Last
Saturday, napanood ko sa GMA 7, sa programang “Imbestigador” ni Mike Enriqueza ng
pananaw ng limang nangungunang Presidentiables tungkol sa gagawin nilang diskarte
sa pagsugpo sa lumalalang kriminalidad sa ating bansa at sa isyung “death penalty”. Malaking tulong sa mga
botanteng Filipino ang naturang pakikipanayam dahil dito nila matuturol kung
sino sa mga nag-aambisyong maging presidente ang makapagbibigay ng tunay na pagbabago
sa problemang ito na isa sa pangunahing problema ng ating lipunan.
Mayor Rodrigo "Hinog sa Pilit"
Duterte
Katulad
ng dati, ang matigas na tindig at pag-pabor ni Mayor Rodrigo Duterte sa death
penalty ang kanyang bukang-bibig. Naniniwala siyang isa itong malaking deterrent
para mabawasan ang kriminalidad sa ating bansa.
Senator Grace "Manibalang" Poe
Bagamat
hindi naman diretsahang sinabi ni Senator Grace Poe ang pag-pabor sa death
penalty, dama raw niya ang damdamin ng isang inang na naging biktima ng heinous
crime ang mahal sa buhay. Dahil dito, nais niyang magkaroon ng isang plebisito tungkol dito at
ipauubaya niya sa majority of the Filipino people kung magkakaroon tayo ng
death penalty.
Senator Miriam Defensor "Baka Mapanat"
Santiago
Sa panig
naman ni Senator Miriam Defensor Santiago, pabor daw siya na maparusahan ng
death penalty ang mga drug traffickers.
Sa tatlong
ito (Duterte, Poe and Santiago) lamang makakaasa ng ganap na pagbabago ang taongbayan
kung pagsugpo sa lumalalang kriminalidad sa ating bansa ang pag-uusapan. Nasabi ko ito dahil sawa na tayo sa mga naunang
lider ng ating bansa na naging “bakla”
at “walang balls” sa pagsugpo ng krimen.
Ang katuwiran at pananaw ni Mar Roxas at
VP Jejomar Binay ay “obsolete” na. Palakasin
ang justice system, at kung anong ek-ek ang mga pinagsasasabi gayong sa matagal
na panahon ay hindi naman naayos o nangyari. Same song and same music ang kanilang
tinutugtog at kinakanta habang tuwang-tuwa itong sinasayawan ng mga pusakal na kriminal
at salot sa ating lipunan sa loob mismo ng bilangguan. Dumami at nadagdagan pa
ang kanilang bilang and at the same time mas nagiging marahas sa paggawa ng krimen.
Tanging sa administrasyon ni Erap Estrada medyo “nayanig” ang mga pusakal dahil sinampolan niya noon ang rapist ng sariling anak na si Leo
Echegaray na binitay sa panahon ng kanyang maikling panunungkulan. Pero nang mawala
sa puwesto si Erap, back to normal na naman ang mga kriminal. Muli silang “bineybi” ng pumalit na si Groria Macapagal
Arroyo at nagpa-impluwensiya sa dikta at sulsol ng mga grupong tumututol sa
death penalty.
Former DILG Secretary Mar "Lamog"
Roxas
VP Jejomar "Bulok" Binay
Ang malamyang
treatment ng babaeng presidente sa katauhan ni Macapagal-Arroyo at ang baklang pagtrato
ni P-Noy Aquino sa pagsugpo ng kriminalidad ang “itutuloy” ni Mar Roxas at VP Binay. Dahil dito, asahan natin ang paglala
pa ng kriminalidad sa ating bansa. Expect more heinous crime, rape, kidnapping,
drug trafficking etc, etc. Mas sasahol rin tiyak ang corruption na mangyayari sa
ating Bureau of Correction dahil patuloy itong magiging “safe haven” ng mga high profile criminals. Mga bilanggong handang magbayad
ng salapi para sa sarili nilang safety and convenient, and at the same time
patuloy na makakagawa ng criminal activity via cellphone, internet, courier,
etc. So, sa ating pagboto, alisin na natin sa listahan ang dalawang ito.
Ang “bulok” na si VP Binay at ang “lamog” na si Roxas. P’wede na natin silang
itapon sa trash can. Let’s make a short list.
Ang kailangan
nating lider ngayon ay may lakas at tibay ng loob na solusyunan ang malalang kriminalidad
sa ating bansa. Iyong handang lumaban sa pressure. Kung ang hinog sa pilit na si
Digong Duterte ang tatanungin, alam na nating palaban siya sa isyung ito at
pabor siya sa death penalty. On the
other hand, bagamat hindi nagsabing tutol o paborsa death penalty ang manibalang
na si Grace Poe, she’s intelligent enough when she stated nadadaanin niya ito sa
plebisito. Ang pagiging bukas niya at pagpapaubaya sa taong bayan na desisyunan
ang isyung death penalty ay sapat na para
sa akin dahil nakakakita at nakakaaninag ako ng pagbabago. Sa panig naman ng pinagdududahan
nating baka biglang mapanat na si, Miriam Santiago, pabor din daw siya sa death
penalty pero para lamang sa mga drug traffickers and offenders.
We
asked for a change, so tatlo na lang ang pagpipilian ng mga nagnanais ng pagbabago,
kung kriminalidad at isyung death penalty ang pag-uusapan. Si Rodrigo Duterte,
si Grace Poe at si Miriam Defensor Santiago.
No comments:
Post a Comment