Tuesday, December 15, 2015

Mayor Rodrigo Duterte Earned his Name and Reputation not by Statistics


Rodrigo Duterte

VS.

Mar Roxas


Habang nakikipaglaban si Senator Grace Poe sa kanyang disqualification case sa COMELEC na posibleng umakyat pa sa Supreme Court, pisikal na labanan naman ang hamunan nina Duterte at Roxas sa kanilang “word war”. Hindi pa nagsisimula ang campaign period para sa election 2016, nagkainitan na ang dalawang presidential contender. Nagsimula ito nang pasinungalingan ni Former DILG Secretary Mar Roxas na huwad o “myth” lamang di umano ang ipinagmamalaki ni Davao Mayor Rodrigo Duterte na mababaang crime rate sa kanilang Lungsod. Ibinase ni Mar Roxas ang kanyang sinabi sa “statistics”. Dahil dito, bumuwelta si Duterte na hindi  raw totoo na nagtapos ng kanyang degree si Roxas sa Wharton University sa US at ito ay isa ring myth. Si Duterte rin ang unang naghamon ng “sampalan blues”. Tinanggap ni Roxas ang hamon, pero ini-level up niya ito kalaunan, kung saan “suntukan” na lang daw sila ni Duterte. Hindi dito natapos ang hamunan dahil mas ini-level up ni Duterte ang kanilang hamunan sa “barilan”. Habang nagaganap ang hamunan ng isang “lamog” at isang “hinog sa pilit”, ang “bulok” namang presidential contender na si VP Jejomar Binay ay nanonood lang at nakikinig, habang ang “pinagdududahang mapapanat” na si Senator Mirian Santiago was talking, with her usual kuwelang pick-up lines sa kanyang  speaking engagement.

Kung pagbabalikang tanaw natin ang record ng dalawang naghahamunan ng sampalan, suntukan at barilan, dito natin mapagtatanto na posible ngang mangyari ito. Kilala ng madla ang personalidad ni Duterte bilang mapagmura, kapag siya’y nagsasalita, pero hindi maitatanggi ni Mar Roxas na nagmumura rin siya kapag nagalit (throwback sa panahon ni President Gloria Macapagal Arroyo). Pikon din siya dahil noong panahon ng typhoon Yolanda tragedy, sa bibig niya nagmula ang naging popular words noon na “bahala na kayo sa buhay ninyo” kung saan isa itong indikasyon na maikli ang kanyang pasensiya kahit nasa gitna ng kalamidad ang ating mga kababayang nasalanta. Between the two, sino ba ang paniniwalaan natin?

Maraming nagsasabi na “safe at peaceful” nga raw sa Davao kung saan si Mayor Rodrigo Duterte ang namumuno. Di nga ba’t nabalita pang ang Davao City nga raw ang isa sa pinaka-safest city noon at nag-rank pa ito. Pero ang ipinagmamalaking ito ni Duterte kung saan siya umani ng “papuri at paghanga” ay pinabulaanan ni Roxas sa hawak nitong statistics. Kung ako ang inyong tatanungin, sino ang paniniwalaan ko sa dalawa?  Narito ang sarili kong kuru-kuro at pananaw.

Bakit ang “isa” sa daan-daang local official na katulad ni Mayor Rodrigo Duterte ay biglang nakilala, naging popular at bukang-bibig ang pangalan, hindi lang sa ka-Maynilaan kung hindi sa buong kapuluan ng ating bansa?  Bakit maraming naghahangad at nagtutulak na siya ay tumakbong presidente ng Pilipinas sa kabila ng kanyang pagiging reluctant presidential contender? Ito ay hindi ibinase lang sa papel ng statistics na gaya ng pinagkukunan ni Roxas. Ito ay inani ni Mayor Duterte dahil ang pinagbabasehan ay ang “nakikita at nararamdaman” ng mga constituents sa kanyang Lungsod. Ganito ang gustong maramdaman ng mga taong bayan sa buong Pilipinas dahil nga sa “kapabayaan”, “kahinaan” at “kawalan ng political will” and “strong decisions” ng mga nauna nating Presidente kung pagbaka sa kriminalidad ang pag-uusapan.

