatol at hindi ang iilang tao na pumapayag manipulahin ng mga lihim at makakapangyarihang kamay na nagdidikta sa kanila. We need an alternative leader other than those two “trapos” na nasa front line ng karera at ang pagkaitan ang taong bayan ng pamimilian ay isang tandisang inhustisya  at pagaalis sa kanila ng karapatang pumili ng gusto nilang maging presidente ng ating bansa.

Manalangin Po Tayo

Panginoonpo naming Diyos, naniniwala po kami sa power of prayer. Ito lang ang sandata na maaari naming gamitin para labanan ang mga kandidatong “alagad ng katiwalian at kasinungalingan”  Totoo po na marami silang nabubulag at nabobola. Pambobolang idinisenyo ni Satanas para sila ang mapaboran.  We too, have a branch of government  full of prostitutes (lawmakers and justices), sa senado, sa kongreso at sa lehislatura. Hindi po exempted dito ang tinatawag naming independent constitutional commission na gaya ng COMELEC. Lugmok na po ang aming bansa sa mga sunod-sunod na kalamidad at naglisaw na ganid sa iba’t ibang ahensiya at departamento ng aming pamahalaan. Lugmok na rin po ang mga naghihirap kong kabalat at kababayan dahil sa mga mapang-aping patakaran at  agenda na sinusunod ng mga nauna naming lider n aang mas pinapaboran ay negosyo at hindi ang bayan. Ang kanilang sariling interes o ang interes ng iilan at hindi ang sa nakararaming mamamayan.  Sa darating pong presidential election, hayaan mo pong makahanap at makapamili kami ng alternatibong lider na inaakala naming gagabay sa bansa at magtataguyod sa kapakanan ng mas nakararaming mahihirap. Iyong sensitibo, maypolitical will, may common sense, at may puso. Isang lider na tapat at hindi pansariling kapakanan lang ang uunahin.

Panginoon po naming Diyos, ipinapanalangin rin po namin si Senator Grace Poe na malagpasan sana ang lahat ng pagsubok na kanyang pinagdaraanan ngayon. Basbasan mo po ang mga taong magpapasiya sa kanyang karapatang makatakbo sa darating na halalan sa 2016. Bigyan mo po sila ng kaukulang wisdom at talino. Haplusin mo rin po ang kanilang mga puso at katukin ang kanilang mga kunsensiya upang mabigyan ng pagkakataon ang mga taong naghahanap ng alterntibong lider na pangungunahan ang aming bansa. Huwag mo po sanang papayagang manaig ang “salapi at impluwensiya” ng mga makapangyarihang kamay na gumagawa ng paraan para ipilit nila ang kanilang gusto na maluklok ang isang lider na lalong magsasadlak sa aming bansa sa higit  pang kapariwaraan at malawakang katiwalian.

Umaasa po kami, o Diyos na makapangyarihan sa lahat. Dininig mo po sana ang aming panalangin sa IYO. Hinihiling po namin ito sa pangalan ng aming tagapagligtas na si Hesukristo

Amen


No comments:

Post a Comment