On the other hand, si Roxas ay nagba-base lamang sa “statistics” na alam naman nating dinodoktor o puwedeng doktorin. Hindi ba’t ganito rin ang ugali ng kanyang Boss sa Malakanyang na si P-Noy. Si President Benigno Simeon Aquino III ay hangang-hanga sa kanyang mga alipores na  ka-KKK sa Malakanyang? Kahit kasinungalingan ang sinasabi ng kanyang mga cabinet secretaries, paniwalang paniwala siya sa mga ipinakikita ng mga ito sa kanyang statistics. Umuunlad daw ang ating ekonomiya, lumago ang ating agrikultura, nabawasan ang nagugutom, dumami ang trabaho etc, etc, pero ang siste, hindi ito nadarama at nakikita ng nakararami nating mamamayan na naghihirap at nagugutom.

So, ang pinaka-epektibong “gauge” dito ay kung ano ang nakikita at nararamdaman ng   taong bayan. Kung “feel” ng mga taga-Davao na “safe” sila sa Lungsod na pinamamahalaan  ni Duterte, ito ang dapat gawing barometro at hindi ang statistics na iwinawagayway ni Mar Roxas. Gaya rin ng “gutom at kumakalam na sikmura” ng taong bayan kung pag-unlad naman ng ekonomiya ang pag-uusapan.

Mayor Rodrigo Duterte earned his name and reputation not by statistics. Ito ay ibinigay o ipinagkaloob sa kanya ng mga taong nakadarama at nakakakita sa kanyang mga ginawa o nagawang pagbabago sa Davao. Ito ay hindi niya inani sa loob lang ng magdamag o isang-araw. Ito ay bumilang nang matagal na panahon, kung saan ang kanyang pangalan ay naging “bukang-bibig” dahil sa matigas at matapang niyang tindig sa pagbaka ng kriminalidad sa kanyang Lungsod. Kalaunan, ang kanya ngang pangalan ay naging isa ng “alamat”.

Between Mar Roxas whom like his Boss, P-noy relied only on statistics and Mayor Rodrigo Duterte whose name became a “myth”, kay Mayor Digong ako nakaka-aninag at nakakasilip ng pagbabago. Pagbabagong maaari niyang gawin sa buong Pilipinas na nauuhaw at naghahanap ng alternatibong lider na hindi nakita sa mga naunang pangulo ng ating bansa. Maaaring kandidato nga siyang hinog sa pilit, pero who knows, ang pait, asim at paklang hatid niya ang maging antidote sa mga pusakal na kriminal, at drug lord na matagal bineybi ng mga naunang lider natin. Maging “sensitibo” siyang lider na “nakikinig” sa mga daing at taghoy ng mga naghihirap nating manggagawa at mamamayan. Lider na “bukas ang isip” at “nakikita” ang “pagmamalabis sa tubo, pakinabang at panlalamang” ng mga negosyante at higanteng korporasyon na halos sairin na ang dugo, pawis at luha ng mga naghihirap nating mamamayan. And last but not the least, lider na “hindi makikipag-sabwatan” o "kukunsinti" sa mga tiwali, corrupt at mandarambong niyang cabinet secretaries and head of agencies, at hindi rin makikipag-alyansa sa mga prostitute lawmakers sa lehislatura at hudikatura para sa sariling interes at kapakinabangan.

Kung papalaring maging presidente ng bansa si Mayor Rodrigo Duterte, at his age now, he had a chance to make his name more unforgettable to Filipino people. By making possible those dreams that we are longing for, people themselves can elevate him to greatness. Life is too short for him, and I knew that Mayor Rodrigo Duterte can grab that "opportunity of a lifetime," na hindi nagawa o ginawa ng mga nauna nating leader.

I prayed to GOD in helping and guiding us to choose our leader, who can produce “big” changes” in our country. Kung si Mayor Rodrigo Duterte ang taong ito, so be it.



No comments:

Post a Comment